"Ma'am calista, may kanina pa pong nang gugulo 'dun sa baba." Sabi nang babaeng empleyada.

"Papasukin niyo ako, o kakasuhan ko kayong lahat?" Sabi nung lalaki inaawat na siya ng guard pero mapilit ito, nilabas ko ito at nakita ko si Caleb?

"W-what?"

Lumapit ito sakin at tinulak ako kaya napasandal ako sa pader.

"Pinatay mo 'yung fiance ko, mamatay tao ka, nung araw na pinatay mo siya, kausap ko siya maliwang ang pandinig ko narinig ko ang boses mo!"

"FUCK YOU SISIGURADUHIN KO NA HAHAWAK KA NANG REHAS!"

"H-Hindi ko s-siya pinatay!" pag tanggi ko pero mas diniin niya ang pag tulak saakin sa pader.

"You're a liar! You even sent money, for what? To make it seem like you can afford my fiance's life? You're just rich, Calista! Remember, I... myself will be the one to pass judgment on you, leading to your déath!"

Pag katapos niyang sabihin lahat nang masasakit na salita ay iniwan ako nitong nakatayo at puno nang pag aalala. "Paano siya? F-fiance ni Caleb yung nasagasaan ko?"

Halos malugmok ako sa sinabi niya sakin, "Hindi ko nga siya pinàtay, putungina" Pag tanggi ko sa sarili.

"Ma'am, Calista ayos lang po ba kayo, matanong ko lang po sino po ba 'yon?" tanong nung babae kanina na umaawat kay Caleb.

Isang lalaking hinihiling ko na hindi ko na sana makita.

Bumalik ako sa loob ng hotel, inayos ko ang lahat nang gamit ko nang biglang tumawag si Avery sakin.

Ilang araw akong wala sa sarili ko, hindi mapakali sa p'wedeng gawin sa susunod ni Caleb, paano kung hindi niya na ako tigilan?

Napabalikwas ako nang tumawag si Avery sakin.

"Calista...Caleb, fiance, last day na ngayon nang burol niya, baka gusto mo na sumilip?" Tanong nito sakin sa cellphone, sinabi na pala sakanya ni Nix. Wala talaga akong na i-sisikreto.

"Send me the location" Sabi ko dito bago ibaba ang cellphone.

Nang dumating ako sa burol nang babaeng nasagasaan ko nadama ko ang bigat ng kapighatian sa paligid. Maraming taong nagdadalamhati at nagpapahayag ng kanilang pagdadalamhati sa pagkawala ng isang mabuting tao. Nakita ko ang mga kaibigan at kamag-anak ni Caleb na nag-aabang sa harap ng kabaong, balot na balot ang muka ko, 'dahil ayoko na makilala ako ni Caleb.

Tahimik akong lumapit sa kabaong at tiningnan ang kabaong, pero mga ilang saglit lang ay lumayo na ako, nanatili ako sa labas ng funeral. nakita ko si Caleb na nasa harap na ngayon ng kabaong ng fiance niya, halata sa muka nito ang sakit, at galit sakin.

Nang may biglang lumapit sakin mula sa likuran, "Hija? bakit hindi ka pumasok 'dito sa loob?" alok nito siguro nasa mga sikwenta na ang edad nito.

"H-Hindi na po."

"Ay sus, kaano ano kaba ni krisella?"

"Ako po? isa po ako sa mga gustong maging kaibigan si Krisella" pinipilit ko na 'wag tumulo ang luha ko, pero ang hirap eh.

"Oh..bakit ka umiiyak, tahan na. Ako nga pala ang mama ni Krisella, sayang hindi kana niya makikilala" Ramdam ko ang hinanakit nito sa puso, unti unting dumudurog ang boses nito, hindi rin nito napigilang lumuha.

Ma, sino yung kausap niyo?" napa talikod agad ako nang biglang may tumawag sa babae na kausap ko, it's caleb.

"Miss? bakit hindi ka pumasok?"

"wag n-na po"

Pilit kong iniiba ang boses ko para hindi niya mahalata, pero humarap ito saakin at ramdam na ramdam ko ang pag titig niya mula ulo hanggang paa ko.

Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now