The virgin paradise

6.3K 10 0
                                    

[ B x G ]
🖇️Read at your own risk. Not suitable for a young reader. Parental guidance is adviced.

“Shaera, sigurado ka ba rito? baka naliligaw na tayo ha?” tanong ko rito.

“hindi ah, sigurado ako sa dinaraanan natin. nakita ko ito sa google kaya sigurado ako.” sagot nito at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad namin.

napagpasyahan kasi namin ni Shaera na mag hiking, pumayag naman ako dahil naka leave ako sa work at ganon din siya. minsan lang din kaming magkitang mag- kaibigan kaya hindi na ako nagdalawang isip.

walang tour guide sa lugar, pero may nagturo at nakapagsabi samin na may signboard naman sa daraanan namin, kahit ito ay gubat.

noong una nga ay nagdalawang isip ako. base kasi sa pinakitang picture ni Shaera, maganda ang ilog. pero nasa gitna ng gubat, kaya medyo nagduda ako.

“finallty! nandito na tayo, Vida.” agad akong napatingin sa buong paligid at totoo ngang nandito na kami. hindi ko akalain na meron ganitong kaganda at kalinaw na tubig dito.

“may bahay, Shaera” tawag ko sa pansin nito at tinuro ang isang bahay. gawa ito sa kahoy. parang kubo lang, pero maganda naman. siguro ay good sa apat na tao.

“are we gonna stay here?” tanong ko, habang binababa ang gamit ko, habang nilalabas ang kakainin ko.

“just this night, sayang naman lakad natin kung aalis agad tayo.” tinanguan ko ito, at tinignan ang cellphone ko. walang signal dito, tama nga lang para sa mga gustong mag unwind.

habang lumalangoy si shaera ay mas pinili ko munang kumuha ng litrato, pang-upload sa fb at Ig. hindi naman ito kalayuan sa baba, pero nakakapagtaka lang na wala masyadong napunta.

“hindi ka pa ba tapos kumuha ng litrato? samahan mo na ako rito, Vida.” anyaya nito habang naka floating.

“mamaya na, kumukuha pa ako nang picture.” sagot ko rito. naka two piece lang kaming dalawa, dahil kami lang naman ang nandito.

“umupo ka na muna rito, Vida. may kwento ako.” kumuha pa muna ako ng litrato, bago ko naisipang lumakad palapit sa kanya. nakalubog ang kalahating bahagi ng katawan nito sa tubig, habang ang likod ay nakasandal sa bato.

“tungkol saan ba?” tanong ko, at pasimpleng kinuhanan siya.

“alam mo bang may kwento-kwento rito sa ilog na ito.” humarap na ito sa'kin, kaya ang parehong braso niya ay naka-krus na at nakapatong sa bato. inilapag ko naman ang camera na hawak ko, para mas marinig ang kwento niya.

“at ano naman iyon?” tanong ko at binaba ang dalawang paa ko sa tubig, kaya hanggang tuhod ko ito habang nakaupo sa bato.

“tinawag daw nilang the virgin paradise ito.” tumaas naman ang kilay ko at hinintay ang kwento niya.

“kasi ang sabi-sabi nila, kapag daw pumunta ka ritong birhen pa. uuwi ka raw na hindi.” kwento nito na mabilis na ikinaikot lang ng mata ko.

“kwento lang yon, Shaera.” sagot ko rito at dinampot na ulit ang camera ko.

“totoo nga.” kinuhanan ko muna ang paa ko na nakababa sa tubig bago ulit humarap sa kanya.

“oh, ano naman nangyari sa mga umuwi na hindi na birhen?” tanong ko habang nakataas pa rin ang kilay.

“wala naman daw.”

“kaya mo ba naisipan akong dalhin dito?” tanong ko na may bahid na pagtatampo.

“hindi ah, pa birthday ko ito sa'yo.” lumangoy na ito, kaya nilapag ko na rin ang camera ko, para samahan siya sa paglangoy.

nang gumabi ay mas pinili na lang namin dito sa kubo, mabuti na lang ay kumpleto kami sa dala namin.

SPG(Smut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon