Ay oo nga pala may kaniya-kaniya silang ginagawa.

"Ah Mr. Principal salamat sa paghatid" Nahihiyang sabi ko dito.

Nakapamulsang tumalikod ito at aalis na sana ng bumalik ulit ito. Napasinghap ako nang hawakan niya ang ulo ko.

"Don't forget my cup of coffee later"  Napatulon laway ako ng lumapit ang mukha nito saakin.

Tumango nalang ako at tumalikod."Ah sige mauuna na ako umuwi kana" Direkta kong sabi dito.

At dali-dali pumasok sa loob. Napabuntong hininga ako ng umupo sa couch sawakas makakapagpahinga na ako.

Tumayo ako at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng bahay at bumili nalang ng kape para sa principal.  Tinatamad akong magtipla para sakanya isa pa mahuhuli na naman ulit ako sa klase.

Napalingon ako sa paligid ng may mapansing may kakaiba. Halos lahat ng taong aking nadadaanan sila ay nakatingin saakin. Napahawak naman ako sa mukha baka may katawa-tawa.

Lumingon sila sa may bandang poste. Nangunot ang noo ko ng sundan ang tingin nila. Napahawak ako sa bibig nang makita ang larawan kong nakadikit sa may poste. Nang-usok ang ilong ko sa inis ng mabasa ang nakasulat doon. "Missing"

Sino ang naglagay niyan sa poste? Dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko sa bulsa para tawagan sila Alyssa. Napabuntong hininga ako ng wala akong makapang cellphone. Nasan na iyon?

Sumakay naman ako kaagad ng tricycle papuntang Univ baka nandun sila. Halos lahat ng estudyanteng aking nadadaanan lahat sila ay nakatingin saakin na animoy nagtataka.

"Kayneeee!" Napalingon ako sa likuran ng marinig ang matinis na boses na iyon.

"Alyssa!" Tawag ko dito.

"Kayne naman! San ka nanggaling? Akala namin nawawala ka ha?" Hinihingal na sambit nito.

"At bakit hindi ka umuwi kagabi? Tintawagan namin 'yang cellphone mo tapos nandun pala sa bahay naiwan mo. Pano namin 'yan matatawagan ha?"

"K--kayneeee!!" Napalingon naman ako ng may tumawag nanaman sa pangalan ko. Napakagat labi ako nang tumatakbo sila Yvaine at Xeline papunta saakin.

"San ka pumunta ha? Tinawagan namin ang mga magulang mo. Sabi wala ka raw doon. Saan ka pumunta ha?akala namin nawawala ka at kinuha ka ng kung ano diyan sa paligid!" Sunod-sunod na sabi ni Yvaine.

"Oo nga Kayne, pinag-alala mo kami" Naghahabol ng hangin na sabi ni Xeline.

"Huminahon muna kayo, hindi naman ako nawala e, ba't naglagay pa kayo ng larawan ko sa mga poste ha?" Kalmadong usal ko sakanila.

"E, kasi naman Kayne hindi ka umuwi kagabi. Tinanong namin yung mga guro dito at guard ang sabi umuwi ka na raw tapos hindi kanaman nakarating sa bahay. Kaya nag-alala na kami ng husto kung nasan ka? Saan ka nanggaling? Sino ang kasama mo?" Sunod-sunod na tanong ni Alyssa.

"E, kasi kasama ko si Mr.Principal"

"Ha?Ano?" Sabay na bulyaw nila.

Napakamot nalang ako sa buhok habang kinukwento sa kanila ang mga nangyari. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.

"Pagpasensyahan niyo na ako ha, kung pinag-alala ko kayo ng husto" Nalulungkot na usal ko dito.

"Ah basta Kayne wag na wag mo nang iiwan 'yang cellphone at tawagan mo kami kung nasan ka. Kung hindi ipapahuli ka namin ng pulis" Natatawang aniya ni Xeline.

