Give Me Your Forever

81 4 0
                                    

Author's Note: Happy 40k reads to JWA, lovely peoples! Thank you for all the support and love!!! Hope you enjoy this one. 🥰

💍 💍 💍

(Timeline: Few days after finding out Ava was pregnant)

Ava's POV

"Paano natin sasabihin sa mga friends natin ito?" tanong ko.

We just found out that we're pregnant with our first child. Ang overwhelming pala sa pakiramdam. Literal na life-changing moment! Natakot ako noong una kasi kahit naman alam kong mahal ako ni Ryann, syempre ibang usapan naman na ang pagpapamilya. Hindi ko naman siya pine-pressure pero deep inside, napapaisip din ako kung kailan ba siya luluhod at magtatanong. So far, ibang luhod pa lang ang ginagawa niya.

Sa ngayon, okay na sa akin iyong assurance niya na hindi niya ako iiwan sa pagbubuntis kong ito at na magkasama kaming bubuo ng pamilya. Maloko lang iyon pero responsable naman siyang tao.

"Let's keep this to ourselves first. You know. . . savor the moment," Ryann said.

I agree. It's still too early to tell. Besides, balak namin na magpa-check-up muna para sigurado. I mean, hindi naman kaduda-duda iyong tatlong pregnancy test kits na ginamit namin pero mabuti na iyong sure na sure.

"Okay."

No one knew in the office that I was with a child. Kahit sa tropa ko, hindi ko pa sinasabi gaya ng plano namin. Kaya tuloy kung anu-anong rason na ang sinasabi ko sa kanila para hindi ako mag-OT. Nahihiya na rin ako minsan kasi hindi ko sila masamahan lalo pa at busy season ng firm ngayon. Sinabihan ako ni Ryann na onda na akong uuwi simula ngayon kasi hindi na p'wedeng mapuyat at ma-stress masyado. Kaya naman kapag siya ang bisor ko sa isang engagement, halata kong binabawasan niya ang workload ko kahit na ayaw ko kasi parang unfair sa team.

Since I am on the onset of my pregnancy—my OB also informed me that the first trimester's really the hardest and the most sensitive—I felt all the weird things pregnant women experience. Struggle ko lagi tuwing umaga ay naduduwal ako at nahihilo tapos sa maghapon naman ay madalas akong inaantok. Kung hindi pa ako ginigising ni Camille tuwing lunch break ay baka napasobra na ako sa tulog.

Gusto ko nang magtanong sa mga kaibigan namin kung paano ang experience nila pero isang linggo palang ang nakakalipas! May tatlong linggo pa naming ililihim si baby!

"Are you craving for something?" Ryann asked, standing in the middle of my—our—living room with an apron. I already declared conjugal on our properties kasi feeling ko naman doon din naman ito pupunta.

Nakaupo lang ako sa couch namin habang nakapatong ang mga paa sa center table at nanonood sa Netflix. Siya iyong magluluto ng hapunan namin. Well, lagi naman siya iyong nagluluto para sa amin and in fairness naman, masarap siyang magluto. Suwerte rin talaga ako sa isang ito. Masarap na magluto, masarap pa! Chos!

"Wala pa namang ibang hanap si baby. . ." sabi ko.

"Okay. Finish your smoothie," aniya sabay turo sa baso ng smoothie na nangangalahati pa lang. Kung anu-ano iyong pinapainom niya sa akin ngayong buntis ako! Hindi ko mawari kung anong mga prutas at gulay ang pinaghalo niya sa inumin na ito. Minsan masarap, madalas hindi ko maintindihan ang lasa. Tinitiis ko na lang para may sustansya si baby.

Hindi ko alam kung may napapansin na ang magaling kong bestfriend. Madalas niya akong binibigyan ng bombastic side-eye sa tuwing napapahalata ko ang pagiging buntis ko.

"Bakit?" pa-inosente kong tanong sa kaniya.

Nakakunot ang noo niya at nakatitig lang sa akin. "Wala. . ." iling niya kahit na binibigyan niya pa rin ako ng wirdong mga tingin pati iyong bote ng vegetable smoothie na gawa ni Ryann.

Snippets and Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon