Square One

64 4 14
                                    

I dedicate this to the author of the awesome story 'Why Can't It Be?' Somehow, I can relate kasi. Hi Ms. Kkabyulism! I hope we can be friends, keep writing, I'll support you.

"You can only push a girl for too long until she decides to walk away. And once she's gone, you're never gonna get her back."

[Square One]

Christine's POV

Para ako'ng statwa na nakatitig sa bawat pag-galaw niya. Hanggang sa dumaan siya sa tapat ko, kasabay ng mga kaibigan niya. Lahat ng kaibigan niya nginitian ako, maliban sa kanya. At sa halip na ngiti ang ibigay niya, isang malamig na tingin. Hindi naman masama, pero kakaiba, nakakatusok, nakakapanghina.

I rolled my eyes, sanay na ako sa ginagawa niya. Immune na ako. He is Nikko Guevarra. He is happy-go-lucky and friendly. Smiles never left his face. But that's all bullshit. Or perhaps, sakin lang siya ganito.

He is my boyfriend for seven damn years, and for the passed months, bigla na lang siya naging ganito. Sa sobrang lamig niya, pati ako nagyeyelo na sa tuwing napapalapit sa kanya. Sana sabihin na lang niya na galit siya sakin, pero hindi, pinapabayaan niya lang ako, at ang relasyon namin. 

Napailing na lang ako at huminga ng malalim, hindi ko inaakala na masasaktan ako ng labis ng lalaking minsang nangako sakin ng forever. Wala ako'ng nagawa kundi ang sundan na lang sila.

Sa hallway ng university, kaliwa't kanan ang mga nagde-date, ang mga nagmamahalan.

"Ganyan din kami dati," bulong ko sa sarili ko at natawa. Oo, dati. Saan na nga ba yun napunta? Bakit bigla kaming nagyelo? Kami pa ba? Relasyon pa bang matatawag to? Daig ko pa kasi ang isang tao na sinusubukang tunawin ang Antartica, kahit alam ko'ng imposible, ginagawa ko pa rin. Matiyaga ba ako'ng matatawag o tanga?

Ilang beses ko ng sinubukang ibalik kung anong meron kami dati, sinubukan ko ng palambutin ang malalamig niyang tingin. Pero sa tuwing ginagawa ko ang mga ito, tinutulak lang niya ako'ng palayo. And I'm back to square one again.

Dati sa harap lang ng madaming tao siya ganito sakin, pero hindi nagtagal, nakapasok na ito sa lugar kung saan kami nakatira. A place most of you call home. A place where love, happiness, and laughter can be found. But recently, even this place became cold, silent, and suffocating... just like a prison.

Hindi nagtagal nakarating ako sa classroom nila, wala pang masyado tao. Umaga pa lang naman kasi eh, usually late na dumadating ang mga classmate niya. Pero, hindi ko rin naman ineexpect na makikita kong nakikipaglandian siya sa isa mga kaklase niya ng ganit kaaga.

Ang aga-aga, nagkukunot na agad ang noo ko. And my lips are pursed together in a thin line.

"Christine! Nandito ka pala,"  biglang sumulpot ang kaibigan niyang si James, at hinila ang labi ko para ngumiti.

"Wag kang ganyan. Hindi bagay sa isang magandang babae ang nakasimangot,  dapat lagi kang nakangiti. Sige ka, papangit ka." he joked, natawa naman ako, kaya pinisil ko ang pisngi niya. At nginitian niya din ako.

Hindi nagtagal, narinig ko ang malalanding tawa nung babae, at ang malalanding salitang nang-gagaling sa bibig ng kanyang boyfriend.

"Talaga? Tapos tapos? Anong nangyari?" hinila pa ni Nikko ang babae na yun para umupo sa kanya, habang nakayakap siya sa bewang ng babae.

I curled my fingers up, nararamdaman ko ang matalas ko na kuko sa palad ko. Bigla naman napatingin ang dalawa pa niyang kaibigan sa akin. Palipat-lipat ang tingin nila sa akin at sa boyfriend ko. 

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Mar 28, 2013 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Once Upon A TimeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin