Simula

29 2 0
                                    

(A/n: ONLY FICTION!!! Walang katotohanan at tanging imahinasyon lamang. Maraming salamat)

-

Simula

Athena Hershey Fuego, Grade 11 senior high student, 16 years old ng heaven's academy isang private school sa probinsya ng bicol. Apat silang magkakapatid at nag iisang babae lamang si hershey kaya sobrang iniingatan ito ng mga kuya at papa niya. Ang mama nito ay hindi masyadong iniispoil si hershey at medyo hindi rin sila ganon kaclose na dalawa.

"Hershey! Bumangon ka na ngang bata ka? Anong oras na, tulog ka parin?" Bulyaw na sabi ng ina ni hershey, padabog din nitong binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto kaya halos mapatalon sa gulat si hershey.

Napaungol na lamang si hershey dala ng inis, late na late na siyang nakatulog kagabi dahil sa ginagawa nitong assignment. TVL-HE kasi ang temporary course niya ngayong senior high na siya.

"Okay po ma, gising na po!" Balik na saad ni hershey ng hindi parin tumitigil sa kakasalita ang kanyang ina.

"Ano ba naman yan, love! Umagang umaga ang init init na agad ng ulo mo. Mag relax ka nga." Rinig na sabi naman ng papa ni hershey, naiiling na lang siya dahil sa tuwing ganyan ang mama niya, ang papa niya naman ang nagpapa amo dito.

"Good morning papa! At mga kuya!" Bati niya sa apat na kalalakihang nasa dining table na.

Hindi ugali ni hershey ang bumati sa ina, dahil kagustuhan din iyon ng kanyang mama na wag itong babatiin dahil mas lalo lamang itong maiinis sakanya.

"Good morning princess!" Balik na sagot ng tatlo niyang kuya na tumayo pa para paupuin siya sa katabing upuan na ikinasimangot ng todo ng nanay nila.

"Wag niyo ngang gawing prinsesa iyan, kaya lumalaking tamad e. Palagi niyo kasing iniispoil." Iritang sabi ng ina, napanguso na lamang si hershey kahit ang totoo'y medyo nakaramdam siya ng kirot dahil lagi nalang galit ang nanay niya sakanya.

"Mama naman, wag niyo nga palaging pagalitan si hershey, wala naman siyang ginagawang masama sainyo ah!" Giit na saad ng kuya Isaiah niya na kinindatan pa siya.

"Wala? Eh ang kupad kupad niyang bata na iyan, paanong hindi ako magagalit?" Patuloy na sabi parin nito, naiiling naman si papa habang nakatingin lamang sa binabasa nitong dyaryo.

"Ma, hindi makupad si hershey, sa katunayan nga siya ang nag laba kagabi imbes na kami ang gumawa non e. Late na siyang nakatulog kasi late niya na rin natapos ang assignment niya dahil sa paglalaba niya." Pagtatanggol na sabi ng pangalawang panganay na si genesis na medyo aloof at hindi palakibo, pero sa oras na ganito ang eksena at si hershey palagi ang napupuna, doon na ito sumasali sa usapan.

"So, kasalanan ko pa ngayon kung bakit na late siya sa pag tulog kagabi? Hindi naman sa kanya pinapagawa ang labahin na iyon ah!" Giit na bulyaw ng ina na talagang hindi na maikakailang galit na galit talaga kay hershey.

Napabuntong hininga ang papa nila at medyo marahas na inilapag ang dyaryo sa lamesa dahilan para mapatingin ang kanilang mama sa gawi nito.

"Gina, hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ka sa anak natin? Nagiging unreasonable kana?" Giit ng kanilang ama na ikinatahimik ni mama, at isa lang ang ibig sabihin ng pananahimik na iyon ng kanilang ina.

Mag papatuloy parin itong mag salita habang nag kakasagutan sila ng kanilang ama.

"Ang problema kasi sainyo, miggy! Palagi niyong iniispoil ang bata na iyan. Ano bang mapapala ng pag ispoil niyo sakanya e.." napatigil sa pagsasalita ang ina nila ng...

"GINA!! don't try to say those things in this household.  How many times do I have to tell you to forget what happened before, palagi na lang ba nating pag uusapan ang bagay na tapos na? Tapos na iyon, hindi na natin mababago ang nangyari, ang mahalaga Mahal na Mahal kita, kami ng mga anak mo. At labas si hershey sa galit na nararamdaman mo. Naiintindihan mo?" Natigagal at hindi nakaimik ang apat na magkakapatid dahil sa biglaang pag sigaw ng kanilang ama sa ina nilang umiiyak na lamang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Infatuated Series: All About YOUWhere stories live. Discover now