4th Chapter

232 10 0
                                    

Nandito ako sa aking kuwarto ambala sa pag ayos ng aking requirements gamit ng aking laptop ay ineedit ko na para ma isubmit ko ito pagpunta sa Vallejo Vilde University.

"Kayne, ano ba 'yan? Ba't ang busy mo? Manood tayo ng movie" Nilingon ko ito at inirap kaagad bahala na siya busy ako sa paggawa nito.

"Huy,Kayne! Dali na manood tayo ng m---Aaray naman!" Tumigil ito sa kakadada ng ihagis ko sakanya ang unan na kanina ko pang hawak.

"Tumigil ka nga Adhara manood ka nalang mag-isa mo. Busy ako dito oh" Pa kita ko sa laptop ko na puro sulat ang nakalagay do'n. Napaawang nalang ang bibig nito at tumahimik.

Hindi ko namalayang natapos ako sa pag e-edit ng mga requirements ko ng makaramdam ako ng antok. Tiningnan ko sa gawi si Adhara mahimbing na itong natutulog napangiti nalang ako sa paraan ng pagtulog nito.

Tumabi ako sa kama at kinumutan siya. Humiga narin ako at tuluyang nilamon ng antok.

"Kayne,Bes, Kayne, Bes! gising uy" Nagising ako ng marinig ang tinig ni Adhara. Kunot noong tiningnan ko ito."Bakit ba ha?" Pumikit ulit ako dahil sa labis pa na antok.

"Manood tayo ng movie" excited na sabi at humahagikhik pa ito"Ayoko, anong oras na ba ha, matulog nalang tayo" Sabi ko dito at tumalikod sakanya.

"Kayneeee! naman eh manood na tayo. Kanina busy ka dapat manood tayo ng movie ngayon maaga pa naman 'tska hindi mo ba namimiss bonding natin sge na Kayneee! Kahit isang movie lang " Nagmamakaawang bulyaw nito at niyuyugyog pa ako.

Wala na akong nagawa kundi tuluyang umupo at tiningnan siya ng masama. Kasalukuyang nanonood kami ng romance movie napaborito naming pinapanood noon pa.

'You're the most beautiful girl Jessa, I love you'

'I love you too Lloyd'

Naiiyak na parang maiihi ako sa suot kong pajama dahil sa mga nakakakilig na pangyayari sa movie na pinapanood namin.

Naubos namin ang limang malalaking tsichirya dahil sa labis na kilig ,iyak,pighati at kung ano anong emosyon ang pinapakita nito halos ramdam namin bawat eksena.

Hanggang sa natapos namin ang movie ay nakatulog nalang kami sa kahit anong posisyon.

Ramdam ko ang bigat na nakadiin sa harapan ko. Minulat ko ang isang talukap ng aking mata napatampal nalang ako sa noo dahil sa posisyon namin ni Adhara.

"Adhara, gising uy" Niyogyog ko naman ang balikat nito hanggang nagising ito. Tumayo ito at agad na pumunta sa banyo. Inayos ko naman ang hinigaan namin at pagkatapos pumunta ako sa lababo atsakang nagmumog.

Pagkatapos nitong naligo ay sumunod rin naman ako. Inaayos ko ang hapag kainan habang abala naman sa pagtulong si Adhara sa pagluluto ni Nanay. Hindi ko ikakaila parang kapatid ko na talaga si Adhara.

Go to Hell Mr. Principal (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें