Chapter 19

515 20 1
                                    

HINDI AKO MANHID para hindi maramdaman na iba ang pakikitungo sa akin ni Miss Talia, naiba siya kapag ako ang kaharap niya. Yung mata niya na laging malambot na nakatingin sa akin. Tapos yung mga ngiti pa niya. Masyadong halata eh.

O baka assuming lang ako?

Ewan.

Alas dos na ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog. Kanina ko pa iniisip ang mga galaw ni Miss. May pag kakataon din kasi na napakapamilyar ng galaw at salita niya. Alam ko kung kanino ko siya nakikita pero 'di ko nalang binibigyan ng pansin.

Alam ko sa sarili ko na may pagtingin din ako sa kanya ngunit alam ko rin na hindi pa ito gaano kalalim.

Wala na ba akong nararamdaman sa kaniya?  Sa taong dati kong minahal?

Simula noong huli naming paguusap na dalawa ay wala na akong ibang nagustuhan pa na iba, mapa lalaki man o babae kahit ilang taon na ang lumipas. Ngayon lang talaga ako ulit nakaramdam ng ganito.

Hindi pa ako aamin kay Miss dahil, una, propesora ko siya, pangalawa alam ko na hindi pa malalim ang nararamdaman ko para sa kanya, baka makalipas lang ang ilang lingo mawala na ito. Ayaw ko naman na umamin tapos parang iiwan ko pa siya ere dahil baka makalipas lang ang ilang linggo mawawala na yung nararamdaman ko.

Hindi naman ako gano'on, aamin lang ako kapag sigurado na ako sa nararamdaman ko. Ayaw ko makasakit ng iba. Tsaka, mahirap kaya umamin. Baka habang kausap ko siya ay mag kanda utal-utal ako sa harapan niya.

Tumingin ako sa kisame at bumuntong hininga. Isa pa, hindi din naman ako sigurado kung may gusto ba siya sa'kin, yung mga ginagawa niya ay 'yon ang sinasabi ngunit hindi naman niya sinasabi pa salita. Baka pag sinabi ko sa kanya na sa tingin ko ay may gusto siya sa akin matawag pa ako na assuming.

Pero sino naman kasi ang hindi? Ikaw kaya makaramdam nung mga pinag gagawa niya hindi ka kaya mag a-assume.

Ipag luto ka, sayo lang nangiti ng matamis, iba yung titig, yung mga salita niya na matamis, yung mga kilos niya, baka naman tama talaga yung hinala ko? Pero baka naman assuming lang talaga ako? Sa ganda na 'yon ni Miss, wala sa itsura niya ang mag kakagusto sa kapwa babae. Pero pwede din naman na nag kakagusto siya tapos hindi lang talaga halata kasi hindi niya pinapahalata.

Ah, bahala na nga.

Ayaw ko na, hindi na ako mag iisip.

Pero may roon talagang bagay na hindi maalis sanisipan ko, bakit parang matagal ko na siyang kilala? Pakiramdam ko matagal na pero ang isip ko hindi.

Ewan, naguhuluhan ako.

Basta walang aamin.

Maliban kung siya yung aamin.

Assuming talaga.

KATULONG AKO SA pag hahanda para sa maskquerade na gaganapin sa isang lingo. Sa bilis ng panahon sa isang lingo na agad yung mask party na gaganapin para ipag-diwang ang foundation day nitong eskwelahan namin.

Hindi ko alam kung bakit isa ako sa mga katulong dito para mag ayos, nasa gitna kasi nang pag tuturo no'n si Miss Talia nang biglang may kumatok sa pintuan para i-excuse kami dahil kasama daw kami sa mga tutulong dito sa pag aayos ng venue. Pero ayos lang, madami namang katulong kaya mapapabilis ang pag aayos.

Medyo madami din na professor ang katulong namin sa pag aayos, kasama na sina Miss Talia at Professor Winston. Pati pala yung kambal ay kasama namin sa pag aayos, si Sylvia lang ang hindi.

Ito na yung pangalawang araw namin sa pag aayos at napansin ko na hindi naman pala magkagalit si Miss Talia at Xhe, talagang madalas lang silang nag aasaran, para pa nga silang mga kapatid na inaasar ang isat-isa.

Serendipity Where stories live. Discover now