And rich as the mud  after rain upon the ground
They're a whisky hue of brown, braided river running wild

I fell astray, but in you, I have found
That I am ever bound  to your hazel eyes. . .”

Matapos ni Airleya, kantahin ang kanta na pinakikinggan niya noon, noong nandoon pa siya sa ibang mundo kung saan, parati niyang kinakanta iyon, kapag nagpapalipas oras.

At hindi niya namalayan na ang kanang kamay niya ay nakahawak sa pisngi ni Prince Teiran, kung saan, marahang hinihimas ng hinlalaki niya ang pisngi ng lalaki.

At dahil doon, kaagad natauhan si Airleya at mabilis na bumangon sa pagkakahiga.

Hindi naman napigilan ni Prince Teiran, na hindi mapangiti na abot hanggang tainga ang ngiti nito dahil sa hindi inaasahang kilos ni Airleya.

“My hazel eyes is only yours, Air.” ani Prince Teiran, na umayos ng upo at parehas na sila ngayong nakaupo sa gilid ng kama.

“Binabawi ko na sinabi ko. Hindi ko na gusto ang eyes mo.” pairap na sagot ni Airleya kay Prince Teiran.

“Talaga? May nalalaman ka pang kanta diyan. That I am ever bound  to your hazel eyes. . . What a beautiful words.  Nakaka-akit ba ang mata ko?”

Tumaas ang sulok ng labi ni Airleya, at matapang na tinitigan si Prince Tieran.

“Yung mata mo lang ang nakaka-akit. Pero ang pagmumukha mo hindi. Yes, you're handsome, pero hindi sapat para maging marupok ako at sabihin na, 'jojowain ka'. Mukha ka lang tropa para sa akin.” prangkang wika ni Airleya, na tinaas lamang ng kilay ni Prince Teiran, bago ito tumayo.

Tumingala si Airleya kay Prince Teiran, nang tumayo ito. Mukhang, aalis na ito.

Akala ni Airleya, aalis na si Prince Teiran, pero nanatili lang itong nakatayo, nakatalikod ito sa kanya.

At dahil dun, ay tumayo si Airleya, at tumagilid ang katawan niya para silipin ang mukha ni Prince Teiran.

“Ran. . .?” tawag ni Airleya kay Prince Teiran, na ilang segundong hindi ito umimik, bago siya nilingon na seryoso ang mukhang napatitig sa kanya.

“May nararamdaman ka bang kakaiba sa paligid mo Airleya, nitong mga nakaraang araw?” dahil sa tanong ni Prince Teiran, kay Airleya. Hindi kaagad nakasagot ang dalaga na napatitig ng ilang segundo bago umiwas ng tingin.

“Naramdaman mo rin ba?”

“Bakit hindi mo sinabi, sa akin?” Nangunot ang noo ni Airleya na napatitig ng matagal kay Prince Teiran, bakas sa boses nito ang inis.

“He called me Airleya. . . Ito ang unang beses na narinig kong tawagin niya ako sa buo kong pangalan.” kausap ni Airleya, sa kanyang isipan bago napasinghap sa gulat ng hawakan ni Prince Teiran, ang magkabilaang braso niya.

Yumukod ang binata sa kanya, upang maging pantay sila ng taas.

Napahawak naman si Airleya sa dibdib niya na sobrang lakas ng kabog ng puso niya. “This. . . Is new. Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? Nagha-hyperventilating ba ako?” tanong ni Airleya sa kanyang sarili, na naguguluhan na ang utak niya sa mga oras na iyon, pero pinanatili parin niyang kalmado ang ekspresyon ng kanyang mukha sa harap ni Prince Teiran, na halatang galit sa kanya.

“G-galit ka? Sorry sa sinabi ko.” nauutal na sambit ni Airleya, na humingi ng tawad sa prinsipe dahil sa ideyang baka nagalit ito dahil sumobra na ang sinabi niya.

Ang hindi alam ni Airleya, kaya mukhang galit si Prince Teiran, dahil sa nalaman.

“Im not angry at you! Im angry because I can't locate your stalker!” sumbat ni Prince Teiran, kay Airleya.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon