“. . .tangina. . . Seguraduhin niyo lang na hindi kayo pagbuhat sa grupo.” wala sa sariling wika ni Airleya dahilan para mapailing ang mga ulo ng kasama niya.


“Pa, bakit ka. . . Oh. . . Thank you.” aniya sa kanyang ama ng mapagtanto na dinala ng Count si Zephyr sa kwarto niya.

“Leya, treat her like your daughter. Anak mo siya, gaya ng sinabi mo kanina galing siya sa dugo't laman mo, sa iyong orihinal na katawan na pinangalagaan ng diyos.” panimula ng ama niya.

Umupo si Airleya sa mahabang cabriole sofa, ganon din ang ama niya na umupo sa single sofa na kaharap ng paborito niyang upuan.

“Pa. . .ano niyo po nalaman?”

Ngumiti ang ama niya sa kanya.

“Ang kulay ng buhok at mata. . .” saglit napatitig ang Count sa kama kung saan natutulog si Zephyr. Bago binalik ang titig sa kanyang anak. “Iyan ang kulay ng buhok at mata mo, sa iyong original na katawan. Hindi pa ba bumabalik ang alaala mo?”

“Bumalik na po. Medyo nagulat lang ako na nakuha mo ang ibig kung sabihin kanina, Pa. Naisip mo na agad na sa tunay kong katawan nabuo si Zeph.” saad ni Airleya.

“Of course. Ikaw lang ang nagtataglay ng ganyan.” anang ama niya at napatitig ulit kay Zephyr.

“The God of Wind, blessed her, the moment she was born.” panimulang kuwento ni Airleya sa ama niya, na matiim na nakinig.

“Hindi ko akalin na ang ire-regalo niya sa akin, isang bata. Kaya medyo nagulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko lalo pa nang sinabi niya sa akin, na akin si Zephyr. Pa,” humarap ng tingin si Airleya, at halata sa mukha nito na nangangailangan ito ng tulong. “Hindi ko alam kung paano maging ina, sa kanya. Yung feeling na umalis ka para maalala mo ang lahat ng alala mo at para makausap ang diyos ng hangin, tapos pagbalik mo may bata na... ” aniya, sabay nguso.

Mahinang natawa si Count Ralphus, “Kaya ba hindi mo siya pinakilala sa amin?”

“Nakalimutan ko. Lalo pa't hindi maayos ang pag-iisip ko dahil sa mga nangyayari. . . Hindi ko intensyon na itago siya.” mahinang sagot ni Airleya na guilty sa kanyang ginawa.

Sa ilang araw na pagbalik sa katahimikan ang buong Agracia matapos ang paglusob ng mga kalaban na hindi alam ng mga tao kung saan nanggaling, nanatiling hangin si Zephyr, tulad ng utos ni Airleya sa kanya. Kaya dahil sa kayamutan na rin ng bata hindi na napigilan nito kanina na maging makulit, dahilan para isipin ni sir Exter at ng papa niya, na nasisirian na siya ng pag-iisip.

“Ilang taon na si Zephyr?” pag-iiba ng usapan ng Count.

Nagkibit balikat si Airleya. “Hindi ko alam. Ginawa siya, noong araw na nagpakita sa akin si Oniev sa ruins hill. Pati si Oniev hindi akalain na hahatong sa biglaang paglaki si Zephyr, dahil sa enerhiya na kinuha niya sa akin. Kaya hindi ko alam kung ilang taon siya, kung pagbabasehan lang seguro ang height niya, mga four or five? Pero para sa akin four.” ani Airleya.

“Ipapa-rehestro ko si Zephyr, bilang Briairlaine, she's part of our family tree since nanalaytay sa kanyang katawan ang dugong Briarlaine. At para magkaroon siya ng identity bilang isang mamamayan ng Agracia.” tumango ang ulo ni Airleya bilang pagsang-ayon. Hindi niya iyon naisip dahil hindi talaga niya alam kung paano simulan ang pag-aalaga kay Zephyr.

“Oh, siya, maiwan na kita.” pagpapaalam ng ama niya sa kanya.

Tumayo si Airleya para buksan ng pintuan ang ama.

