*BOOGSH*
Sa sobrang pag-iisip kung sino ba "siya", hindi ko napansing nakaharang na pala ako sa tapat ng pinto sa room namin. At hindi ko napansing may magandang dilag pala akong nabangga. Natumba siya at naharangan ng kulot niyang buhok ang mukha niya.
"Miss, are you okay-----"
"Oo, okay lang ako."
Then he gave me a very sweet smile of hers. Tinulungan ko siya para tumayo. I lend her a hand.
"Thank you"
"Miss, if you don't mind... What's your name?"
Mas lalo akong nagulat sa sinagot niya
"Grabe ka naman, EX mo? Hindi mo kilala? Goddamnit. But seriously, hindi mo talaga ako kilala? Kawawa ka naman," then she blew her fingers.
Wait, what? Ex?
"Uhmm, excuse me? Pasensiya na pero I do not recognize you," my honest response sa kaniya. Tinitigan ko siya maigi
"I didn't recognize myself either. Guessing game, gusto mo?"
Sino ba ito? Tinitigan ko pa siya nang maigi. Hindi ko talaga siya mamukha--
"Do---Don't tell me you're All--"
"Why if I told you that I'm Alliya? Oopps, you're stammering. I won't eat you. Relax ka lang," she said while laughing. May nakakatawa ba sa akin?!
"A--Alliya? Ikaw 'yan? A--Ang ganda---" bigla niya tinakpan 'yung bibig ko with her index finger
"Kaka-introduce ko pa lang, 'di ba? Nako, nagiging tanga ka na ah. Nakakasama ata sa iyo si Maricris. Sige, see you later, stupid ex."
At umalis na siya. Leaving me so speechless. Naiwan akong nakatulala at gulong-gulo pa rin. I can't believe this! Siya talaga si Alliya? Eh, panget iyon si Alliya ah! At maganda siya. Paano nangyari 'yun?
Joke time ba ito?!
Narinig kong nagpipigil ng tawa 'yung mga tao roon. I really can't believe this.
If you're Alliya, then you'll be mine again then. I swear.
[[Mia's POV]]
"You did a very good job, Alliya"
"Alam ko..."
"Oh, ayan na si Ma'am. Sige, maya na lang"
Agad naman siyang bumalik sa upuan niya. Hindi pa rin ako makaget over sa ginawa niya kay Raven. Hiyang-hiya nga si Raven eh. Tawanan naman ang buong klase pati 'yung mga nakakita sa nangyari.
"Okay, class, pass your assignments in front now!"
Nakagrin lang si Alliya. Samantala 'yung mga kaklase namin, kampante lang. Akala nila, ginawan sila ni Alliya ng assignments, huh? They'll see. Pinasa na namin ang assignments sa harap. After several minutes lang, biglang sumigaw si Ma'am
"Miss Mia and Miss Alliya, bakit...."
Biglang nag-grin ang dalawang bruhildang si Chrizelle at Maricris with their "Buti-nga-sa-inyo-look"
"Bakit kayo lang ang may assignment? At kayo, " sabay tingin ni Ma'am sa rest of the class "Bakit blank paper ito?!"
Biglang nagulat ang buong klase at napatingin kay Alliya. Halo-halong emotions. May galit, may nagtataka, may nagulat, mayroon ding kinakabahan kay Ma'am. Biglang nagsalita si Alliya na ikinagulat ng buong klase
"Ma'am, kasalanan ba namin ni Mia na gumawa kami at wala 'yung mga tamad na kaklase namin? We pity you, guys."
Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Alliya, nakita kong nanggagalaiti si Chrizelle na parang gusto niyang sabunutan ni Alliya. Alam niya na dahil sa simpleng pagkawala ng assignment niya, maraming consequences ang puwedeng mangyari sa kaniya. Kasama na ang pangarap niya na makuha ang highest honors among the students.
"Punta lang ako sa office para ipasa ang reports niyo. Humanda kayo!"
At umalis si Ma'am. Noong sure na wala na talaga si Ma'am, biglang nagkagulo sa room
"Bakit blank paper lang 'yung pinasa mo?"
"Bakit hindi mo ginawa 'yung assignments namin?"
"Humanda ka sa akin, nerd ka!?"
"But she's not a nerd all..."
"I don't care!"
Nagulat ang lahat nang biglang tumayo si Alliya at sumigaw
"Shut up!!"
Biglang nagsihawian ang tao na nakapalibot kay Alliya! Go, girl! You can do it! Apply mo mga itinuro ko kagabi ;)
"First of all, pinapakain niyo ba ako, huh? Na-ah! So there's no reason for your assignments to be part of my duties. Responsibilidad ni'yo iyan, aba!"
Biglang nagsitahimik ang lahat pero 'yung dalawang bruhilda, halatang super duper slight of activation energy or pantritrigger na lang, magdedeklara na ng gera.
"Second, it's not my fault that your freaking parents spoiled you to be so lazy in a way that a simple report can't done by your own. A simple report cannot be done by a 3rd year college student? Saksakan ng stupidity na ang tawag doon!"
Tama, 3rd year college na kami tapos hindi pa rin sila marunong gumawa ng assignments? Ang galing ano po.
"Third, I don't care about your grades. Let them decrease if they want! It's not the end of the world whenever they descend. And oh, I forgot something. For those lazy, damn couples. Ay oo nga pala, BOBO pala ang mga kaklase ko, so tatagalugin ko na lang. At para sa mga couples diyan, simpleng assignment lang, hindi niyo magawa? *smiles* Kapal naman ng mukha ni'yo magdate"
Tatayo na sana si Maricris at Chrizelle nang biglang dumating na si Ma'am..
"Okay, now, let's go back to the topic"
Pasalamat sila at dumating na Si Ma'am Deang because otherwise, makakatikim talaga sila ng flying kick at super blush-on!!
[[Alliya's POV]]
Akala nila ah! Subukan mo lang ako labanan, Maricris and Chrizelle.
"Okay, now, let's go back to the topic"
Topic yourself Ma'am Deang!
This is just the beginning. Bwahaha <-- evil laugh ko hehe.
But seriously,
umpisa lang ito.
Chapter 4 # Nerd No More
Start from the beginning
