Love at First ____

173 3 0
                                    

Author's Note: Happy 60k reads for TTWII!!! This was long overdue, eym so sorry po. 😊 This story will always hold a special place in my heart because I started writing this right after I resigned from the firm HAHAHA. I can still remember those moments where I'll write and update in the wee hours of the morning 'coz sira ang body clock ko LOL (gano'n talaga kapag walang trabaho emz). Anws, hope you enjoy this special chapter~ 🥳

🎒 🎒 🎒

(Timeline: Third year in college)

Juan Javier's POV

"Tagal naman ni Dave, erp," sabi ko kay Ryann. Finals namin ngayon at kaming dalawa pa lang ang tapos.

Sabay-sabay ang Finals sa ASU at napag-usapan naming magbabarkada na rito sa likod sa may university garden kami magkita-kita kapag tapos na kami. Iinom kasi kami mamaya para mag-celebrate. Pagkatapos na kasi nito ay senior year na namin, kahit na si Red pa lang ang sure na ga-graduate next year dahil siya lang iyong may apat na taon na course.

Nakatambay lang kaming dalawa ni Ryann at nagse-cellphone nang dumating si manager. Manager ang tawag namin kay JP kasi siya iyong accountant sa amin. Halos siya lagi ang nag-aayos ng finances ng barkada, minsan nga ay ultimo legal things na kailangan namin. Siya rin madalas ang taga-alaga sa 'ming mga lasing kaya deserve na deserve niya ang titulong iyon. HAHA!

"Manager!" bati ko saka nginitian siya. "Kumusta ang exams mo?"

Umakto siyang natatawa at parang zombie kung maglakad. "'Di ko alam. Wala na akong maramdaman. Ayaw ata akong pa-graduate-in ng mga prof ko."

Tinapik ko siya sa balikat noong umupo siya sa gitna namin.

"Okay lang 'yan. Saka ikaw pa ba? Lodicakes kaya kita," pag-alo ko. Lagi siyang nagrereklamo na sobrang hirap ng Accountancy. Alam at ramdam ko naman. Wala namang madaling course. Sadyang iyong pinakamahihirap lang talaga ang pinili namin. Hindi rin namin alam kung bakit.

Natawa lang siya.

Nakaupo lang kaming tatlo nang may makita ako.

"Gagi, ganda no'n, erp," bulong ko kay JP habang nakatingin doon sa babaeng naglalakad hindi kalayuan sa amin. Naka-uniform siya ng university namin. Gray slacks saka white polo na may logo ng ASU. May dala itong itim na handbag at nakasuot ng stiletto ba iyon?

Nakalugay ang medyo brown niyang buhok at may kaunting make-up. May katangkaran rin siya.

"Saan?" hinanap niya kung saan ako nakatingin.

Inginuso ko naman ang direksyon niya.

"Shet, crush ko na yata."

Mukhang narinig iyon ni Ryann dahil pumalatak siya. Tumingin ako sa kaniya.

"Kilala mo, boy?"

Tumango siya. "Gwen ata pangalan," aniya saka nagkibit-balikat.

Hindi na ako nagtatakha na kilala niya kasi medyo kilala naman talaga si Ryann. Dami rin kasing chicks sa iba't ibang colleges, eh.

"Paano mo alam?" tanong ko.

"Kaibigan siguro noong fling niya," sagot ni JP para sa kaniya. Tiningnan niya ito. "O baka fling mo iyong Gwen na 'yon?" natatawang tanong nito.

"Luh. Nilandi mo, erp?"

Inirapan niya lang kami. "I don't dig mataray women."

"Luh, mataray siya? 'Yan mga gusto ko," natatawang sabi ko.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Dave. Tawang-tawa kami nang makita ang itsura niya. Siya kasi ang pinaka-dramatic sa amin.

"Don't laugh at my misery!" he whined. Kasunod niyang dumating si Red na nakasuot ng all-white niyang uniform.

Nakaupo kaming lima sa isang bench. Pinagkasya namin ang mga sarili namin kasi wala namang ibang mauupuan dito. Saka masaya kaya!

"I'm so freaking tired. We should walwal later like it's our last. We deserve it." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Dave.

"Amen," segunda ko.

"Dadaan ulit crush mo," sabi ni JP.

"Who's your crush?" takhang tanong ni Dave.

Ang chismoso talaga ng mga kaibigang binigay niyo sa akin, Lord!

"Ayun," si Ryann ang ngumuso.

"Oh."

"Kilala mo, Mayor?" tanong ko. Kung si JP ang manager, si Dave naman ang mayor ng barkada kasi halos lahat ata kilala niya. Galing pa man din siya sa kilalang pamilya kaya fitting din.

"Nah." Naiiling na sagot nito.

"Luh. 'Kala ko pa naman kilala mo lahat. Ikaw kaya Mayor," natatawang sabi ko.

"It has its limits," natatawang sagot niya rin.

"Gusto mo bang kunin ko ang pangalan?" tanong ni Ryann.

"Ge, erp. Chat mo sa 'kin mamaya. Hanapin ko sa Facebook."

Hindi rin nagtagal ay umalis na kami ng university. Kay Dave na SUV kami sakay. Sila pa lang ni Ryann ang may sasakyan sa amin kasi ordinaryong mga tao lang naman kami.

Usually ay nagroroleta kami kada inom namin—kung sino ang magda-drive pauwi na siya ring taga-alaga ng lasing. Pero nag-offer na rin si Dave na ang unfair daw kung sino man ang matatapatan kasi celebration nga namin ito kaya sabi niya ay lahat na lang kami. May bodyguard naman siya na puwedeng magbantay sa amin.

Hindi ko alam kung ano'ong oras kami nakauwi sa bahay. Nagising ako kinabukasan na may hangover. Pagtingin ko sa orasan ay alas dos na pala ng hapon.

"Gising na ang señorito," ani ng kapatid kong babae noong bumaba ako sa hagdan na agad kong ikinatawa. Nakahawak ako sa ulo ko habang papuntang kusina.

"Ano ulam?" tanong ko, pero binuksan rin naman ang nakataklob sa may ulam.

"Tinola."

Ayos! Pefect sa hangover.

Nagtitimpla ako ng kape nang may mag-notify sa chat. Mabilis kong tiningnan kung kanino galing iyon.

---

Ryann:
The name's Gwen Garcia

You're welcome

---

Napangisi ako sa chat niya. Bilis din. Iba rin talaga kamandag nitong lalaking ito.

Mamaya ka sa akin, Gwen. Magkakaroon ka na ng panibagong friend.

Nakangiti akong sumimsim ng kape at nagtanghalian.

Snippets and Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon