Chapter 2

1.4K 55 20
                                    

NANATILING tahimik ang klase, walang sinuman ang nag salita, walang gumawa ng  kahit anong ingay. Nanatiling naka titig lang ako sa kanya hangang sa nag-salita na siya.

"I'll be your new professor  for this subject and I want you to call me Miss Guevera or professor Guevara only. I don't want to hear you call me other names. Also, I dont entertain personal questions, are we clear?" Saad niya sa kanyang malamig at ma awtoridad na boses.

"Yes ma'am" Sabay sabay naming sagot bago umupo ng senyasan niya kami gamit ang kanyang kamay. May isang nag-taas ng kamay kaya naman na baling ang atensyon ni ma'am sa kanya.

"Yes?"

"Professor Guivera, nasaan po si Sir Alaras? Bakit po hindi na s 'ya yung mag-tuturo sa subject na 'to?" Tanong ni Jenny, class president namin. Oo nga, ano kaya ang nangyari? Bakit bigla na lang nag palit ng subject-teacher?

"Sad to say but your professor Alaras is in the Hospital due to heart attack. And the dean decided that I should be the one who'll replace him" Kaya pala, parang na gi-guilty tulog ako na naging masaya ako kanina na nag bago ang subject-teacher namin. Kawawa naman pala si Sir.

Sana ma-discharge na siya agad.

Inilibot ni ma'am ang paningin niya sa buong silid hangang sa matagpuan nito ang aking mga mata, tinignan nya ako ng may katagalan bago nag-iwas.

Bakit parang may kakaiba sa mga tingin nya? Parang may-something na hindi ko maipaliwanag.

Namamalik mata lang siguro ako.

"Now, get a one-fourt index card, then write your name, age, and hobies" Agad ko naman agad kinuha ang index card ko sa bag matapos niya iyon sabihin, ngunit bago pa man ako maka pag sulat ay may kumalwit sa 'kin

"Thyra, pahingi ng isa, naiwan ko lang yung akin" Mahinang bulong sa akin ni Yvette kaya naman nag-angat ako ng tingin---halos mag dikit na ang mga muka namin, kung titingnan sa ibang angulo para kaming may ibang ginagawa.

"Sandal---" Bago ko paman matapos ang aking sasabihin ay hindi ko maiwasang magulat nang may narinig akong bumagsak mula sa harapan.

Ano yon? Bakit parang galit?

Itinulak ko ng mahina si Yvette at tumingin sa harapan---ang sama ng tingin ni Ma'am Guevera sa amin--- s'akin? Anong kasalanan ko? Wala naman akong ginagawa ah.

"If you want to flirt, then get out of my class" Malamig niyanag bigkas habang ng pag-tingin niya sa amin ng malamig at may pag-kairita? Luh, bakit galit? Teka sa 'kin ba siya galit? Anong kasalanan ko? Nanahimik nga ako dito.

Hindi ko na lang ito pinansin at kumuha ng isa pang index card para kay Yvette.

"Beh, kami din" Bago ko pa man mai-abot yung index card kay Yvette ay tinapik naman ako ni Cris. Kumuha din naman kaagad ako para maibigay ko na kaagad sa kanila dahil baka pag nag pabagal-bagal pa eh mainip pa si ma'am, muka pa namang masungit.

Ang sabi ko kanina sana 'wag masungit tapos ngayon yung nasa harapan namin ay may pagka-masungit. Hays.

Isinulat ko ang pangalan ko. Ano kaya ang isusulat ko sa hobies? Ang ginagawa ko lang naman pag may free time ako eh ang mag basa at tumugtog ng piano, o kaya naman ay yung sport na nilalaro ko nung high school. Tama, 'yun na lang ang ilalagay ko.

Nang matapos ang kahat ay ipinapasa na niya ang kahat ng index card sa amin.

"I'll call you one-by-one, procede infront and introduce your self if you hear your name" Saad ni professor Guivera habang binabalasa ang papel. Nag-simula na siyang mag-tawag ng mga pangalan upang mag pakilala sa harap ng klase hangang sa isang pirasong index card na lang ang hawak niya. Alam kong ako na yon dahil ako na lang naman ang hindi pa natatawag sa aming lahat. Kanina pa tapos mag pakilala sina Cris.

"Thyra Victoria Alarie" Nedyo mabagal niyang bigkas sabay tingin sa direksyon ko at tiningnan ako ng mariin. Nakakapang hina ang titig nya. Para ka kasing kakainin ng buhay dahil sa mga tingin niya.

