1

7 1 0
                                    

tik

tak

tik

tak

tik

tak—

“t-tumakbo ka na! parating na s-sya, a-andyan na, andyan na sya!!—”

                           (🚨 sirens🚨)

“a-ah sir kailan pa po ba matatapos to? kailangan ng magpahinga ng kaibigan ko oh.” rinig kong tanong ng aking kaibigan na si Bethy sa mamang pulis

“teka lang ho ma'am, may mga ilang katanungan na lang ho kami sa kanya at makakaalis na ho kayo.” sagot naman ng pulis

gusto ko ng umalis, pagod na ako.

nasa likod ako ng bukas na kotse, nakaupo at tahimik na nag mamasid sa gilid

lumapit na sakin si bethy at yung pulis, may hawak syang maliit na note at ballpen

“ah ma'am, iilan na lang ho tong itatanong ko sayo kaya't sana'y sagutin nyo ho ng tapat at maayos para matapos na ho to” masusing sambit ng pulis

tumango tango naman ako bilang pag-oo

“anong—”

“oh, uminom ka muna ng tubig sigh” ani ni bethy sabay abot ng isang basong tubig sakin

kinuha ko to at dahan dahang uminom

“sigh sa bahay ko kaya muna ikaw tumira, baka kung ano pang mangyari sayo dito e, mag-isa ka pa naman” sambit nya pa at nag cross arm sabay aandal sa lababo

umiling ako “hindi na, nakakahiya tsaka...ok...ok lang naman ako...” pagsisinungaling ko

“gaga, sinasabi ko sayo hindi ko maisip na may masamang mangyayari sayo hindi talaga mawawala sa isip ko yun kung sakali man”

“hindi na talaga beth, kaya ko naman dito” sambit ko

“ah ganon? sige, kung ayaw mo sa bahay ko edi ako muna titira dito”

sasagot pa sana ako ng bigla nyang itinaas ang palad nya, senyas na manahimik ako “nuh ah, hindi ka susuway sakin, whether you like it or not, dito muna ako”

napanguso ako dahil sa sinabi nya “sigh oo na oo na, pangsamantala lang naman hanggat nasisigurado kong maayos ka dito” dugtong nya na nag pangiti sakin

“pero grabi naman ang nangyari sa kalapit bahay mo, biruin mo yun hiniwa hiwa ang buong katawan ng mag-asawa, pati yung bata hindi pinalagpas, bali bali yung buto at tadtad ng pukpok— eghh kakakilabot” sambit nya at niyakap ang sarili

kahit ako tinayuan din ng balahibo, pumanget ang timpla ng itsura ko

naalala ko kagabi kung gano kalakas ang sigaw ng mag-asawa lalo na ng kanilang anak, narinig ko pa na pinapatakas ng ina yung bata pero sa kasamaang palad, nahuli din ng mamamatay tao

hiwalay hiwalay ang mga parte ng katawan ng mag-asawa, meron pa ngang natagpuan sa kusina kahit nasa kwarto ang lahat ng parte ng katawan nila

yung bata naman ay putol ang paa, bali bali ang mga buto kahit sa leeg, hindi na rin makilala ang kanyang mukha dahil parang pinag pupukpok sya ng martilyo sa buong katawan

nakakapanindig balahibo.

“y..oy..hoy girl! ayos ka lang ba?!” napabalik ako sa reyalidad ng yugyugin ako ni bethy

“h-h-huh? i-i'm fine”

“sorry, ang tanga ko talaga, di ko napigilan yung bibig ko, dapat inisip ko muna na nakakatrauma yun para sayo” napailing naman ako

“erm hm no, ayos lang”

napabuntong hininga na lang sya “no need to look strong girl, tayo tayo lang ang andito, magpahinga ka na lang kaya muna sa kwarto mo”

tik

tak

tik

tak

tik

tak—

“p-pls wag p-po pakiusap...no!...no! agkk t-tulong!! tulon—”

“ito na nga bang sinasabi ko e, emma...” naiiyak na tawag sakin ni bethy

“maaari kayong manahimik pero mas makabubuti na sagutin nyo ang iilan naming katanungan” sambit ng pulis

mas mabait yung kahapon kaysa sa kaharap at nag tatanong saming pulis ngayon, pero mas gusto ko na hindi na sila makita

antok na antok na ako, nanginginig at nagugutom, pagod ako, kailan ba matatapos to?

tik

tak

tik

tak

tik

tak—

“wag, w-wag tulungan n-nyo k—”

“may ilang katanungan po kaming kailangan nyong sagutin—”

“emma...emma...magpahinga ka na...sa bahay ko na lang kase—sigh magpahinga ka na lang muna...”

tik

tak

tik

tak

ti—

“t-tulong—eehm”

“...ilang katanungan...”

“emma...sa...”

tik

tak

ti—

“katanungan...anong...”

“emma...pahinga...”

tik

tak—

“tama na! tama na pls! tama na tigilan mo na to! pakiusap! ako na ang nag mamakaawa”

“bethy!”

“emma...emma tama na please? pakiusap, pakiusap, pagod na ko, pagod na pagod na ko.”

“ano bang sinasabi—”

“emma! tumigil ka na! sya po, sya po yung may kagagawan nitong lahat ng nangyayari!” sigaw ni bethy sa mga pulis na kaharap namin ngayon

lumayo sya sakin na para bang takot na takot “emma...tama na please...nakita kita...nakita ko kung pano nya patayin yung babae,” tumawa pa sya ng pagak at lumuha

“kaya pala...kaya pala ayaw mong umalis sa lugar na to, kaya pala may kung ano ano kang gamit sa bodega mo...y-yung martilyo na pinukpok sa b-bata...” ani nya at kumapit sa dulo ng damit ng isang pulis

“...andon, andon din...pakiusap tapusin nyo na ang lahat ng toh” ani nya at humagolgol na para bang sirang sira na ang buhay nya

parang na blangko ang lahat, wala akong marinig, anong kagaguhan to?

nakita ko na lang ang pag pasok ng mga pulis sa bahay at mabilisan din nilang paglabas, bitbit ang kung ano anong mga bagay... martilyo, lagari, pala, at kulay pulang mahahabang kutsilyo?

anong...

sa isang iglap ay pinadapa ako ng mga pulis, pinusasan “may karapatan kang manahimik, sa presento ka na lang magpaliwanag dahil kung ano man ang lumabas sa iyong bibig ay maaaring maging laban sayo.”

at sa ilang segundo din ay pinasok ako sa back seat ng sasakyan ng mga pulis.




thoughtsWhere stories live. Discover now