"Kriel?" tama ba ang pag kaka dinig ko, o kaparehas lang, hindi mali. Krisella 'yon.

Hindi pa man nag tatagal ang pag uusap namin nang mga bata ay may nag salita na, na parang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

"You're going to follow me even here, Calista?" isang buritong boses.

My eyes widened in disbelief. What? Caleb, how? Why? Is fate playing a cruel joke on me?

"Excuse me, Mr. Prosecutor, I have been donating here for a long time, I have been coming here for a long time, okay?" inis na sabi ko at inirapan siya

"Ate, Caliee kilala mo po si kuya Cael?"

"So you are Cael? kung i-describe ka ng bata sakin parang ang bait bait mo!" Inis na sabi ko sakanya kina-kunot naman niya ito nang noo, paano ba naman Cael ang tawag sakanya nang mga bata.

"Ate bakit mo po inaaway si kuya Cael?" tanong nung isang bata, shit nakalimutan ko may bata sa harap, nadala nanaman ako ng emosyon.

"Ah, hala mali hindi ako nagagalit, at lalong lalo na hindi ako nakikipag away, grabe talaga ang tadhana no, grabe!" Tinaasan ako nito nang kilay kaya pinandilatan ko din siya nang mata, ano siya lang ang maldito dito?

I was shocked when he grabbed my arm and pulled me towards the rooftop, away from the children. Even the other sisters and the children were surprised by his actions.

"Hoy bitawan mo nga ako, ikaw namumuro kana" shit, totoo ba 'to nasigawan ko ba talaga siya? Lord ipakain niyo nalang po ako sa lupa

"Leave, now."

"H-Huh? bakit ikaw lang ba ang pwedeng mag donate dito?"

"Don't be so sarcastic, woman. Umalis kana" Pamimilit nito

"The children might be scared of a person like you, a killer!" He shouted at me as he approached, causing me to take a step back.

"Hindi ako mamatay tao! sino ka para husgahan ako? Ilang beses ko sasabihin? milyong beses ba? hanggang sa mamatay ka ganon?"

"Oo! 'dahil alam nating dalawa na ikaw! ikaw ang pumatay, tangina ewan ko ba bakit ang katulad niyong mayayaman hindi nakokonsensya, alam kong pinlano mo, dahil 'yun kana, ugali muna 'yon"

"Anong gusto mong gawin ko? hindi pa ba sapat na humihingi ako nang tawad, alam ko sa sarili ko na aksidente yon, pero kahit kailan hindi ko pinlano 'yon!" sigaw ko sakanya, pero walang reaksyon ang muka nito, unti unti itong lumalapit sakin

"A-Anong ginagawa mo, umalis ka sa harap ko!" hindi ako nito pinakinggan at patuloy lang sa pag lapit sakin na siyang ikana aatras ko.

"M-ma...mahuhulog ako! p-please" saad ko dito 'dahil kaunti nalang ay mahuhulog na ako mula sa taas ng rooftop

"What does it feel like to be close to death?" he asked as he continued to approach me, still holding onto my arm.

"B-bitawan m-oko please, Caleb"

tumawa ito, at mas lumapit pa "Paniguradong 'yang takot na nararamdaman mo, naramdaman din ng fiance ko nung pinatay mo siya"

"Paniwalaan munaman ako, wala akong preno nung araw---"

I froze as I almost fell, with only his hand gripping onto me. He could have easily let go of my hand to seek revenge, but...

"Ahhhh, tulong! tulun--" hikbi ko, hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ko

Tumawa ito "Ngayon humihingi ka nang tulong, I'm sure umiyak 'din si krisella nung sinagasaan mo siya"

"A-ano bang gusto mo, lahat ibi--"

hindi ako natuloy sa pag sasalita nang luwagan nito ang kamay niya kung saan ako nakakapit

Ibalik mo ang buhay ni krisella, kaya mo ba 'yon?" Sabi nito at tinaasan ako nang kilay.

