"Ate Vaine!" masayang salubong ni Yuna sa akin nang makita akong papalapit. Malapit lang kasi ang table nila ng mga kaibigan niya sa table nila Sunny. Sumenyas naman ako kay Rain na mauna na siya.

"Happy Birthday, Yuna." nakangiti kong bati sakanya nang makalapit ako sakanya.

"Thank you po. Akala ko hindi ka pupunta, magtatampo na sana ako." nakalabing sabi nito na ikinatawa ko ng mahina.

"Yuna, pakilala mo naman kami." singit ng mga kaibigan ni Yuna sa likod niya habang nakangiti at parang kinikilig na nakatingin sa akin.

"Ate, mga kaibigan ko nga pala. Crush ka din ng mga yan." panlalaglag niya pa kaya natatawa kong inabot ang kamay ko sakanila.

"Hello." nakangiti kong sabi habang nakalahad ang kamay. Nag-uunahan naman silang kunin ang kamay ko na mas lalo kong ikinatawa.

"Hoy, mag dahan-dahan nga kayo. Nakakahiya kay Ate Vaine." saway naman ni Yuna sakanila.

"1 week akong hindi maghuhugas ng kamay." rinig ko pang bulong ng isa sa katabi niya.

"Ate Vaine, nakita mo ba si Ate?" tanong niya sa akin.

"Ah yes, she's right there." turo ko sa isang table sa dulo na sinundan niya naman ng tingin.

"Thanks po. Excuse me lang Ate Vaine ha, puntahan ko lang si Ate." paalam nito sa akin.

Nang makaalis ako ay pumunta naman ako sa table nila Rain.

"What's up mga bobo." bati ko saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Snow.

"Siraulo ka, dito din naman pala ang punta mo." sabi ni Sunny saka nakipag fist bump sa akin.

"Aba malay ko ba na iisang party lang pala ang pupuntahan natin." sagot ko naman saka tumingin kay Snow sa gilid na nakatingin din pala sa akin.

"Anong mukha yan, Snow?" tanong ko dahil mukhang inaantok at nabuburyo na siya dahil namumungay na ang mga mata. "Hoy, pinilit niyo ba tong sumama? Ang sama ng timpla ng mukha eh." tanong ko sa mga kapatid niya.

"Hindi ah, kusang sumama yan no. Baka tinamaan na ng alak." sagot ni Storm.

Kilala ko si Snow. She doesn't like attending a party like this. Mas gusto nito palagi ang tahimik eh. She barely makes friends with others kapag naman tinatanong ko sinasabi niya na tama na daw yung ako at mga kapatid niya lang ang sakit sa ulo ayaw niya na daw dagdagan. Sa kanilang magkakapatid si Snow lang talaga ang masasabi kong matino pero yun nga lang sobrang cold. Bagay nga ang pangalan niya sakanya.

"Hey, are you okay?" tanong ko sakanya at inilapit ang bibig ko sa tenga niya dahil biglang lumakas ang tugtog.

Tumango lang ito at sumandal sa braso ko kaya pinabayaan ko nalang dahil mukhang pagod na siya.

Nakipagsabayan na din ako kina Rain sa pag-inom habang nagkukuwentuhan, unti-unti na din namang nagsisi-alisan ang mga tao dahil 10pm na din naman ng gabi.

"Anak, uuwi na kami ng Daddy mo. Sasabay ka ba?" tanong ni Mommy nang makalapit ito sa akin.

"Mauna nalang po kayo, uuwi din po ako maya-maya." sagot ko naman.

"Hello, Tita! Good to see you!" masayang bati ni Sunny kay Mommy saka yumakap at ganun din ang ginawa ng mga kapatid niya.

"It's good to see all of you too. Don't drink too much ha?" paalala nito sa amin na ikinatango nila.

Too late, Mom. Naparami na inom ko nagiging dalawa ka na nga sa paningin ko eh.

"Kami na bahala kay Vaine, Tita. Hahatid nalang po namin siya." paninigurado naman ni Rain kay Mommy.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon