Kung noon man ay lagi itong habol ng habol sa knights ngayon naman ay para nalang silang hangin para sa kanya. I witnessed the way she gave an disgusting looked to them kaya laging nadadagdagan ang paghanga ko sa kanya.

“don't stare at her” malamig na turan ni Hades sa akin, tumingin ako sa kanya habang nakangisi.

“why not? Hindi mo naman siya pagmamay-ari para pagbawalan akong titigan siya” sabi ko rin dito na nang-aasar. Kung makapag-utos akala mo naman inaangkin niya si Trix.

“its not but jfksladnd” hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil ibinulong na lamang niya iyon.

(“its not but soon” iyan po ang ibig sabihin ni Hades😅)

“if you ready then we will begin in 3, 2, 1 fight” pagkatapos niyang sabihin iyon ng instructor namin ay tumingin ako ng seryoso sa kanya at ganun din siya sa akin.

“hindi sa nanghihimasok ako ha, when did the time you care for her? Hindi ba't ang laki ng galit mo sa kanya dahil lagi niyang sinasaktan ang babaeng mahal mo ” sabi ko rito pero tinitigan lang niya ako ng malamig. But I know deep inside nanggagaliiti na itong patumbahin ako. Ganyan nga Hades ilabas mo ang demonyong nakakubli sa iyong katawan.

“is none your f*cking business” sabi nito sa akin at saka siya sumugod sa akin. Mukhang mahihirapan akong patumbahin ang isang ito ah.

Todo ilad lang ako dahil ang lakas ng pwersang binibigay niya sa bawat suntok na pinapakawalan niya sa akin baka kapag natamaan ako sigurado akong masakit iyon.

Tumingin ako sa kanya at wala man lang akong makita na kahit anong emosyon sa mga mata niya. Ang emotionless naman ng taong ito. Napaatras ako ng bahagya dahil natamaan niya ang sikmura ko. Ngumisi ito sa akin at sumugod ulit sa akin. Nagpalitan kami ng suntok at sipa. Mabuti nalang at nakailad ako ng patamaan nung bigla siyang sumipa malapit sa leeg ko.

Habang nagpapalitan kami ng suntok at sipa ay may nakita akong butas para matamaan siya, yumuko ako at sinuntok ang sikmura niya kaya napatigil siya at napatingin sa akin.

I grab that opportunity para patamaan siya, I was to give him a strong kick pero inunahan niya ako gamit ang kamay niya, nahawakan niya ang paa ko at sinipa niya ang mukha ko kaya napatumba ako.

Napahawak ako sa tinamaan niya, aaminin kong masakit iyon dahil nahilo pa ako sa ginawa niyang pag-sipa. Hindi pa man ako nakakabawi sa pag-sipa niya ay aapakan niya sana ako kaso nakailad ako sa gagawin niya. Napatayo ako bigla at susuntukin ko siya pero nahawakan niya lang ang kamao ko, pinilipit niya ito patalikod saka niya sinipa ang likod ng tuhod ko kaya napaluhod ako sa ginawa niya. Impit akong napasigaw dahil sa ginawa niya.

“just surrender, moron” sabi niya sa akin pero hindi ako sumuko, I tried to stand pero masyado siyang malakas kaya napaluhod ulit ako. Puta saan ba ito kumukuha ng lakas at hindi ako makatayo ng tama.

Tinanggal niya ang paghawak sa kamay ko at nakita ko ng nasa harapan ko siya at binigyan niya ako ng 360 degree kick kaya napahiga ako at nakatulog.

Achlys/Avery POV

Maganda ang laban na pinapakita nilang dalawa kaso ngalang si Elijah isang beses niya lang natamaan si Hades, he give him a 360 degree kick kaya napahiga at nakatulog si Elijah sa ginawa niya.

Agad naman tumayo si Dianne sa tabi ko at pinuntahan niya si Elijah, kailan pa naging malapit si Dianne kay Elijah? Kung makita ko sila parang aso't pusa na nag-aaway kapag nasa harapan ko sila. I smell something fishy ha.

“okay next Avery and” putol pa nitong sabi sa amin, makikita mo ang excitement sa mga mata nila kung sino sa knights ang makakalaban ko.

“Hermes” tuloy nito sa naputol niyang sasabihin. Naghiyawan naman ang knights at tumingin sa akin ng nakakaloko si Hermes. Tignan lang natin kung makatingin ka pa sa akin ng ganyan kapag binura ko na yan sa mukha mo.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now