Kwintas 11

3.1K 93 3
                                    

Chapter 11

Natasha's Pov

"MAY TIGA-LABAS NA NAKAPASOK!"

"HULIHIN SIYA!" 

Labis akong nagulat dahil pinalibutan ako ng mga taong hindi pamilyar saakin kakaiba ang mga itsura nila nakakapangilabot pero bakit hindi ako natatakot? malakas ang aurang lumalabas saakin 

"SANDALI!" wow nice timing si mother

Bago ako dakipin ng mga gwardiya ata nila ito base sa suot nila kakaiba pero parang ito yung mga napapanood ko sa mga teleserye hinarang sila ng isang matandang babae pero labis ang ganda. Sanaol!

"Nakakapaghinala, walang kung sinuman ang maaaring makapasok sa teritoryo natin kundi ang mga taong may kakaibang kakayahan lamang... Ikaw babae, Sino ka? at paano ka napadpad dito?" tanong nito sakin, lahat sila nakatitig saakin. 

"Pasensiya na po kung naparito ako sa teritoryo niyo pero aksidente po kasi ang nangyari saakin nahulog po ako sa isang malalim na bangin at---" mabilis kong pagkakasabi ngunit nabitin ng may isa pang boses ang sumingit ang epal ha

"INA MAY KAILANGAN PO KAYONG MALAMAN!" pinutol ng lalaking ito ang aking dapat sabihin hinihingal ito at hindi mapakali 

"Jusko talagang bata ka!"

"Ina bago niyo ho ako pagalitan pakinggan niyo po muna ang aking sasabihin, Ina namatay po ang apoy na bulaklak sa itaas pati ang mga alitaptap na pumapalibot dito"

Labis ang gulat ng lahat hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero unti-unting lumalakas ang loob ko tipong may apoy na malamig ang sumisiklab sa aking dibdib dahan-dahan akong napahawak dito

"Paano nangyari iyon? Isang tao lang ang makakapatay sa bulalaklak na iyon..."

Liningon nila ako at tinitigan ng mabuti

"A-ako po ata ang may kasalanan pasensiya na po nabahiran ko ho ng dugo ang dahon ng bulaklak sa itaas, Nakita ko po kasi yung poste pati ang bulaklak sa tabi ito nabighani agad ako at tinangkaang hawakan ang bulaklak---" 

Agad akong hinila paupo nun matandang babae 

"LIRO KUNIN MO YUNG LIBRO SA ILALIM NG AKING HIGAAN BILISAN MO!" sigaw ng matandang babae sa kanyang anak 

"Iha pasensiya na pero kailangan kong gawin ito." pagkatapos niyang sabihin iyon ay nawalan ako ng malay. 

Third person's pov

Maaring siya na yung hinihintay namin

"Ina paano kung nagkakamali tayo? paano niya nahanap ang teritoryong siya mismo ang nagtago?"

"Kaya nga hindi ba't burado ang mga alaala niya"

"Pero siya lang ang natatanging dugo ang may kakayahang gawing abo ang apoy na bulaklak. Alam naman natin kung sino yon hindi ba? Ang nawawalang anak ng dating reyna."

Naalimpungatan ang babaeng nakahiga sa kama  sa mga boses na naririnig

Nakita namin na natakot ito kaya't umusog ito palayo saamin kami naman ay nagambala dahil hindi nga pala niya kami kilala

"Huwag kang matakot hija wala kaming gagawing ikapapahamak mo." tinitigan niya lang kami at sinabi ang katagang hindi namin aakalaing mararamdaman niya.

"Hindi ko kayo kilala... Pero bakit kakaiba ang aking nararamdaman sa lugar na ito?"

"Hija maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?

"My name is Natasha Nicole Persefoni..."

"No way... Aliya hindi tama ito Zakaria Persefoni ang hinahanap natin pero nakakapagtaka at pareho sila ng apilyido?"

