Niligpit ko naman ang mga gamit ko bago linisin ang katawan at humiga na sa malambot na kama.

Napatitig ako sa kisame at bumuntong hininga.

1 week... 1 week makikita na rin ulit kita, Russel.












NAGISING nalang ako sa sinag ng araw na nag mumula sa bintana kaya pikit mata akong bumangon at bahagya pang kinusot ang mata.

Napahikab ako bago dahan dahan bumaba sa kama, dumiretso ako sa c.r ng kwarto na 'to.

This is the first day na narito ako sa Canada!

Pag pasok ko sa c.r ay naligo na kaagad ako, pag katapos ay lumabas na ako at nag bihis.

Napatingin ako sa orasan, 8:27 am na pala ng umaga. Lumabas na ako ng kwarto, napangiti ako dahil sobrang ganda talaga ang lugar ni Zyrus.

Maaliwalas sobrang linis pa ng paligid.

"You're already awake." napalingon ako sa pinang galingan ng boses na 'yon, nabungaran ko si Zyrus.

I blinked my eyes, i can see Zyrus looking freshly showered, with the buttons of his white long sleeve polo shirt undone, and I could clearly see the water droplets trickling down from his wet hair onto his neck and chest.

Umagang umaga, bakit ganiyan ang itsura ni Zyrus?!

I avoided looking at him because i suddenly felt embarrassed, kunwari ay nag tingin tingin ako sa paligid.

"Umaga na pala hehe." segway ko sa usapan habang hindi pa rin tumitingin sakaniya.

"Uh...yeah?" ramdam ko sa boses niya ang pag tataka pero maya-maya pa ay narinig ko na ang mahinang pag tawa niya. "Come, let's have a breakfast."

Humarap na ako sakaniya at kitang kita ng dalawang mata ko ang pag bu-butones niya ng polo niya habang nakatingin sa akin?!

"Ayos lang, busog na ako." wala sa sariling sabi ko habang napatingin sa matitipuno niyang dibdib pababa sa abs niya.

Shet! Yummy.

Parang bigla akong sinampal ng reyalidad dahil naalala kong may boyfriend nga pala ako.

Hala, Saelah! Ano bang iniisip mo?! Nandito ka para kitain si Russel, gising!

"Busog kana? Hindi ka pa naman kumain ah?" nag tataka nitong tanong sa akin.

I breathed a sigh of relief because he had finished buttoning up his polo, baka mahalata niya pang tinignan ko yung katawan niya, nakakahiya kaya 'yon!

"Hehe, gutom pala ako." sabay kamot sa ulo ko.

Napailing iling naman 'to at bahagyang natatawa. "Follow me."

Nang tumalikod ito ay halos suntukin ko na ang sarili ko at pinag tatampal tampal ang labi ko dahil sa pinag sasabi at pinag iisip ko kanina.

Umayos ka, Saelah! May boyfie kana at si Russel 'yon, ang sikat na boy band ngayon!

I bite my lips at saka pinag mumura ang sarili sa isip.

Nakarating kami sa dining area niya, napamaang naman ako kasi modern but simple naman ang house niya, pero may pagka luxury pa rin ang datingan.

Lalo na 'tong dining area, may pagka grayish ang kulay pero ayos na, maganda sobra.

"Sit down here." inusog ni Zyrus ang upuan kaya naman pumunta na ako ron, nakakahiya kasi kung babagal bagal ako diba?

"Salamat." saad ko.

Shattered ChordsWhere stories live. Discover now