1

19 1 0
                                    

"maymay, bat ba ang tagal mo dyan sa cr? anong oras na oh" reklamo ko sa house mate kong si maymay na ngayon ay nasa loob ng cr

wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya naman sumimangot na lang ako at pumunta sa kusina

kumuha ako ng isang basong tubig at dahan dahan tong ininom

napalingon ako sa hagdan ng may marinig akong mga yapak

para akong nanigas sa kinatatayuan ng nakita ko kung sino yun

ang house mate ko, si maya.

pero imposible, nasa loob sya ng cr kani-kanina lang ha

lumingon sya sakin "oh, ano pang ginagawa mo dyan? aalis na tayo." mataray na sambit pa nito

pero tumitig lang ako sa kanya kaya lumapit ito "bat parang namumutla ka? masama ba pakiramdam mo?" alalang tanong nya

'di ko pinansin ang kanyang tanong "d-diba p-pumasok ka sa c-cr?" takot na tanong ko

kumunot naman ang noo nya "hoy te, kanina pa ko tapos mag cr, mag wa-one hour na kaya ako sa kwarto ko" sabi nya

mas lalo akong kinilabutan "e s-sino yung pumasok sa cr kani-kanina lang k-kung hindi i-ikaw?" pahina hina na masyado ang boses ko dahil sa kaba at takot na nadarama

napalingon naman sya sa pinto ng cr na hindi kalayuan samin

bukas ito ng kaunti, na kanina naman ay hindi.

lumingon ulit sya sakin at kinuha ang basong hawak ko "baka mabasag yung baso, nanginginig ka oh, ako na ang titingin sa cr kung may tao ba"

gusto ko syang pigilan pero masyado akong nanghihina ngayon dahil sa mga emosyong umiikot sa buong katawan ko

kita ko kung pano sya dahan dahang lumapit sa pinto ng cr

kinakabahan ako, ayaw ko na, anong nasa loob nun, sino yung pumasok dun kanina

'di ko alam kung may mag nanakaw bang pumasok sa cr na yun o multo pero natatakot ako, baka both.

swing

kumabog ang puso dahil sa kaba ng tuluyan na nyang mabuksan ang pinto ng cr

nakita ko ang pag luwag ng mukha nya, lumingon sya sakin "wala, walang tao."

sambit nya, para naman akong nabunotan ng tinik "gaga neto, alam pinakaba mo rin ako, tara na nga" sambit nya

sumunod na lang ako sa kanya kahit hindi parin tuluyang naaalis ang kaba sa dibdib ko

-

nakasakay na kami sa Kotse nya, nasa driver seat sya habang ako naman ay nasa passenger seat

sa segundo ng pag andar ng sasakyan ay tumingin ako sa side mirror na dapat pala ay di ko ginawa

may tao, dun sa bintana ng second floor, may nakatayo, kamukha ni maya, kamukha ni maymay!

tangina ano to?!

gusto kong mawala, gusto kong tumakas, gusto kong tumakbo.

piste, grabe ang takot ko, kaba at iba pa...

putangina! putangina!

para akong mauubusan ng hangin dahil sa sunod sunod kong paghinga

"...z...za...i! hoy gaga ayos ka lang ba?!" nabalik na lang ako sa ulirat ng marinig ang boses ni maya

napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan, malayo na kami...sa bahay...

"gago, ayos ka lang ba? kinakabahan na ko sayo girl! para kang na ano...piste ka!"

thoughtsWhere stories live. Discover now