Chapter 34: Ang Kahinaan Ni Akito

Start from the beginning
                                    

"Sabihin na natin na henyo si Akito, At si Hako ay may potensyal lang, Anong kailangan gawin ng taong mag potensya? Kaylangan lang ng magpractice, magpractice ng mag practice, at pagkatapos ang isang henyo naging tamad at dahil magaling na sya iniisip nya hindi na nya kailangan magpractice" sagot ni Kate

Napalingon sa kanya si Zoey na medyo nabigla sa narinig nya kay Kate.

"Yan pala si hako, dumaan sa matinding training habang si Akito, hindi dumaan sa basic training at minsan lang kung mag practice, ibig sabihin yan ang kahinaan ni Akito  sabi ni Lyion

Sa gitna ng court tumakbo ng mabilis si Sakuhako, na sinasabayan ni Akito

Itinaas ni Sakuhako ang bola na ang akala ni Akito titira ito subalit fake pala kaya nakasuot si Sakuhako, mabilis na dinakdak ang bola

"Yan na ba? simpleng fake nagawa ka ng madaya?" Sabi ni Sakuhako

"Manahimik kah" sagot ni Akito

Sa limang minutong sagupaan nila, napansin nila si Akito pinagpapawisan habang si Sakuhako walang bakas ng pawis

"Ayan nah" sabi ni Kate

"Tama ba tong nakikita ko? Ngayon ko lang nakitang nahirapan si Akito" sabi ni Renz

"Ang isang player na kulang sa practice, lalo na sa Physical Training siguradong madaling mapapagod, Si Akito minsan lang sya sumali sa mga practice natin, at hindi sya sumasali sa mga workout natin, mas may panahon pa syang makipagdate kaysa mag practice, Ngayon lang nakaharap si Akito na nagawa syang tapatan kaya kaylangan nyang gamitin ang buong lakas nya, Yan ang magiging problema nya, Tignan nyo si Hako, lahat pinagdaanan nya, basics and physical training, footwork at iba pa, kaya hindi pa sya nakakaramdam ng pagod" sabi ni Kate

Napalingon sa kanya si Zoey

"Saku! Kasalanan ko!" Na di na kayang manood ni Zoey

Habang tumatagal patindi na ng patindi ang sagupaan ng magkambal subalit unti unti nang lumilitaw kung sino na nakakalamang sa kanila

"Ahhhhh" sigaw ni Sakuhako at dinakdak ang bola sa ring

Pinunasan ni Sakuhako ang kaunting pawis nya sa noo, habang si Akito medyo malalim na ang paghinga nya, sampung minuto na silang naglalaban ng walang hinto

"Anong problema Akito? Pagod kana ba? Yan lang ba ang kakayahan mo? Bumabagal kana" sabi ni Sakuhako habang nakikita na nya ang galit na mga mata ni Akito sa kanya

Kinuha ni Akito ang bola, tumakbo sya ng mabilis para pumuntos subalit biglang lumitaw si Sakuhako at tinapik ang bola papunta sa labas ng court na kinagulat ni Akito

"Talo na kita, wala na" sabi ni Sakuhako habang gulat na gulat si Akito sa kanya

"Tama na, tapos na, Coach Kate ipatigil mona ang laban nila" sabi ni Zoey

Tumayo si Kate

"Tama na yan, Panalo sina hako" sabi ni Kate subalit si Akito

"Hindi, hindi koto matatanggap hindi ko toh matatanggahhp" sigaw ni Akito

Tumakbo si Zoey para pigilan ng pagwawala ni Akito habang si Sakuhako medyo nagulat sa sigaw ni Akito

"Tama na Akito, kung ipinasa mo sana sakin ang bola baka natalo pa natin sila natalo tayo" sabi ni Ace

Habang si Akito ay malalim ang paghinga pinagpapawisan ng malala

"Tama na Saku" sabi ni Zoey

Lumapit si Kate at sinabing

"Ngayon alam mona kung ano ang iyong kahinaan" sabi ni Kate

"Ano?" Na napalingon sa kanya si Akito

"Ang matinding kakulangan sa practice at physical training yan ang wala sayo, Samantala si Hako masipag sa mga bagay na yan, Kahit na isa kang henyo kung kulang ka sa lakas walang silbi, Ngayon na nakita mona ang pagkukulang mo alam mona kung anong dapat mong gawin Akito" sabi ni Kate

Medyo na himasmasan si Akito sa mga narinig nya kay Kate, aminado sya na tama si Kate minsan lang syang sumali sa practice at hindi rin sya dumaan sa physical training

"Naiintindihan ko talo ako" sabi ni Akito naglakad sya papunta sa locker room gusto sanang sundan ni Zoey subalit

"Pabayaan mona muna sya Zoey" sabi ni Kate

"Kasalanan ko, Ako na girlfriend nya dapat ako ang nakakita ng bagay na iyon" sabi ni Zoey na kinagulat ni Sakuhako

"Gi-girlfriend" na kinagulat ni Sakuhako

"Nagdesisyon akong, papalitan ni Hako si Akito bilang isa sa starting five ng Shohoku" sabi ni Kate subalit halos hindi iyon narinig ni Sakuhako dahil nakatingin sya kay Zoey

Gulat na gulat sa nalaman nya

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now