Natawa nalang ako sakanila. "O, bumalik na kayo sa mga ginagawa niyo" Tumango naman ang mga ito at umalis.

Nanglaki ang mga mata ko ng maalala ang pakay ko sa principal. Yung kape!
Agad-agad naman akong pumunta sa opisina ng principal.

Tatlong katok ang aking pinakawalan sa pinto. Pero walang may sagot kaya dahan-dahan kong pinihit ang pinto at binuksan iyon. "Mr. Principal" Munting tinig ang aking pinakawalan. Pero walang may sumagot no'n.

Nangunot ang noo ko nang hindi siya nakita sa kaniyang lamesa. Pumunta naman ako sa isa pang pinto para mahanap siya roon. Pero walang principal ang naroon. Nilagay ko nalang ang kape sa kaniyang lamesa at tumalikod para umalis.

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ng patak ng tubig. Dahan-dahan ko iyon sinundan kung saan nanggagaling ang tunog na iyon.
Napatigil ako sa isang pinto napalunok ako ng makita ang pinto ay gawa sa glass kaya nakikita ang tao sa loob.

Namula ang dalawang pisngi ko ng dumapo ang mga mata ko sa matitipuno niyang dibdib. Nataranta ako nang lumingon ito sa gawi ko. Kaagad naman ako nagtago. Nakahinga ako nang maluwag ng hindi ako nito nakita.

Dahan-dahan akong naglakad pagbalik sa pinto para hindi ako nito marinig sa suot kung takong. Pero napatigil ako nang makaramdam ng kung ano sa likuran ko.

"Ms. Morelos" Napakagat labi ako nang marinig ang boses na iyon.

Napakagat labi ako at dahan-dahan nilingon ito."B-bakit?" Nauutal na usal ko dito.

Napalunok ako at dumapo na naman ang mga mata ko sa katawan niya. Gusto kong sabunutan ang sarili at sampalin dahil sa kahihiyan.

"What brings you here?"  Taas kilay na tanong nito.

"A-ahh 'yong kape mo oo tama" Napapailing na sabi ko dito. Ngumisi lang ito at lumapit saakin. Napaatras naman ako at hindi ko alam ang nararamdaman sa oras na ito. Napatigil ako nang tumigil ito sa harapan ko at dahan-dahan lumalapit saakin mukha. Naupusan ako ng hininga dahil sa sobrang lapit nito. Napalunok ako ng tumigil ito at may kinuha na kung ano sa likuran ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo ito saakin. Kumuha pala ito ng damit sa likuran ko.

Mamula-mula na ang mukha ko sa kahihiyan. "Where's my coffee?" Kalmadong usal nito.

Habang ako ay natataranta sa kaba
"A-ahh andun sa lamesa mo" Tumango naman ito at bumalik sa banyo.

Lumunok ako at bumalik ulit sa pinto para umalis. Hindi ko kaya ang init sa loob ng opisina ng principal.

Bumalik nalang ako sa aking silid para makapagsimula na magturo sa aking mga estudyante.

Bago ako makarating sa aking silid nakarinig ako ng kung ano sa paligid. Lumapit naman ako mula dito para malinawan ang aking narinig.

"Diba, 'yang si Ms. Morelos nawawala 'yan bakit nandito na siya?"

"At si Mr. Xavalde hindi ko iyan nakita kagabi na umuwi e, baka nagkasama sila"

Napalunok nalang ako habang pinapakinggan sila naglalakad papalayo sakanilang pwesto.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy na puntahan ang aking silid. Napangiti ako nang makita ang mga estudyante kong mukhang tumino na.
 
Kaagad naman tumakbo ang isa kong estudyante at lumapit saakin."Ma'am! akala namin missing ka? Buti bumalik na kayo" Napakagat labi ako at umiling.

"Ha? hindi, sige bumalik na tayo sa klase" Napangiti ako nang malamang may nag-aalala palang estudyante para saakin.

Thanks for reading!

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now