"Hindi ako diyos!"

"CALEB!" Napalingon kaming dalawa nang may sumigaw na babae, si sister beth

"Bitawan munga si Calista, alam ko na masakit 'yang nararamdaman mo hijo, pero hindi mo kailangan pumàtay dahil lang sa galit mo" pag kasabi ni sister beth ay siya namang pag balik niya sakin sa wisyo.

"I'm not done....yet" Tinalikuran ako nito.

Halos hindi na ako makahinga sa kabang nararamdaman, hinawakan ni sister beth ang kamay ko, at niyakap, ramdama na ramdam ko ang galit nito sakin.

"Hija, ayos ka lang ba?" Tumango ako dito, hindi pa rin ako makapag salita 'dahil sa mga nangyari.

"Kung sa tingin mo kasalanan mo, naniniwala akong hindi, pakatatag ka okay?"

"Salamat po, sister beth."

Inalalayan ako nito pababa nang rooftop, sinalubong naman ako nang mga bata, natanaw ko si Caleb sa malayuan kung saan halata sa muka nito ang galit.

"Hindi masama si Caleb, Hija. Mahal na mahal niya si krisella, mag kakilala na sila ni krisella bata pa lang, kaya alam ko na masakit para sakanya na mawala ang taong mahal niya, si Crisella nalang ang meron siya, both parents niya sumakabilang buhay na" sabi nito habang tinititigan ako nang nakangiti

"Paano niyo po nalaman ang buhay ni Caleb? tanong ko" Kasabay non ang paghawak nito sa buhok ko.

"Ako ang nag alaga kay Caleb simula pag ka bata, simula nang màmàtay ang magulang niya ako na ang nag alaga at nag silbing gabay sakanya, sa church lumaki si Caleb Hija, kaya kilalang kilala ko ang bata 'yon..."

Tinignan ko si Caleb mula sa malayo, kasalanan ko ba talaga? dahil sakin nam*tay yung kaisa isang meron siya? dahil lasing ako nung araw na 'yon? paano kung sumuko ako? matatahimik kaya siya?

"Una na po ako, sister beth" paalam ko dito sabay yakap sa mga bata.

"Mag ingat ka, Calista"

Tumango ako dito at nginitian siya, hindi pa man ako nakakalabas nakasalubong ko na agad si Caleb, hindi ako nito pinansin at tuloy tuloy lang ito sa paglalakad.

Nag antay ako kung may dadaang taxi, pero tila wala namang dumadaan, nainip ako kaya binasa ko ang mga message sakin nang mga bata

"Hello, ate Calista miss na miss kana po namin sana po lagi kayong dadalaw kapag may free po kayong oras, mahal ko po kayo" halos maging emosyonal ako sa message sakin nito, nawala ang bigat nang nararamdaman ko.

"You look ugly when you cry," a mocking voice came from behind me.

"H-Huh?"

Ano nanamang trip nitong caleb na 'to, lahat nalang pinapakialaman.

Aalis na sana 'to sa harapan ko pero hinatak ko ang braso niya dahilan para mapatigil ito sa paglalakad, tumingin ito sakin nang walang emosyong makikita, si caleb lang siguro ang taong hindi ko mabasa.

Hinarangan ko ito hindi rin alam sa sarili ko bakit ko siya hinarangan basta napunta nalang ako sa sitwasyon na 'yon.

"Leave me alone, woman" Hindi ko maiwasang mainis sakanya, kaya pinandilatan ko 'to nang mata.

"Gusto ko...na matapos na ang gulong 'to" walang patumpik tumpik na sabi ko dito.

"Anong kailangan kong gawin para mapatawad mo'ko?" dagdag ko pa, punong puno nang determinasyon ang buong kalamnan ko

"Hangga't nabubuhay ako, I will never ever forgive you, tatak mo sa utak mo 'yan" sabi nito sabay tulak nang noo ko gamit ang hintuturo nito.




Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now