"May naaalala ka ba noong mga panahon na bata ka pa lamang?" 

"Pasensiya na po pero wala po akong maisasagot jan..." hindi naman kami mapalagay mayroong hindi tama na nangyayari.

"Isa lang ang ipinanganak na may kakayahang makapatay ng apoy na bulaklak kung sino man iyon ay siya ang nararapat na umupo sa trono." mahabang sagot ni Arsile 

Lumapit ito sa babaeng tila naguguluhan sa nangyayari

at inabot niya ang kwintas na pagmamay-ari ng dating reyna

"ARSILE BAKIT MO BINIGAY SAKANIYA YAN? HINDI TAYO SIGURADO KUNG TAMA BA ANG ATING MGA HINALA!" histerikal na sambit ni Aliyah tama naman ang sinasabi niya hindi kami sigurado

"Sa pagkakataong ito alam ko na tama ang hinala ko." sagot nito ang binaliwala ang sinasabi ni Aliyah

"Sana'y tanggapin mo itong kwintas na aking binibigay, ito lamang ang magsisilbing proteksyon sa iyong buhay upang malagpasan lahat ng kasamaan na haharapin mo." 

Tinitigan ng dalaga ang binigay naming kwintas sakaniya saka bahagyang hinawakan ang dibdib nito, may dinukot itong kwintas...

"Ang kwintas ng nawawalang prinsesa!" malakas na usal ng matatanda

Nanginginig ang dalaga nang pinagdikit niya ang dalawang kwintas dahilan para umilaw ang mga bituin sa aming noo

 napangiti kami ng rumisponde ang mga simbolo, nakabalik na ang may-ari ng kwintas. 

Dumating na ang totoong magmamana ng trono. 

Kailangan namin siyang protektahan dahil siya lang ang natatanging tiga-pagligtas namin at ng mga tao sa labas dahil paniguradong sasakupin nila ang buong mundo para magpalaganap ng kasamaan. 

Natasha's pov

Tinitigan ko ang kwintas nakakamangha ang itsura na ito kumikintab ng ginto ay may itim na maliit na pendant 

"Maligayang pagbabalik mahal naming prinsesa!"  huling boses na narinig ko dahil sa pagtingin ko wala na sila sa harap ko at wala na rin ako sa lugar na iyon narito na ako sa harap ng poste at wala na rin yung bulaklak na nakita ko rito kanina 

Okay... What the fuck did just happened?! 

Sinuot ko nalang ang kwintas na hawak ko at tinago sa loob ng damit ko bago ko mapagpasyahang bumalik sa room baka kanina pa nila ako hinahanap... Sa hindi kalayuan natanaw ko ang mga kaklase na may hawak na flashlight at naglilibot sa labas 

nilapitan ko sila

"Anong meron?" gulat naman silang tumingin sakin at nagsisigaw.

"Where have you been Natasha?" Maam Jhen

"Maam, Mother Cecilia... May I talk to you in private please?" seryoso kong tanong

nagkatinginan lang sila at tumango

"Okay, follow me." nakarating kami sa dulo ng hallway 

"So tell me Ms. Persefoni where have you been?"

 "Nakarating ho ako sa hindi ko malamang lugar simula ho yon nun nahulog ako sa malalim na bangin" 

natigil ako sa pagsasalita na biglaang hablutin ni mother Cecilia ang aking daliri nakita niya ang sugat na nakuha ko mula doon sa bulaklak na hinawakan ko kanina.

"Nakarating ka ba sa kumikintab na tubig? Sa ilalim ng palasyo?"

"Iyon po ba tawag don parang bahay ni spongebob" 

"Hija nagsisimula na. Mag-iingat ka sa mga taong pagkakatiwalaan at makakasalamuha mo"

"Po? Hindi ko po kayo maintindihan."

"Tasha. Your life is in danger."

WHAT?!

*******

UPDATED


The Star Eyed Queen (COMPLETED)Where stories live. Discover now