Uninhibited

173 3 0
                                    

Author's Note: Just because. I missed this duo so much!!! 😍

Enjoy~

Slightly Rated Shhhh 🤫

👠👠👠

(Timeline: A month after getting married)

Marian's POV

"What are you gonna wear, baby?" tanong ni Archi habang nag-aayos kami para sa isang gala na pupuntahan namin. Isang sikat na magazine company ang nag-invite. Si Archi lang talaga ang invited pero dahil kasal na kami ay ako raw ang plus one niya.

"Itong padala ni Eli," sabi ko. Si Eli ang fashion stylist ng pamilya at tuwing may events ay pinadadalhan niya na lang kami ng ready-to-wear na mga damit dahil alam na niya ang measurements namin.

Hindi ko pa nabubuksan ang kahon kaya hindi ko pa alam ang itsura niyon.

"Open it na. I wanna see what you'll wear," Archi beamed. Natawa ako nang mahina kasi halatang excited siya.

Binuksan ko ang kahon. Unang bumungad ang mint green na parang parchment paper. Mabango ang loob kaya alam kong mamahalin at maganda ito. Silk mint green ang kulay ng gown at ang ganda nga niya. Kinuha ko iyon para alisin sa box at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi pala siya long gown. Isa itong maigsing dress na medyo mahaba ang likuran at may malaking ribbon sa likod. Tube rin ang estilo nito.

Napalunok ako habang pinasasadahan ng tingin ang kabuoan kasi halatang maigsi siya sa akin.

"Wow," rinig ko kong komento ng asawa ko.

"Fuck, I can't wait to see you wear it." May mapaglarong ngisi sa mukha ng asawa ko at bahagyang uminit ang pisngi at leeg ko sa paraan ng pagtingin niya. May halong lagkit kasi iyon.

Tiningnan ko pa ang laman ng box at wala na iyong laman. Ang ibang malilit na kahon ay para sa accessories, bag, at sapatos. Kumpleto laging magpadala si Eli kasi alam niyang wala akong talento sa pag-aayos. Nito ko na lang natutunang mag-make up ng sarili dahil maraming pinupuntahan ang Ongpauco family na events kaya wala akong choice.

"Wait. I have to give you something," aniya bago umalis saglit at may kinuhang paperbag.

Bumalik siya at nakangiti nang nakakaloko. Alam ko ang mga ngiting iyon.

"Ano 'to?" bahagyang nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya habang tinatanggap ang iniaabot niya.

"See for yourself," he replied, smirking.

Kinuha ko ang laman ng purple paper bag. Halos mabitawan ko iyon nang makitang isang pares iyon ng lace underwear. At ang estilo niyon ay bagay sa mga. . . honeymooners.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya nang makita ang reaksyon ko kaya hinampas ko siya agad ng paperbag.

"Aw, baby! Why?"

"Bakit ito? Sa'n mo nabili ito?"

"On our way home from Greece! I saw it and thought of you. I bet you'll look smokin' hot there."

Namula ako sa sinabi ng asawa ko. Kakauwi lang namin mula sa Greece noong isang linggo. Two weeks kami roon para sa honeymoon namin.

"Tapos na ang honeymoon!" sambit kong nahihiya. Hindi humuhupa ang init ng mukha ko kasi biglang pumasok sa isip ko ang nakaraang dalawang linggo namin sa Greece. It was. . . mind-blowing. Hindi ko alam kung paano ko kinaya iyon.

Archi bit his lips, then touched mine. "You're thinking of it," he stated, looking smug.

"Hindi kasi!" depensa ko pero alam kong talo na ako. Tama naman kasi siya.

Snippets and Special ChaptersWhere stories live. Discover now