Chapter 10

918 40 15
                                    

Warning: This story contains scenes of violence and explicit language. Reader discretion is advised. If you are sensitive to such content, please proceed with caution. READ AT YOUR OWN RISK.

(You can stop when you see the UNKNOWN if you can't handle violence ) ^ ^
_____

NAGLALAKAD ako ngayon paalis sa opisina ni miss, katatapos lamang namin kumain nag paalam ako dahil kita ko na madaming mga papeles ang nasa lamesa niya kaya naman ay alam ko na madami pa siyang gagawin.

Kasalukuyan akong nag lalakad ng may makabunguan ako. Napaupo ako dahil sa lakas ng impact. Sapo-salo ko ang aking pang-upo bago dahan dahang nag angat ng tingin.

Teka, siya yun! Isa siya sa nang insulto sa akin noong try out. Yung blond yung buhok. Naka tingin siya saakin habang naka ngisi at nakataas ang kilay. Napansin ko na kasama niya rin pala yung brow ang nata na isa rin sa nang insulto sa akin.

Yung babaeng brown ay nakatngin naman sa akin ng masama na tila ba ang laki ng kasalanan na ginawa ko. Bakit ang sama niya maka tingin?

"Oh, it's you pala. Hello loser"

Ha?

Loser? Sila nga yung natalo ko noong try out tapos ako pa yung looser?

Tumayo ako kahit na medyo masakit ang pang upo ko dahil sa pagkaka salampak ko sa sahig. Napansin ko na nakatingin saamin yung ibang nga estudyante na nag lalakad sa corridor.

"'Sinasabi mo?" Naka kunot-noo kong saad.

"Kayo nga yung natal---"

Ramdam ko ang pamumula at hapdi ng aking pisngi ng dumapo sa pisngi ko ang magaspang at mabigat na palad noong babaeng brown ang buhok na dahilan ng pagkaputol ang aking sasabihin.

Ano bang problema nila?

Sappo-sapo ko ang aking pisngi at hindi maiwasang mapa ngiwi ng malasahan ko ang dugo ko. May suot kasi siyang singsing na tumama sa may labi ko kaya naman ay nag dugo ito.

"Shut up!" Nangangalating sigaw nito sa akin. Sa kanilang dalawa ay ewan ko kung bakit siya pa yung mas galit. Eh, hindi naman siya ang naguna noon na insultuhin ako. Tsaka, wala naman akong ginagawa. Siguro nagalit dahil sa pag sagot ko, pero totoo lang naman ang mga sinasabi ko.

"Ayaw k---"

*Pak!*

Sinampal nanaman ako sa kabila naman. Ano 'to pang blush on?

Hah, ano ba 'tong inisip ko, nasampal na nga ako mung ano ano pa ang nasagi sa utak ko.

Sinusubukan ko kasing 'wag mag pa apekto sa kanila. Maganda ang mood ko ayaw ko na masira lang ng dahil sa dalawang babaeng ito.

Nang dahil sa sampal ay napabaling sa kaliwa ang aking ulo. Masakit yun ah. Humarap ako sa kanila at nakita na sasampalin nanaman ako. Pumikit na lang ako dahil ano bang magagawa ko? Sa liit kong ito kahit subukan kong umiwas o hilahin ang buhok nila habang nakatiad ay hindi parin abot. Ang tatangkad kasi, ang haba pa ng braso.

Ilang sandali ang lumipas ng wala akong maramdaman na dumapo sa aking pisngi. Unti-unti akong nag mulat ng mata at nakita na may isang kamay ang pumigil sa kamay na dapat ay dadapo sa muka ko.

Nang lingunin ko ito upang malaman kung sino ang lumigil ay nahigit ko ang aking hininga ng tumambad sa akin ang madilim na muka ni miss.

"Don't you fucking dare" Malamig at makamandag na saad ni miss habang masama na parang papatay kung makatingin ang mata. Umigting ang panga niya dahil sa galit. Kitang kita 'yon sa asul niyang mga mata.

Serendipity Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang