Chapter 12

352 20 2
                                    

Achlys/Avery POV

Andito na kami sa aming room habang ako ay malalim pa rin ang iniisip. Naninibago talaga ako sa mga kinikilos ni Hades ngayon. Hindi siya humahawak ng ibang babae maliban sa kapatid, sa mama niya at kay Angela. Hindi rin niya ugali ang maging maingat sa taong alam niyang kinamumuihan niya.

I released a deep sigh, binigyan na naman ako ni Hades ng problema. Hindi ko pa nga alam kung sino sino ang mga taong gustong mawala ako sa mundong ito tapos dadagdagan na naman niya ng panibagong problema.

"lalim naman ata ng iniisip mo ah, baka malunod na ako niyan" tumingin ako kay Dianne dahil sa sinabi niya sa akin.

"bakit sumisid ka ba?" taas kong kilay na sabi rito pero napakamot na lamang siya sa kanyang batok.

"pabayaan mo na sila at saka nakakakilig kaya ang ginawa ni kuya Hades sayo kanina" tsk, mukha siyang tanga habang kinikilig. Kung siya kinikilig ako naman kinikilabutan baka mamaya ginagawa niya lang iyon para makuha niya loob ko tapos may balak siyang masama sa akin at sasaksakin ako patalikod. Geez nakakatakot parang gusto ko nalang magtago sa loob ng palda ng nanay ko. Pero parang wala naman sa mukha ni Hades na gagawa ng masama.

'di mo sure miss Avery' sabi ng utak ko sa akin, sabagay ang mga taong tahimik ay sila pa ang maraming tinatagong sekreto sa katawan. From now on, I will do everything to avoid them at all cost na kahit si kamatayan na ang kaharap ko basta maiwasan ko lang ang mga ito.

"Trix, okay ka lang ba?" bulong sa akin ni Dianne, hindi ko na napansin na mayroon na palang instructor na nagtuturo sa harapan namin ngayon. Mukha na ba talaga akong lutang sa iniisip ko para hindi ko mapansin iyon.

"i am okay" pagkasabi ko iyon sa kanya ay bumalik na ito sa pakikinig at ganun din ako kahit hindi ko naiintindihan ang tinuturo ng instructor namin. Focus Avery, this is not the right time to overthink. Pinikit ko muna ang aking mata to clear my mind at ng alam ko ng okay na ito ay aking binuksan at nakinig na sa instructor namin.

"okay class, dismissed" hindi ko namalayan na tapos na pala ang second subject namin at break time na namin. Kinuha ko ang notebook ko na hindi naman nagalaw at walang sulat dahil sa dakilang lutang ako kahit klinaro ko na ito.

"sabay na tayong kakain Trix" sabi sa akin ni Dianne pero umiling lang ako rito dahil pupuntahan ko ngayon si kidlat at si Yuki.

"next time nalang, I am going somewhere" seryosong saad ko rito at nagmamadali akong lumabas. Ramdam ko pa kung paano ako sundan ng tingin ng knights at ng mga kasama ni ahas girl. Hindi ka na lamang sila binigyan ng pansin dahil talagang nagmamadali ako.

Lakad, takbo iyan ang ginagawa ko hanggang nakarating ako sa paradise. Kanina pa pala ako hinihintay ni kidlat na dumating kaya napaupo ako sa harapan niya.

"may ebidensya ka na ba kung sino ang may gawa nun?" tumango naman siya sa akin.

"meron pero hindi pa ganoong kasigurado" tumango naman ako rito na kahit maliit na ebidensya lang ay pwede ng maging clue para malaman kung sino ang may kakagawan nun.

Pinakita niya sa akin ang isang larawan. Tinignan ko ito at larawan ng isang tattoo. May pinagcross na dalawang espada at may nakapulupot na ahas sa gitna nito. The tattoo it's look familiar to me pero hindi ko lang alam kung saan banda ko ito nakita.

"i think that tattoo is their symbol" tama siya, mukha ngang simbolo nila ito meaning may grupong nagmamanman malapit lang dito sa school na ito.

"pero ano ang pakay nila?" tanong ko rito pero nagkibit balikat lamang siya sa akin.

"i don't know" iyan lamang ang sinabi sa akin ni kidlat habang nakatingin sa malayo.

"i think this group is not easily to found kaya kailangan nating makakuha ng mas maraming clue tungkol sa simbolong ito para matukoy na natin kung sino ang mga ito" tumango naman ito sa akin.

Extra Character in a Novel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon