Nang makarating ako napaka dami nang tao, andito si Avery at si Jia, dalawa lang kami ni Avery na mag ta-take ng bar exam.

"Oh..anyare sa'yo girl? wala pang exam stress kana agad."

Pag pasok ko palang sa loob mag kahalong kaba at takot ang nararamdaman ko.

"Kaya natin 'to, Caliee" sabi ni Avery sakin

Binigyan kami ng anim na oras para i-take 'yung exam, masakit ang ulo ko, mag kahalong kaba at sakit sa ulo ang na fe-feel ko ngayon.

After six hours, sinalubong kami ni Jia, pero may iba akong hinahanap kaya sinubukan ko pang ikutin ang buong palagid para makita sila mommy, pero hindi sila pumunta.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Jia.

"Ah? Oo, Oks lang ako" Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa damdamin ko, ito 'yung gusto nila pero hindi nila ako sinosoportahan.

"Una na ako, Caliee. Nag aantay na sakin si Kian eh" Paalam nito. Niyakap ko muna ito bago umalis.

Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko sa bag kaya sinagot ko ito, si Manong Larry.

"Hello, Manong?"

"Ma'am, nasa presinto ho ako ngayon ayaw po talagang tanggapin 'yung pera, kailangan po kayo 'dito."Halos magulantang ako sa sinabi nito, sino ba yung lalaking 'yon? bakit g na g parusahan ako! eh sa nag mamadali ako bwisit siya.

Pinaharurut ko ang sasakyan ko papuntang presinto, nakita ko si Manong na nakaupo at ini-interview na sapalagay ko ang nag i-interview sakanya ay isang investigator.

"Uhmm? sir?" Tawag ko dito na siyang ikinalingon nito.

"Have a sit" Tinuro nito ang upuang katabi ni manong, pero hindi ako umupo dahil alam ko na hindi naman ako mag tatagal

"Sir, handa po akong mag bayad kahit mag kano" Walang patumpik-tumpik na sambit ko

"Ma'am, pasensya na pero ayaw pa areglo ni Prosecutor Villanueva."

"P-po? sino po 'yon?"

"Ako"

Mula sa likod ko ay may narinig akong isang buritonong boses, kaya napa lingon ka agad ako, nagulantang ako 'dahil isa pala siyang prosecutor.

"May problema ka ba kung ayaw ko areglohin 'to?" Malamig na sabi nito. Lumapit ito sakin, at sinandal ang kamay niya sa ibabaw ng table.

"Reckless imprudence resulting in damage to property, Ang kasong sinampa ko sa'yo, Miss?"

Punyetang 'to, Bakit simpleng damage ayaw paawat, eh tarantado pala to.

"Sir, please ayoko po kasing makulong" pagmamakaawa ko

"Then...sana nag ingat ka!"

"30 days kang makukulong miss" sabi naman nung investigator.

"Wag naman oh..." Nakakainis hayop na lalaking 'to, bwisit!

"Kuya...I mean sir baka naman po oh nag mamadali lang po kasi ako, alam niyo naman po mag ta-take ako ng exam"

"No."

Malamig na sambit nito, kaya napahawak nalang ako sa noo ko, kaunti nalang sasabog na ako sa inis dito eh

"Patawarin niyo na po ako" 

"You're facing thirty days in jail, and you're still asking me to forgive you? Is this really your best attempt to get away with this? You damaged property and put people at risk with your recklessness. I don't understand how I'm supposed to forgive that."

Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWo Geschichten leben. Entdecke jetzt