2nd Chapter

164 7 1
                                    

Bumalik ako sa reyalidad ng nagsalita ang lalaking na sa harapan ko."It's like time just flies by since we met" Sabi nito ng mahinahon.

Napakagat labi ako bago magsalita. "A-ahh oo" Ano ba naman niyan 'di ko alam ang sasabihin ko.

"B-bakit ka ba bumalik--ahh I mean bakit ka nandito?" Napasamid ako sa unang lumabas sa bibig ko. Hindi ko naman gustong sabihin sakanya yung ginawa niya saakin noon.

Halos umiiyak ako noon ng sobra. Akala ko pa naman magugustuhan niya rin ako pero nagkakamali pala ako. Napakalaki kong tanga nagmahal ako sa isang Kharlex Velaez. Pag sumasagi ang mga ala-ala na 'yon halos gusto ko ng ilibing ang sarili sa lupa.

"Why? Am I not allowed to come back?"Bumigat ang paghinga ko ng marinig ang mga katanungan nito.

"H-hindi naman sa ganun" Nahihiyang anya ko dito. Tumayo ito at nahihiyang kinamot ang batok.

"So I'm here because I want to ask you out on a date" Nahihiyang sabi nito.

Napatayo ako sa upuan ng malaman na pumunta pala siya dito dahil mangyayaya siya sa pakikipag date?

"Ano? A--anong sabi mo? D-date?" Nauutal kong sabi. Tumango lang ito at aakmang aalis. "By the way susunduin nalang kita mamaya" sabi nito at umalis. Natulala nalang ako sa bultong papalayo.

Napatampal nalang ako sa noo halos pagpawisan ang buo kong katawan.
Papayag ba akong makipag date?
Ano bang gagawin ko? Eh kung tawagan ko kaya si Adhara.

Calling...

"Adharaaaa! Bes, Anong gagawin ko?"sabi ko sa kabilang linya.

"Anong nangyari bes?Bakit? " Nag aalalang sigaw ni Adhara. Tumikhim ako bago nagsalita.

"Ano kasi bes, Ahm diba na aalala mo pa si Kharlex?A---ano kasi bumalik kasi siya... So.. nangyayaya siya sa pagkikipag date"Napakagat ako sa kuko sa mga sinabi ko.

"Anoooo? Bumalik yung patay? At ngayon lang nagparamdam? Matapos kang iwan tas babalik lang ng ganun? Ano ba naman niyan bes...Pumayag ka noh?" Sunod sunod na sabi ni Adhara kahit sa paghinga tumigil na.

Napakamot ako sa noo at nag aalangang magsalita. "Ano kasi...Hindi ko alam gagawin ko... Adhara, Bes...Pano ba?"Nakarinig ako ng malakas na buntong hininga sa kabilang linya.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now