1

6 0 0
                                    

napangiti na lang ako dahil sa naiisip ko habang nakatingin sa mga litrato namin

nagsimula na akong mag hum

pinagtumpok tumpok ko na ang mga larawan hanggang sa tuluyan ko na tong tinitigan at magsimulang kumanta

“i can't believe that is finally me and you~” tapos lipat nanaman sa isang litrato

“you and me~ that's us~” lipat ulit

“and your friend steve~” sa litratong to ay tuluyang nahagilap ang childhood friend mong si stevena

“dotdorotdodorotdooo steve~” muli syang natanaw sa larawang tinitignan ko, lipat ulit

“dotdorotdotttdorotdotdo steve~” muli, kasama nanaman sya sa litrato natin, lipat.

“s-steve—” nabitawan ko lahat ng litrato na hawak ko ng biglang bumukas ang pinto

iniluwa non ang boyfriend ko

lumapit sya sakin at sabay sabing “andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.” napadako ang tingin nya sa mga litrato

yumuko sya at pinulot ang isa habang ako naman ay nakatingin at pinagmamasdan lang ang bawat kilos nya

ngumiti sya ng may pag katamis tamis habang nakatitig sa litrato

sa litrato ay makikita kung gano kami kasaya, nakaupo sya sa harap ng piano habang nakayakap naman ako sa kanya

“mag-iilang taon na rin pala ang nakalipas...” biglang sambit nya, napa 'huh' na lang ako

kinurot nya bigla ang aking pisnge “ang cute mo talaga...” habang tumatawa “...steve, stevena.” dugtong nya pa

napako ako sa kinauupuan ko, ngayon ko lang naramdaman kung gano kalamig ang sahig na kanina ko pa inuupuan

naibuka ko ang nanginginig na mga labi pero, wala...

walang boses ang kumakawala mula rito, walang salita ang lumalabas sa mga bibig na to, wala...wala...

“stevena...stevena...”

munting mga tunog lang ang napapakawalan ko

a-anong nangyayari?

ramdam ko ang mainit na likido na tumutulo mula sa mga mata ko, napatingin ako sa boyfriend ko, wala na ang mga ngiti nya sa labi

malamig lang ako nitong tinitignan hanggang sa bigla nya kong sabunutan nang pagkalakas lakas, g-gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya

“bakit ba gusto mo kong takasan ha?! hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko para sayo?! tangina! nakakapikon ka na! kanina pa kita hinahanap tapos dito ka lang pala sa bodega nagtatago! ha!, bwiset ka talagang babae ka!!” dumagundong ang galit at malakas na tinig nya kasabay nun ay ang pagsampal nya sakin

napatalsik ako at patuloy sa pag-iyak, napahawak ako sa aking pisnge na para bang natamaan ng kung ano

napatingin na lang ako sa mga kamay ko na ngayon ay madugo dugo na

napasabunot ang boyfriend ko sa sarili nyang buhok, para bang baliw “Fuck! Fucking shit!” sigaw nya

napalaki ang mata ko ng mapadako ang tingin nya sa mga lagari na hindi kalayuan samin

tumayo sya ng tuwid at kinuha yun, tumingin sakin at dahan dahang naglakad

para na akong baliw na umiiling iling

'wag, pakiusap wag, wag maawa, maawa ka—

maawa kayo!'

aaahhhhhhh

umagos ang napakaraming dugo mula sa binti ko, hindi ko na kaya, pakiusap

tinuloy tuloy nya ang paghiwa sa kaliwa kong binti, sumisirit na ang dugo

hindi pa sya nakuntento at pinagpupokpok pa ang kanan kong binti

m-masakit, tumayo pa sya ng di kuntento, napadako nanaman ang tingin nya sa mga daliri ko

aaahhhhhhhhhhh, pakiusap t-tama na!

“t-tama na yan.” wala akong lakas para tignan kung sino ang nagsasalita mula sa pinto

“tama na, baka mamatay si stevena” muli.

ramdam ko ang mainit na dugo na patuloy sa pag-agos mula sa mga binti ko

nakarinig pa ko ng mga yapak, papaalis, at yung isa...papalapit

naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko

“c-coline...coline...”

pangalan ko yun, pangalan ko...tunay kong pangalan

isang tao lang ang nakakakilala kung sino ba talaga ako

si....

thoughtsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora