Chapter 33

1.2K 66 4
                                    

"Good morning Ms." Isang malaking ngiti ang sumalubong sakin mula sa boss ko.

May laman na naman na pagkain ang bibig nito at may bakas pa ng chocolate sa pisngi. Napapailing nalang ako sa batan to.

"Good morning. Mabuti nalang at nakapasok kana." Dumiretso ako sa mesa ko at binaba don ang mga gamit ko.

"Pasensiya na kung hindi ako nakapasok agad may mahalaga lang akong ginawa." Hindi parin naalis ang ngiti sa mga labi niya.

"Ayos lang ang mahalaga andito ka." Umasim ang mukha ko ng kindatan niya ako.

Susmaryosep na batang to talagang gusto akong landiin.

"Alam mo Ms.Domingo."

"June nalang."

"Okay. Alam mo June gusto kong maging honest sayo. Boss kita kaya medyo nagddoubt akong magsabi pero pwde bang tigilan muna ang pagpapacute sakin. May mahal nako at isa pa ang tanda ko na para sayo." Umalingaw ngaw ang tawa nito. Inalis niya ang pagkaing nasa bibig niya bago humarap sakin.

"Selosa ba yung mahal mo?" Ngisi niya. Pumasok naman sa isip ko kung paano ako bakuran ng apat noon.

"Hindi lang selosa nangangain pa ng buhay." Lalu itong natawa.

"Edi maganda pala." Kumunot noo ko.

"Anong maganda ang pinagsasabi mo diyan. Ako ang maiipit sayo kaya itigil mo nalang yan okay?" Kailangan ko siyang kumbinsihin ngayon palang. Ayokong umabot sa point na maging siya ay pagselosan ng apat. Baka bigla nalang nila akong papagresign-nin dito. Wala nakong mahahanap na malaki magpasweldo gipit pa naman ako.

"Nga pala pwde mo ba akong samahang mag mall mamaya?" Bumalik ako sa pwesto ko at umupo sa swivel chair. Magkaharap lang halos ang desk ko at desk niya kaya nakikita parin niya ako mula dito.

"May kikitain kaba?" Kung makapagtanong parang magkaibigan lang ah.

"Wala naman. Bibili lang ako ng damit, matagal ko na kasing gustong baguhin ang style ko. May nangako sakin noon na tutulungan akong magshopping pero bigla nalang siyang nawala kaya naisip ko na ikaw nalang ang isama ko para may magrate naman ng mapipili kong damit." Medyo nakonsensiya naman ako.

Tutulungan ko naman talaga dapat siya kaya lang naging kumplikado na nga para sakin ang lahat. At least ako parin naman to naging babae ngalang.

"Okay. Basta libre mo." Aba mahal ang talent fee ko lalu na kung labas na ng opisina ang usapan.

"Sure magkano kaba?--I mean magkano ba?" Akala mo naman diko narinig una niyang sinabi.

"1k per hr."

"Sus yun lang pala kahit gawin mo pang 2k. "

"Okay deal." Mabilis naman akong kausap.

"Oy nagbubiru lang. Holdup nayun ah." Inikutan ko siya ng mata.

"Ikaw ang nagsuggest kaya sino ako para tumanggi." Pangbili narin yon ng apat n plastic ng diaper good for 1 week.

Inang ina.

"K fine. Basta tulungan mokong mamili."

"Akong bahala sayo." Kindat ko rito. Bigla nalang namula ang mukha niya at napaiwas ng tingin.

Crush ako ng batang to hahaha.

Pagkatapos naming maglunch ay dumiretso na kami sa mall. Kagaya ng offer niya ay siya ang nanlibre sakin ng lunch pati narin yung iba pang pinamili niya para sakin. Dress lang naman yon. Isinabay ko narin tutal nabudol ko narin siya.

Ako ang nasunod sa mga damit na susuotin niya. Dinaman siya umangal dahil mukha naman talaga siyang tao sa style ko sakanya. Kapag ako ang kasama never mong mararanasan ang maging isang badul.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon