Dagat.

"BITAWAN NIYO KO ANO BA! MGA HAYOP KAYO BITAWAN NIYO KO!"

"NERD! NERD!! HAYOP KA VINCENT! KAPAG MAY GINAWA KANG MASAMA KAY NERD AY HINDI KO PIPIGILAN ANG SARILI KO NA PATAYIN KA!" Pinilit kong makawala sa kinalalagyan ko pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa kamay at paa ko.

"Don't worry my dear sisiguraduhin kong buhay siya kapag pinakawalan namin, kaya lang diko na kasalanan kung mamatay siya sa gitna ng dagat. Marami pakong gagawin. Pano I'll get back to you later."

______

SOMEONE'S POV...

Tatlong tao nalamang ang natira sa resort kung saan ginanap ang masaya sanang binyag ng mga anak ni Iziah.

Unti-unti naring nagkamalay si ruffa pagkatapos ng nangyari sakanya sa gubat. Agad siyang nilapitan ng mag-asawang Felicanio at tinanong kung okay lamang ba ito at kung ano nga ba talagang nangyari sa gubat.

Ikinuwento ni ruffa ang mga kaganapan. Galit na galit ang ama ni Iziah dahil tama siya ng hinala sa kung sino ang salarin sa lahat ng nangyayari sa buhay ng kanyang anak.

"Greg anong gagawin mo?" Nag-aalalang pagpigil ni Eula sa kanyang asawa.

"Kailangan kong hanapin si Iziah. Kailangan ng matapos ang lahat ng pag-hihirap niya." Maski ito ay naawa na sa anak niya.

Kagaya ng apat ay biktima lamang din si Iziah ng taong gustong sumira sa buhay ng anak niya. Kaya sa pagkakataong ito ay nais na niyang matigil ang lahat ng kahayupan na ginawa ni vincent sakanyang anak.

"Pano? Anong gagawin mo?" Hinawakan ni Greg ang kamay ng kanyang asawa.

"Kung ano ang tama at nararapat. Hihingi ako ng tulong sa taong alam kong makakatulong satin." At doon ay tuluyan na itong lumisan.

Samantala. Kanya kanyang nagsiuwian ang apat sa kanya kanya nilang bahay.

Hindi parin sila makapaniwala sa mga nalaman nila. Hindi nila matanggap na ang taong naging dahilan ng pagbabago sa buhay nila ay siya ring taong mahal nila ngayon.

"I'm so sorry my angel kung hindi mo muna makakasama si mama sangayon. Masyado pa kasing magulo ang lahat. Gusto lang ni mommy na makapagpahinga muna at makapag-isip." Pakikipag-usap ni Savannah sakanyang natutulog na anak.

"Savannah open the door!" Kalabog ng tatay ni Savannah sa pinto.

"Dad please! Wag niyo ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon!" Muling naglandas ang mga luha na kanina pa pumapatak sakanyang mga mata.

"Sav sana maintindihan mo ang disisyong ginawa ko. Ayoko lang na mawala ka samin anak. Ikaw nalang ang meron kami sa mundong to, kaya kahit alam kong ikakasakit mo ay pinili ko paring gawin ang bagay nayon. Dahil yun lang ang alam kong makakapagprotekta sayo." Hindi sumagot si savannah at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

"I'm sorry anak...hindi ko ginustong masaktan ka ng ganito. I just want your life to be normal." Pagkatapos non ay wala na siyang narinig pang salita mula sakanyang ama.

"I know dad.. I know you only did that to protect me, to give me a normal life. I'm so sorry for everything thar I did. I'm so sorry for hurting you more and blaming you for what she did...I'm so sorry... And I'm sorry Zi if I can't forgive you for what you did to me...I don't think that I can still accept the person who ruin my life.."

Sakabilang banda ay hindi parin nawawala ang galit ni Pillow sa mga nalaman niya.

Galit siya sa mundo. Galit na galit siya kung bakit kailangan sakanya pa mangyari ang bagay nato.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now