Sandali, bakit parang kilala na ako ni ma'am? Alam niya na kaagad kung saan ti-tingin nung tinawag nya ang panganlan ko. Na pa-kunot noo ako sa naisip. Nagka-taon lang siguro na tumingin sa direksyon ko. Tama, nag ka taon lang. Pumunta na ako sa harapan at huminga muna nang malalim bago nag simulang ipakilala ang aking sarili.

"Good day everyone, My name is Thyra Victoria Alarie, you can call me Thyra. I am nineteen years old. And my hobies are playing piano and reading books, specially romance" At puro ka baklaan lang binabasa ko. Hehe.

"Nice to meet you po. And welcome to our university ma'am" Saad ko habang diretsong nakantingin kay ma'am kaya naman napansin ko na nakitingin sa 'kin si ma'am na nay roong hindi maipaliwanang na emosyon sa kanyang asul na mga mata.

Tumango lang si ma'am habang nakatingin saakin ng kakaiba bago ako sinenyasan na umupo.

"Since it's my first time teaching this class, I will not discuss for now, but do an advance reading for the next lesson. Class dismissed" Nag hiyawan naman ang mga kaklase ko, sayang saya eh, dalawang oras din kasi ang klase namin dapat pero dahil sa sinabi ni Ma'am free time namin ngayon. Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bag

"Tara sa cafeteria, 'don na tayo tumamabay" Napatingin naman ako kay Mari dahil sa sinabi niya. Hmm, total gutom narin naman ako dahil hindi ako na kapag agahan, sasama na lang din ako kahit na lagi akong nasa Library pag-walang ginagawa.

"Sige, tara n---"

"Miss Alarie, help me carry my things into my office" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may isang malamig na tinig ang tumawag sa 'kin.

"Sige po" Pag katapos kong sabihin yon ay na una na syang lumabas ng room kaya naman ay dali-dali kong kinuha ang mga gamit nya at hinabol siya. Ang bilis naman mag-lakad, ang tangkad kasi. Hangang dibdib nga lang ako ni ma'am.

Sana all matangkad, ako kasi hindi.

Pumasok siya sa elevator at malapit na itong mag-sara kaya naman binilisan ko lalo ang pag-lalakad. Buti na lang hindi ako nasarahan.

Ano bayan, hindi man lang pinigilan mag-sara ang elevator.

"It's not my fault that you walk like a snail." Nagitla ako ng biglang magsalita si miss sa malamig niyang tinig. Hala, nasabi ko pala ng malakas. Sa isip lang dapat yon eh.

"It's your fault because...." Pa bitin pa si miss eh. Pero ano? Kasalanan ko? ako pa pala may kasalanan. Ako nanaman.

"You're short"

Hindi ko maiwasang mapatulala sa sinabi ni miss. G-grabe naman siya.  Pag-katapos niyang sabihin 'yon ay ang saktong pag-bukas ng elevator kaya lumabas na siya habang ako naiwang nakatulala dahil sa nangyari.

A-ako? Maliit? Ang sama. Bakit lagi na lang na-dadamay ang height ko? Kasalanan ko bang maliit ako?

Lumabas na ako ng elevator habang naka simangot ng malapit na siyang mawala sa paningin ko. Binilisan ko ang pag-lakad upang hindi na siya mawala sa paningin ko. Hindi ko pa naman alam kung saan ang office niya.

Halos tumakbo na nga ako eh.

Nakita ko si ma'am na pumasok sa isang silid na sa tingin ko ay ang kanyang opisina. Binilisan ko na lalo ang pag-lalakad at nang nasa tapat na ako ng pintuaan ay kumatok ako habang hinihingal.

Ikaw ba naman mag-lakad ng mabilis hindi kaba naman hihingalin.

Binuksan na ni Ma'am ang pintuan at nilakihan ito upang ako ay makapasok.

"Ma'am, saan ko po ito ilalagay?"

"Just put it on my table" Sinunod ko naman ang sinabi ni ma'am at iniligay ang mga gamit nya sa isang glass table na may nakapatong na vase na may lamang ilang pirasong bulaklak na gawa sa yarn na kulay pink. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kanyang opisina. Mahahalata mo na malinis na tao at gusto ni ma'am nang organize ang mga gamit. Kulay puti at itim din ang kulay ng kanyang opisina. Kagaya ng kwarto ko.

"Ma'am, una na po ako" Nag-paalam na ako dahil kanina pa talaga ako gutom. Hindi na kasi ako nakapag agahan kanina. Nasa tapat na ako ng pinto upang umalis ng narinig ko ang sinabi niya na nakapag pagulat sa 'kin dahil bakit niya naman kasi sinabi ang bagay na iyon?

"Stay, Let's have a breakfast together"

Serendipity Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin