10th Chapter

101 4 0
                                    

Napapakagat labi nalang ako ng makarating sa opisina ng Principal.Tatlong beses akong kumatok sa pintuan. Pero walang may nagbukas, pinihit ko ang pintuan katulad ng unang beses ko itong buksan noon.

Napapailing nalang ako pag sumasagi sa aking isipan ang mga nangyari dito. Ang girlfriend niya kaya nasaan?

Tuluyan ko ng binuksan ang pinto. Nangunot ang noo ko ng makitang walang tao sa loob. Nasaan kaya ang Principal?

"Mr. Principal!" Medyong malakas na boses ang pinakawalan ko. Pero parang walang may nakarinig nun.

"Mr. Xavalde!" Tawag ko ulit dito pero wala pa ring nakarinig. Nilibot ko ang paningin sa paligid.

Nakakita ako ng isang pinto mukhang kakaibang pinto ito. Dahan-dahan ko iyon binuksan. Napakagat labi ako ng makita ang principal na may hawak na baril at nakatutok iyon sa target board. Nakasuot ito ng isang bagay na nakatakip sa tainga nito. Kaya mukhang hindi ako nito narinig kanina.

Napatulon laway ako ng makitang nakasuot lang ito ng sando na puti. Bakat na bakat ang malalaking braso nito. 'Di ko makakaila na hindi masiyadong nalalayo ang edad namin sa isat-isa. Siguro na sa aged of 30 plus na ito. Napalunok ulit ako at bumaling sakanya.

Sinundot ko ang braso nito para makuha ang atensyon niya. Napaawang ako sa gulat ng tinuro niya paharap ang baril saakin.

"Mr. P-principal" Nauutal na aniya ko dito. Pero hindi pa rin niya binababa ang baril.

Mariing nakatitig ito saakin nanigas ako sa kinatatayuan ng kinalabit niya ang gatilyo ng baril tumama iyon sa pader na nasa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako makaalis sa pwesto nakatingin lang ako sakanya na tinatanggal ang suot nitong pantakip sa tainga.

Parang wala lang itong emosyon na animoy na muntik na akong mamatay.

"Hey young lady" Napaatras ako sa kinatatayuan at nagising ang diwa ko kaya dali-dali akong umalis sa kuwartong iyon.

Nakabalik ako sa mismong opisina nito. Nanginginig ang mga kamay ko at parang nabingi ang tainga ko dahil sa lakas ng putok na iyon.

"Hey, Ms. Morelos what did you come here for?" Napalingon ako sa likuran ng may nagsalita. Napalunok ako ng makitang pinupunasan nito ang baril na ginamit niya.

Napakagat labi ako ng maalala ang pakay ko dito. Kinuha ko naman ang bag ko at nilabas doon ang mga paperworks at ibinigay sakanya.

"I-ito po 'yong mga kailangan niyong pirmahan. Sabi saakin ni Mr. Salmente. Inabot ko lang po sa inyo" Nakayukong sabi ko dito.

Wala paring emosyon itong nakatitig saakin. "Mauuna na po ako Mr. Principal" Nahihiyang sabi ko at akmang aalis ng tawagin ako nito sa pangalan ko.

"Kayne" Kalmadong usal nito. Lumingon naman ako sakanya habang nakakunot ang noo.

Lumapit ito saakin atsaka binulsa ang baril nito.

Napakapit ako sa bag ko ng mas lumalim ang mga titig nito saakin. Hinawakan niya ang mga labi ko. Napaatras ako sa kinatatayuan. Akmang hahawakan ko ang kamay nito upang ilayo iyon saakin. Nang magsalita ito.

"You're lips are beautiful and tasty" Sabi nito habang tinitigan ako mula sa kaliwang mata at sa kanang mata papunta ito sa mga labi ko.

Napalunok ako habang nakatitig sa mapupungay nitong mga mata. Napapitlag ako sa kinatatayuan ng walang pasabing siniil ako nito ng halik. Nanigas ako sa kinatatayuan akmang itutulak ko ito ng mas lalong diiin niya ang halik.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now