Langit 20

2.7K 80 1
                                    

Chapter 20

"Saan ba tayo pupunta?" natatawa kong tanong dito. Panay kasi siya patawa bakit ba ngayon ko lang siya nakasama ng ganito? Ah oo nga pala. Takot nga pala ako magkaroon ng kaibigan dati!

"Sa lugar na maabot mo ang langit." pota may ganon ba?! 

"Bastos!" hinampas ko siya sa braso pero tawa parin siya ng tawa babaw ng kaligayahan ah

"TOTOO NAMAN SINASABI KO AH! TIGNAN MO MAMAYA MAPAPASIGAW KA." pagpupumilit pa niya habang nagmamaneho 

"Kadiri ka." nasabi ko nalang

Napansin kong puro puno nalang ang dinadaanan namin pero sariwa pa rin ang hangin na naiihip ko ang sarap sa pakiramdam! Dumidilim na rin ang paligid kaya napatingin ako sa orasan 5:03 PM na pala nangingibabaw ang malakas ngunit masarap sa pandinig na tutog galing sa sasakyan niya. Hindi rin nagtagal huminto ang kotse binalingan ko ng tingin si Nathan hanggang sa sumilay ang maganda niyang ngiti kaya kitang-kita ko ang ngipin niya na nasobrahan sa puti.

"Tara?" bumaba kami sa sasakyan nilibot ko ang paningin ko puro puno at... Wow!

Nasa dulo kami ng bangin! kitang-kita ang ganda ng paligid dahil sa ilaw na nanggagaling sa bayan

"Ang ganda..."sigaw ko dahil naeexcite talaga ako mahilig kasi ako sa matataas na lugar kahit anong mood ko dahil sa tuwing nagagalit ako napapakalma ako ng malakas na ihip ng hangin. 

"Mas maganda ka jan." agad akong napatingin sakaniya seryoso ang mukha pero kitang-kita ko ang sinseridad sa mata nito

"Bolero!" pareho nalang kami na natawa 

Sinundan ko siya ng umupo ito sa likod ng kotse niya naglatag ito ng tela saka ako inabutan ng Pepsi Blue

"Wow prepared! Salamat." 

"Alam mo Tash? Noong unang kita ko palang sayo nakaramdam na ko ng kakaiba" napatingin ako dito pero malayo ang tingin niya

"Alam mo Nate? Expired na yang banat mo!" pangbabasag trip ko sakaniya napangiti lang ito 

"Ramdam ko ang bigat na dinadala mo." seryosong saad niya dahilan para matigil ang pagtawa ko ng malakas

"Lahat naman ng tao may iba't-ibang dinadala sa bawat araw na nagigising sila. Ikaw ba wala? Wala kang problemang hindi mo nasolusyunan sa iyong nakaraan?" tumawa ako ng mahina bago tumayo at lumapit pa ng kaunti sa bangin nilawit ko dito ang dalawang paa ko 

"Meron syempre! Pero pilit ko na iyong binabaon sa lupa kasi wala namang mangyayari kung dadalhin ko yon buong buhay ko dahil nangyari na at tapos na yon. Wala na akong magagawa para baguhin yon pero malay mo? sa mga darating na panahon makakaya ko ng baguhin o iwasan ang pangit na kapalaran na naghihintay sakin." nakangiti nitong sabi 

"Ang swerte niyo! Sana all may chance baguhin ang kapalaran." pagak kong sabi habang nakangiti bago tumingala para pigilan ang nagbabadyang luha 

"Kaya mo rin naman baguhin yung sayo ah? Ikaw pa? tingin mo palang pamatay na!" pangloloko nito siguro dahil nararamdaman na niya yung bigat sa boses ko 

"Kung pwede lang... Gustong-gusto ko ng makalaya sa mundong yon." mahina kong bulong hindi na nakaligtas sa mata niya ang pagpatak ng aking luha ngunit mabilis ko rin yong pinunasan hindi na rin ako makatingin sa kaniya kahit ramdam kong tumatagos ang titig niya sakin na tila binabasa ang buong pagkatao ko.

Naramdaman ko ang palad niyang mahinang natapik sa balikat ko, wala siyang sinabi kaya tanging tugtog lang mula sa kotse niya at kaluskos ng puno sa bawat ihip ng hangin lamang ang nananaig. 

"Uy salamat ah? Hindi kita makakalimutan Nathan." malapad na ngiti kong sabi dito nakita ko ang pagdaan ng pagtataka sa mukha niya pero agad ko nalang siyang niyakap ng mahigpit na labis niyang kinagulat

"Nata--"

"Mag-iingat ka palagi." malalim kong sabi dito bago siya binitawan

Bago pa ito makapagsalita bumaba na ko sa sasakyan niya para pumasok ng bahay ng hindi siya nilingon.

"Kahit mahal kita hindi kita pwedeng piliin Nathan." mariing bulong ko pagkapasok ko ng kwarto tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha mula sa mata ko kasunod ang malakas na hagulgol

Kahit gusto kong baguhin ang kapalaran ko, kahit anong pilit kong takas sa impyernong kinagisnan ko ay walang mangyayari dahil ako ang tinadhana. Ako lang wala ng iba. Nakakaawa man ang sitwasyon ko pero anong magagawa ko? Buhay ko kapalit ng buhay ng nakakarami. 

Ako ang tatama sa pagkakamali ng ina ko noon. 

Punyetang buhay to'.



_______________________________________________________________________________


The Star Eyed Queen (COMPLETED)Where stories live. Discover now