Chapter 27: Mga Bagong Kasama Ni Sakuhako Na Sina Miu at Otano

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo na, wag mo nga akong tatawagin ng ganyan, Puwesto kana dun" sagot ni Sakutou

Habang si Otano

"Ibig sabihin, sya ang pangalawang buhay ni Lolo Sakurou? Impossible" sabi ni Otano sa kanyang isipan

Papunta si Sakuhako sa ilalim ng basket

Lumapit si Sakutou kay Otano

"Otano, makinig ka sakin kahit na anong mangyari hindi ka dapat makipag away sa kanya naiintindihan moba? Pagpatuloy mona ang ginagawa mong shooting training, Ikaw din Miu pagpatuloy mona ang basics training mo" sabi ni Sakutou

"Oo" sagot ni Otano

"Upo" sagot ni Miu

Habang si Sakuhako na naghihintay

"Hoy manyak, hanggang kailan moba ako paghihintayin dito ahh" nagwawalang si Sakuhako

"Nandyan na, wag ka ngang sumigaw" sagot ni Sakutou

Tanghali magkakasama sila sa hapagkainan

"Mabuti nman napadalaw kayo Miu, Otani" sabi ni Sakuna

"Dito na ako titira Ate Sakuna" sagot ni Otano

"Huh? Talaga? Wow! Ikaw Miu dito narin ba?" Tanong ni Sakuna

"Upo" sagot ni Miu

"Matagal ko nang kinukumbinsi si Kuya na dito na kayo tumira mabuti nman, Salamat Kuya" sabi ni Sakuna habang ngumiti lang si Sakutou

"Nagiging ibang tao sya pagdating kay Ate Sakuna ang manyak na bastos mahilig manilip sa mga babae" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan

"Hhhmmm hako masarap ba?" Tanong ni Sakuna habang kumakain sila ng tanghalian

"Ahhh oo nman hahaha" sagot ni Sakuhako

"Shanga pala, Dahil kulang tayo sa kwarto, Ikaw Otano don ka na lang matulog sa kwarto ni Kuya, si Hako at si Miu sa kwarto ko" sabi ni Sakuna

"Gggiuhhhhhh hindi nahh ayos na ako dun sa bodega, kaunting linis lang pwede na" sagot ni Sakuhako

"Hako, gusto mo bang magkasakit? Shaka ayos lang nman kay Miu diba?" Tanong ni Sakuna

"Upo" sagot ni Miu

"Anohhh hoy, kung ayos sayo sakin hindi" sagot ni Sakuhako nang biglang nakaramdam sya ng kakaibang takot

"Hako talagang magmamatigas kahh" at kumot ang noo ni Sakuna

"Ahhhh hindi nahh" takot na takot na si Sakuhako

Habang si Sakutou tahimik lang at ang kanilang ama na si Sakutobi

Habang si Otano

"Ang lalaking toh, talaga bang sya ang" sabi ni Otano sa kanyang isipan

Napalingon si Sakuhako kay Miu, nahuli nyang nakatingin sa kanya

"Gwuuhhhh" napangiwi na si Sakuhako habang seryoso lang ang mukha ni Miu

Subalit meron napansin si Sakuhako sa kanya

Kinahapunan, bumalik sa pagpapractice sila

Si Sakuhako ay tinuturuan ni Sakutou ng depensa

Si Miu nman ay patuloy sa ginagawa nyang basics

Habang si Otano ay magpapatuloy sa ilang libong jumpshot training nya

Nang kinagabihan, umuwi na si Sakuna galing sa university na pinapasukan nya

Pagod ang tatlo sa kanilang training, kaya pinaghanda sila ni Sakuna ng masarap na pagkain

Pero nang matutulog na isang malaking problema ang kinakaharap ni Sakuhako

Dala dala ang unan nya parang robot kung kumilos si Sakuhako

"Ahhk ahh ba-bakit ako dito matutulog? Nakakainis mas okey pa sana kung kami lang ni Ate Sakuna sabay matulog kasi pamangkin nya ako kaya walang malisya pero meron kaming kasama na ibang babae, kaedad kopa, ano na lang iisipin ni Zoey pagnalaman nya ang bagay na toh? Kainis" sabi nya sa kanyang isipan nang biglang bumukas ang pinto

"Guuhhh" napangiwi na si Sakuhako dahil pumasok sa kwarto si Miu

"Matutulog kana ba? Matutulog na kasi ako" sabi ni Miu derederetso si Miu sa kama at nahiga

"Ggrahhh hoy, ayos lang ba sayo na matulog dito?" Tanong ni Sakuhako

Lumingon si Miu

"Oo" sagot ni Miu

"Nahihibang kaba? Ayos lang sayo na may katabi kang lalaki" sabi ni Sakuhako

"Hindi nman masama kung hindi mo bibigyan ng malisya at wala kang gagawing masama, Kahit naman ako ayoko pero sinusunod ko lang ang sinasabi sakin nila, dahil sila ang kumupkup sakin" sagot ni Miu

"Huh?" Natigilan na si Sakuhako

Saktong pumasok narin si Sakuna

"Abahh matutulog naba kayo mga bata? Hhmm 9pm palang kung sabagay pagod nga pala kayo sa training nyo, hako humiga kana rin" sabi ni Sakuna

"Gggrahhhmmm pwede bang dito na lang ako sa sahig matulog?" Tanong ni Sakuhako

"Ano? Malamig dyan at wala rin ako ditong extrang kumot, kaya dito ka sa kama matulog" sagot ni Sakuna

"Ayoko" sagot ni Sakuhako

"Ano? Teka wag mong sabihin naiilang ka kay Miu? Mga batang toh ay oh sige dito ako matutulog sa gitna, dito kana hako" sabi ni Sakuna

"Ano bang batang sinasabi mo Ate Sakuna, matanda na kami hindi na kami bata" sagot ni Sakuhako

"Tama nang panenermon, halika na alam kong pagod ka kaya matulog kana" sagot ni Sakuna

Unti unting lumapit si Sakuhako, nang biglang inakbayan sabay tulak sa kanya ni Sakuna

"Ahhhkk" napasigaw na si Sakuhako at sumubsub sya sa isang bagay na malambot na di nya alam kung ano pagmulat ng mata nya

"Ahhhhhhh" sigaw nya ng malakas dahil nasa pusod sya tyan ni Miu habang si Miu gulat na gulat

Agad na umalis si Sakuhako habang si Miu tumalikod namula ang mukha

"Ano bang ginagawa mo Ate Sakuna" nagwawala na sigaw ni Sakuhako sa subrang takot at hiya na nararamdaman nya

"Ahahahaha ano kaba, normal lang na magkulitan bago matulog, Matulog na nga kayo, maaga pa kayo bukas, maaga din ako bukas aalis" sabi ni Sakuna

Humiga na si Sakuhako sa kaliwa ni Sakuna habang si Miu sa kanan ni Sakuna

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon