Chapter 7

2.1K 102 10
                                    

Masarap talaga ang noodles kapag umuulan. Raman tayo?😁
Enjoy!

Savannah POV

Pinuntahan ko si uhm. Hindi ko pa nga pala nakukuha ang pangalan niya basta si pogi nalang muna. Pinuntahan ko siya sa room niya pero nalaman ko sa prof niya na hindi pala siya pumasok.

Nakita ko siya kaninang umaga sa field pero hindi ko siya nakausap dahil parang nagmamadali siya. May hinahabol siguro.

"Nabalitaan mo ba yung nangyari kay papi?" Mukhang may tsismis yata today. Binagalan ko ng konti ang lakad ko sakto lang para pumantay sa dalawang taong naglalakad kasabay ko.

"Yung tranferee ba na gwapo, matangkad, malaki ang katawan at yummy?" Wow te kabisadong kabisado mo ah.

"Oo siya nga. Nakita raw siya kanina sa gym na walang malay. Mukhang napagtripan daw yata namamaga ang mukha eh." Si pogi napagtripan!

"San daw dinala?" Ang tagal namang sumagot.

"Uhm...sa clinic daw yata? Diko-----"

Mabilis akong tumakbo palabas ng building. Nakita ko nalang ang sarili ko na kumakatok sa pintuan ng infirmary.

"Yes?"

"Si-- yung gwapo, matangkad, malaki ang katawan at yummy po ba na transferee nandito, yung masungit po pero cute?" Nahihiya kong tanong kay nurse Ellaine tungkol kay pogi. Talagang nakakahiya itong ginagawa ko kids kaya wag niyong tularan. Hinahanap ba naman ang taong hindi alam ang pangalan pero dinescribe yung buong katauhan.

"Si Eli ba?" Yun ba name niya? Gwapo din hihi.

"Opo siya nga po."

"Andon siya sa may pangatlong kurtina." Turo niya sa may pangatlong pwesto.

"Salamat po." Sinarado ko ang pinto at tumungo sa kinaroroonan ni Eli.

Pati name pinagdadamot hmp.

Hinawi ko ang kurtina. Tumambad sakin ang natutulog na lalake. Namamaga nga ang pisngit nito. Halata din sa mukha niya ang hirap.

Sino namang walang puso ang gumawa nito sakanya.

Hinaplos ko ang namumula nitong pisngi mabilis ko rin itong itinigil dahil napadaing siya.

Mukhang masakit nga ang ginawa nila sakanya. Umupo ako sa bakanteng upuan at taimtim itong pinagmasdan.

Ang gwapo ng lalakeng to. Ang tangos ng ilong. Tapos yung jawline beh pamatay! Dumako ang tingin ko sa biceps nito. Konting pisil lang naman dinaman siguro niya mararamdaman diba? Lah ang tigas! Tambay ka ba sa gym baby? Kung hindi naman pwde ka namang sa buhay ko tumambay I dont mind. Lande!

"Ano naman to?" Hinawi ko pattas ang manggas ng damit niya. "Birthmark?" Tin-race ko ang birthmark niya doon ko narealize na mala ulap pala ang shape nito. Ang galing naman pwde pala yun. Ako kasi sabog yung palatandaan ko parang ako lang hehe.

Uhm...pwde rin kayang silipin yung sa ibaba I mean yung sa tyan kung may abs ba! Yang utak niyo paliguan niyo ng holly water ang dumi eh.

Hindi naman siguro niya mararamdaman. Silip lang naman. Isang mabilis na silip lang promise.

"Anong ginagawa mo sa pasyente?"

"Ay palakang pukid este bukid! Nurse Ellaine kayo po pala hehe." Kinakabahan akong umayos ng upo. Lumapit siya kay Eli at kinapa ang noo nito.

"Bumaba na ang lagnat pero kailangan niya paring mag stay dito para magpahinga."

"Nilagnat po siya?" Tumango ito. Bakit hindi ko naramdaman kanina nung hawakan ko siya.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon