steven & hiraya ༉‧₊˚✧ extra 01

Start from the beginning
                                    

"Paano mo nalaman? Nakakakita ka ng future, dude?" Natatawang tanong ni Iñigo sa kanya na naging dahilan kung bakit bumusangot si Cameron.

"Ang sasama niyo! Sana mapunta kayo sa impyerno."

I laughed. "Ayoko. Hanggang sa kabilang buhay ba naman, makikita kita?"

He pursed his lips and gave me a deadpan look. Hinawakan tuloy ng makeup artist ang mukha niya dahil hindi pa nga siya tapos lagyan ng lipstick pero ngumunguso na siya.

"Pero totoo... kanina pa sumasakit 'yung ulo ko. Kulang siguro ako sa pahinga," seryosong sagot niya.

"Nagpa-check up ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Josiah.

"Ihhh..." inarte ng kaibigan namin na nilingon pa si Josiah. "Concern ka sa'kin, bebe boy? Pa-kiss nga."

Tarantado.

Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Kung umakto siya ay parang 17 years old pa rin siya. Mukhang tanga, amputa.

Ilang sandali pa ay tinawag na kami ng organizers para sa meet and greet. Marami rin kasi ang bumili ng SVIP ticket na may kasamang soundcheck at meet and greet.

Maraming regalo ang naibigay sa amin pero mas marami ang natanggap ni Cameron. Halos hindi na siya makalakad at kinailangan pang tulungan ng dalawang tao para mabuhat ang mga gifts niya. Mayroon pa ngang nagbigay sa kanya ng vitamins.

"Cute ng mga fans ko, 'no? Nagsabi lang ako sa broadcast ko na hindi maganda pakiramdam ko tapos nakabili agad sila ng vitamins," masayang lintaya niya habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Baka alam nilang may sakit ka sa pag-iisip," sagot ko bago tumawa na sinabayan nila Iñigo.

"Sama ng ugali! Hmp!" Inarte niya na nagpadyak pa ng paa.

Pagdating namin sa after party ay marami na agad ang tao sa pwestong accomodated ng event namin. Sila pa yata 'yung mga bumili ng hindi SVIP ticket kaya mas nauna sila rito.

We all had fun dancing and singing along with our fans. Mukhang naparami rin nag inom ni Cameron dahil nakita na lang namin siyang sumasayaw ng budots sa gitna ng dancefloor. Minsan ay sinasayawan niya rin ang upuan o kaya ay pupunta sa pinakagilid para gumiling sa pader.

Bandang alas tres na kami natapos at nauna na akong humiwalay sa kanila dahil kailangan ko ng umuwi. 'Yung dalawa ay hinihintay ang sundo ni Cameron dahil hindi na makalakad nang straight si tanga dahil sa kalasingan niya.

When I reached our house, I parked my car beside my wife's BMW. I opened the front door using my key card before I dropped my things in the living room and proceeded to the shower.

Ayokong tumabi kay Hiraya na galing pa ako sa labas. Besides, I interacted with a lot of people today, gusto ko bagong ligo ako kapag siya na lang ang hahawak sa akin.

When I finished showering, I was only wearing satin gray pajamas and nothing on top. I increased the temperature of the AC when I noticed that my wife was shivering.

Inangat ko ang comforter na nakabalot sa kanya bago pumasok sa loob nito at tumabi sa kanya. Mabilis namang siyang yumakap sa akin at ibinaon ang mukha sa aking hubad na dibdib.

I hugged her waist and pulled her closer. I sniffed her hair before planting a soft kiss on her forehead.

"I'm home, hirang," I whispered in her ears.

Humigpit ang yakap niya sa akin. Alam kong gising na siya dahil hindi naman siya malalim matulog. She's a light sleeper and even the smallest movement could wake her up.

"Hello, husband,"she greeted me using her bedroom voice. "Welcome home, my love."

I looked down and stared at her. She was looking at me with her sleepy eyes, nevertheless, she still looked pretty as ever. Her skin looked glowing under the dim lights of our room. Her lips still looked plump and juicy even without her lip products.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now