Somehow what Kuya Blue said made me feel guiltier. Parang sobra kasing nag-effort 'yung asawa ko 'tapos hindi ko man lang nagawang suklian. Parang lahat ginawa ni Green para maging mabuting maybahay pero heto ako, ni pag-uwi nang maaga ay hindi pa magawa.

"May sinabi po ba s'ya pagdating n'ya sa bahay ninyo? Naglabas po ba s'ya ng mga hinanakit?"

"Hindi. Wala s'yang sinabi at tahimik lang. Kumain lang s'ya 'tapos dumiretso na sa kuwarto n'yo. Ni hindi nga kami kinausap. Ang sabi ni Mommy ay pabayaan lang muna naming magpahinga dahil magkukuwento naman 'yun kapag handa nang magkuwento. Kaya itatanong ko na sa'yo ngayon dahil kanina pa ako halos mamatay na sa suspense, ano bang nangyari?"

"Kasalanan ko po, Kuya..."

"Sabihin mo sa akin kung anong nangyari at ako na ang huhusga kung kasalanan mo talaga o hindi. Hindi naman por que kapatid ko si Green ay s'ya na ang parating tama sa paningin ko. Kapatid na rin naman kita, Red, parte ka na ng pamilya namin. At lahat ng tulong na pwede kong ibigay sa inyong dalawa ay ibibigay ko."

I expelled a heavy breath. "Lately po kasi nagkukulang po ako ng oras sa kanya. Kadalasan late po akong nakakauwi. May mga pagkakataong hindi ko na po s'ya nasusundo sa klase n'ya kasi busy po ako sa activities ng frat..."

"Oh, well, at least mga lalaki naman pala ang pinagkakaabalahan mo at hindi babae," Kuya Blue jested.

"Ang pangit namang pakinggan n'yan, Kuya," I complained.

My eldest brother-in-law laughed again. "Ang sagwa nga. Pero, balik tayo d'un sa kuwento mo, ibig sabihin nagseselos si Green sa frat?"

"Hindi naman po matatawag na selos. Baka hindi ko lang po nabalanse at naiwan ko po s'ya sa ere."

"O, 'yun naman pala, eh, alam mo naman pala ang problema. Knowing what the problem is means that it is already half-solved. Madali na lang 'yan para sa'yo tutal matalino ka naman."

"Hindi ko nga po nagagamit ang talino ko rito, eh."

"'Yun lang, minsan talaga pagdating sa pag-ibig lahat tayo tanga."

Pagdating namin sa bahay ng mga de Santiago ay nakaabang na sa amin ang mga magulang ng asawa ko pati si Kuya Garnet.

Agad akong niyakap ng kapatid ng asawa ko pagkababa ko ng sasakyan.

"Bayaw!"

"Good afternoon po, Kuya."

"Magandang hapon po, Dad. Mano po..."

"Bakit naman napakapormal mo yata ngayon, Red?" Kuya Garnet asked.

He looked me over. "Mukha kang aburidong-aburido sa buhay mo, ah. Sinong nagpasakit ng ulo mo at uupakan ko?" he asked grinning.

"Kumusta, Red?" my wife's mother asked.

"Okay lang po. Mano po..."

"Kaawaan ka ng Diyos."

"Parang tumanda ka nang sampung taon mula n'ung huling bakasyon n'yo rito, ah, and that's just a few months ago," my wife's third brother teased.

"Pagod lang po sa biyahe, Kuya," I replied with a weary smile.

"Nasa kuwarto ninyo si Green," my mother-in-law informed me. "Natutulog. Mukhang puyat..."

Napuyat po 'yun sa kahihintay sa akin kagabi...

"Sorry po—"

"Dad, o, kanina pa kaya sorry nang sorry itong si Red," Kuya Blue revealed. "Kahit n'ung nasa sasakyan kami puro sorry ang bukambibig n'yan."

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now