Chapter 29 Winger Holand

1.6K 76 3
                                    

"Gaga ka anong nangyari sayo?" Gulat akong sinalubong ni ruru sa bukana ng pintuan nila. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo sa sofa nila.

"Amoy alak kapa." Takip niya sa ilong niya. Arte.

"Nakipagbasag ulo kaba kaya ganyan ang itsura mo ha?" Kung kanina concern siya ngayon naman sinisermunan nako.

"Oo." Tipid kong sagot.

Nanggigigil parin talaga ako sa kulugo na 'yon, ang lakas ng loob niyang hamunin ako sa isang laro tapos nung matalo bigla nalang mananapak.

Si Winger (win-ger) Holand ang tinutukoy ko, siya yung lampa na kung makakapit sa mahal ko ay parang halaman ng ampalaya. Ang lakas ng loob mag yabang wala namang ibubuga sa beer pong. Nakakahiya nga siya dahil naturingang naglalaro ng basketball hindi manlang makashoot kahit isa haha.

"Wala kabang kasweetan sa katawan? Diinan mo pa kaya." Sarkastiko kong sabi. Ginagamot na niya ngayon ang pasa ko sa mukha. Umikot naman ang mata niya.

"Hindi mo nalang kasi sana pinatulan ayan tuloy ikaw ang napuruhan." Napangisi ako na kalaunan ay naging ngiwi rin. Napuruhan niya nga pala ang labi ko ugh.

Lumipas ang gabi na don ako natulog sa bahay ni ruffa. Nagpaalam narin ako kay mommy through call. Alam niya narin ang mga nangyari sakin, naikwento ko sakanya ang lahat hindi pa nga siya makapaniwala na ako yung lalakeng tinulungan nila at pinatira sa bahay.

At ngayong alam na nila na nakabuntis nga ako erm hindi parin ako sanay na sabihin yon. Gusto nilang makita ang mga girls kapag nakabalik na sila from Japan pumayag naman nako, mas mabuting maipakilala ko na sila habang hindi pa nag-uumpisa ang tunay na hirap sa pagbubuntis.

Plano kong bumili ng bahay, kung saan ko sila ititirang apat yun ay kung papayag lang sila. Plano ko ring kausapin ang mga magulang nila, gusto kong maging legal ang lahat para samin lalu na ngayong kailangan nila ng supporta. Sa totoo lang double double ang kaba sa puso ko dahil alam kong hindi magiging madali ang lahat para sakin, lalu na't apat na babae ang nais kong ibahay.

Kaya wala ng atrasan to! Ang kailangan ko nalang gawin ay kausapin sila sa gusto kong mangyari.

-

"Lah anong meron? Bat ganyan sila kung makatingin satin?" Tanong ni ruru.

Nasa school nakami at sabay narin kaming pumasok. Kanina ko pa nga napapansin ang mga tingin ng mga istudyante samin?

"May dumi ba ko sa mukha?"

"Wala naman, ako ba?" Iniskan ko ang mukha ni ruru atyaka umiling.

"Ang weird huh." Napaagree naman ako sakanya.

Naghiwalay kami ng landas ng madaanan namin ang building ng Cea. Tumuloy nako sa 1st subject ko, yung mga tingin sakin ng mga istudyante ganon parin para nila akong inoobserbahan ng mabuti.

Ano bang nangyayari at nagkakaganito ang lahat?

Dumating ang prof namin kaya nagsimula narin siyang magturo. Aalis na sana ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Ms.Feliciano, please proceed to the dean's office."

"Bakit po sir?" Pero hindi siya sumagot bagkus ay lumabas lang siya. Bastos mo po.

Iiling iling akong tumungo sa deans office. Kumatok muna ako bago ako tuluyang pumasok. Pagpasok palang ng ulo sa pinto ay nagulat nako sa nakita ko.

Bakit sila nandito? Pinatawag din ba sila kagaya ko?

"Ms. Feliciano please sit down." Tumungo ako sa bakanteng upuan sa harapan ng mga mahal ko.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon