Chapter 36: Veterans Vs Generation

Start from the beginning
                                    

Sa shohoku gym house sa unang palapag

Nakasuot na ng practice jersey si Sakuragi, kasama nya ngayon si Mitsui, Miyagi, Renzuki at asawa ni miyagi na si Ayako na manager nila

Habang ang mga players ng shohoku nasa gilid sila ng court manonood ng practice nila, nakatayo sila

"Mapapanood natin kung paano maglaro ng mga veterans players bihira lang tayo makapanood ng ganito kaya wag kayong kukurap, marami tayong tututunan sa pamamagitan ng panonood lang" sabi ni Kate

"Tsu! Veterans? Kalokohan wala sa beterans yan, Shaka laos na sila, mga laos na gurang" sabi ni Sakuhako

"Ang sama mo nman, pati papa mo dinamay mo" sagot ni Kate

"Hay wala talagang pinapalampas ang gong gong na toh" banat ni Lyion

"Gggrahhhhh gusto mong tamaan ahh Lyion" na nainis na si Sakuhako napalingon sya sa di kalayuan sa kanan nila kung saan nakita nyang katabi ni Zoey si Akito at mukhang masaya si Zoey

Ngumiti ang kanan dulo ng labi ni Sakuhako

"Huh! Gusto ko lang nman kasi patunayan na tayo na pinakamagaling , hindi lang sa dahil sa mga baguhan pa tayo kumpara sa kanila dahil sa gusto kong patunayan sa kanila na kaya natin silang lampasan sila" sagot ni Sakuhako

Tanggap na ni Sakuhako na magkasintahan sina Akito at Zoey, dahil alam nyang isa si Zoey sa dahilan kung bakit bumalik sa dati ang kakambal nya, At masaya sya para sa kanila

Nang biglang

"Ahhh alam ko na" sabi ni Sakuhako

"Huh?" napalingon sa kanya mga katabi nya na sina Kate, Lyion, Ace, Renz

"Hihi" at pumasok si Sakuhako sa loob ng court

"Hoy san ka pupunta" sabi ni Kate

"Ano nanaman kayang kalokohan naisip nya" sabi nman ni Lyion

Lumapit si Sakuhako sa tatay nyang busy na nag inaayos ang sintas ng sapatos

"Papa" sabi ni Sakuhako sabay lingon sa kanya ni Sakuragi

"Ano yun hako?" Tanong ni Sakuragi

"Ano kaya kung magkaroon tayo ng isang match" sagot ni Sakuhako

Nang marinig iyon nila Kate pumasok narin sila sa court.

"Tumigil kah hako" sabi ni Kate

"Ano nanaman bang naisip mong kalokohan" sabi ni Lyion napalingon sya kay Miyagi na teacher nya

Tumayo si Sakuragi

"Isang Match?" Tanong ni Sakuragi

"Oo papa, Practice Game, kaming starting five ng shohoku laban sa inyong lima, anong sa palagay mo papa?" Tanong ni Sakuhako

Nagsalita si Mitsui

"Tsu! Laban sa inyo? Masyado nman atang matatapang ang mga kabataan ngayon" sabi ni Mitsui

"Tumahimik ka dyan bungal" banat ni Sakuhako

"Ahhhk anohh? Paano mo nman nalaman na" sabi ni Mitsui

"Gusto mong sabihin ko sayo sino nagsabi sakin? Sya" sabay turo nya sa tatay nyang si Sakuragi

At pumunta si Mitsui sa isang sulok madilim ang paligid nya, kahit sa mga bagong henerasyon bungal parin kasi ang tawag sa kanya

Lumapit na si Kate

"Ahh Tito Sakuragi, pagpasensyahan nyo ang lalaking ito, kung ano anong sinasabi, halikanahh" sabi ni Kate hinawakan nya si Sakuhako sa braso na pinupwersang ibalik sa gilid ng court

"Halikanahh" na di magawang hilain ni Kate

"Bitawan mo nga akohh, Papa sabihin nyo lang kung naduduwag kayo kaya ayaw nyo" nagwawala na si Sakuhako

Habang si Akito

"Akito gusto mo rin?" Tanong ni Zoey

"Hhhmmm gusto ko rin makita kong gaano nga ba kagaling si papa" sagot ni Akito

Habang nagpupumiglas si Sakuhako dahil sa pilit syang binabalik ni Kate at Ace sa gilid ng court

"Bitawan nyo ko ano ba kayo" nagwawalang si Sakuhako

"Sandali" sabi ni Sakuragi

"Huh?" Napatigil si Kate at Ace sa paghila kay Sakuhako

"Ano papa? Pumapayag na ba kayo?" Tanong ni Sakuhako

"Magandang naisip mong yan, Riyota, Mitsui, Renzuki, Ikaw rin Oda makikipaglaro muna tayo sa matatapang na kabataan na toh" sabi ni Sakuragi

"Huh! Hindi ko nagustuhan yung narinig ko kanina na laos na tayo, Lyion gusto mo rin ba?" sabi ni Miyagi

"Oo" sagot ni Lyion

"Ano ba kayo, Pasensya na hindi po sila pwedeng maglaro ngayon, Sa Monday na po ang elimination games baka po ma-injury pa sila" sabi ni Kate

"Wag kang mag alala Kate hindi namin seseryosohin ang paglalaro sa kanila" sagot ni Sakuragi

"Gggrahhhhhh yabang nyo, Hoy Lyion, Ace, Renz, Otano, tuturuan natin ng leksyon ang mga gurang na toh" sabi ni Sakuhako

"Bat ako nadamay" sabi ni Renz habang si Akito

"Hindi ako kasali?" Tanong ni Akito

"Wag kang magtampo mahal ko" sagot ni Zoey pero

"Hoy Akito, alam kong gusto mong makaharap si Papa, pero ako na muna, sa 2nd half ikaw nman, tatalunin ko muna sya" sabi ni Sakuhako

"Hay nakohhh" problemadong si Kate

Ang ilang players na nasa gilid ng court

"Ibang klase din talaga itong si Hako nagawa pa nyang hamunin ang Team Kanagawa" sabi ng ilang mga players ng shohoku

"Uhhmm uuhhhmm kaya ang cute cute nya ehh" sagot ni Altena na namula pa ang pisngi

"Ahhkk wag mong sabihin" na napalingon sa kanya ang mga lalaking players ng shohoku nakita nila na hinahangaan ng ilang mga babaeng players si Sakuhako

Sa gitna ng court

"Tignan natin ngayon" sabi ni Sakuragi

"Tsu! May atraso kapa sakin papa, Akala koba hindi ko alam? Noong 1on1 tayo noon isang daliri lang ang ginamit mo para pigilan ang slam dunk ko, wala pa akong alam non, pero ngayon meron na hindi mona ako matatalo" sabi ni Sakuhako

"Natuto ka lang ng kaunti sa Uncle Sakutou mo nagmamayabang kana hako" sagot ni Sakuragi

"Pareho lang nman tayo papa, yan ang palaging sinasabi ni mama diba" sagot ni Sakuhako

Ano kayang mangyayari? Magkakaroon ng laban ang limang starting five ng shohoku na sina Sakuhako, Ace, Renz Lyion at Otano laban sa Team Kanagawa Representative na sina Sakuragi, Mitsui, Miyagi, Renzuki, at ang bago nilang kasama na pumalit kay Akagi na si Oda

Samantala isang lalaki ang papunta ngayon sa Shohoku Gym House

"Gagawin ko ang lahat ng sinabi mo Aisha" sabi nya sa kanyang sarili na ang lalaking ito walang iba kundi si Sakutou

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now