“Don't stay up late, pa. Good night. At huwag masyadong excited.” ani Airleya na nabasa kaagad ang kilos ng ama niya na ikinatawa na lamang sa huli ng lalaki.

Nang makaalis ang ama niya, lumapit si Airleya sa kama at napatitig kay Zephyr na mahimbing natutulog.

“ May malaki bang obligasyon si Zephyr na hindi ko alam, para pagkainteresan ng Oniev na iyon ang katawan ko, at buoin si Zephyr?” tanong ni Airleya sa kanyang sarili, hindi niya maiwasang magtanong lalo pa't sa kanilang lima, siya lang ang hinandugan ng ganito. Kaya may hinala si Airleya na hindi mag-e-exist ang batang ito sa harapan niya ng walang rason.

Pero kung anuman iyon, hindi niya hahayaang gamitin si Zephyr sa laban. Tama ang sinabi ng ama niya sa kanya. Anak niya si Zephyr, at isa sa obligasyon niya bilang ina na protektahan ang anak niya.

Nang sumunod na araw, naging balita sa buong Agracia, ang tungkol kay Zephyr, at maraming mga tao ang na-intriga tungkol sa kung sino ang tunay na ama ng bata, kung sino ang naka-buntis sa kaisa-isa nitong anak.

At dahil maraming istorya ang lumabas tungkol raw sa pagiging malandi ni Airleya na nagpabuntis sa kung sino-sino, hinayaan lang ng Count at ni Airleya ang mga tao sa kung anong istorya ang ginagawa nila.

Samantala si Airleya, sinasanay ang sarili na maging ina kay Zephyr na hindi niya hindi niya akalain na magiging ganito kasaya ang pag-aalalaga niya sa cute na batang ito.

“Call me, maaaa. . . Ma. Mama.” turo ni Airleya kay Zephyr, na titig na titig sa kanya. Napaka-inosente ng mga mata na nakatitig si Zephyr, kay Airleya.

". . . Mmm. . . Ma. . .ma.” bigkas ni Zephyr na nahihirapan magbigkas ng salita, maliban sa salitang hi.

“Zeph!” sabay na bumaling sina Airleya at Zephyr, sa may-ari ng boses na pumasok sa silid nila, nasa balkonahe silang dalawa at tinuturuan ni Airleya si Zephyr, na bumigkas ng mga salita.

“D-da. . .da!” mabilis bumaba ng upuan si Zephyr, at kaagad na tumakbo patungo kay Count Ralphus, na agad ring yumukod para buhatin ang apo niya na halatang gustong-gusto siya.

Napailing na lamang si Airleya. “Nasasapawan na yata ako, ng papa ko ah.”

“Hindi ka kasi naging mabait kay Zeph, right Zephie?” anang ama niya saka pinanggigigilan na hinalikan sa pisngi si Zephyr, na panay ang bungisngis.

Hindi napigilan ni Airleya, na itirik ang mga mata niya, dahil sa pang-iinis sa kanya ng ama. Lumapit siya sa dalawa, at aabangan sanang kukunin si Zephyr, nang mabilis itong inilayo ng Count sa kanya. Dahil doon, napahawak sa baywang si Airleya at nakakunot ang mga kilay nitong nakatitig sa ama niya

“Pa, she's mine.” nakanguso wika ni Airleya sa ama.

“And I'm her grandfather, right little Zephie?” anang ama niya at tinakas si Zephyr na nakakuyapit ng mahigpit sa leeg ng ama niya.

Napailing na lamang si Airleya at hinayaan ang dalawa, “At least, hindi puro trabaho ngayon, si papa.” hindi niya napigilang sambit sa sarili, bago napalingon sa balkonahe ng marinig niya ang boses ni Prince Teiran, na nakatayo sa railing ng balkonahe.

“Hi, Air!,” bati ng Prinsepi, at ngumiti ng matamis kay Airleya at mata sa mata niya tinitigan ang dalagan. “If I'm not bothering you, I'd like to go for a walk with you, if that's okay with you?”

Airleya, eyeing the Second Prince suspiciously. Dahilan para napangiwi ito.

“. . . Alright, let's go on a date, you have my day now. But before that, I'll get dressed first.”


______________________________________

AIRLEYAWhere stories live. Discover now