Napatingala ako at inunat ang leeg ko. Tangina. . . anong gagawin ko? Kahit ano kasing pilit kong 'wag na isipin, naba-bother pa rin ako nang naba-bother. Parang tinutulak ako ng isip ko na may gawin, pero hindi naman sinasabi ng isip ko kung ano 'yung dapat gawin. Mukhang naiirita na rin 'to si Titus. Panigurado parehas lang sila ng sasabihin ni Echo. At 'yon lang din ulit ang sasabihin ni Magnus tulad kanina.

Sa case na 'to, parang ako na ang bahala talaga sa kung ano 'yung gagawin ko. At kung may chance mang lumitaw, ako na bahala kung kukuhanin ko 'yon o kung anuman. Siguro, I have to make up my mind. . . gano'n siguro? Ewan putangina.

"Pre. . . sabi kasi ni Magnus—."

Titus cut me off. "Sabi ni Magnus, mukhang gusto mo ng maging parte ng buhay mo si Zern? Oo, paulit-ulit ka, Caiden. At saka sabi rin ni Magnus, kaibiganin mo si Zern kung talagang nagwo-worry ka. Ano pa, pre?" sabi ni Titus.

I bit my lower lip. "Sabi nga 'yon ni Magnus. Kaya sa ina-act ko ba ngayon, gusto kong maging parte ng buhay ko si Zern? I mean, gusto ko siyang maging friend?" sabi ko sa nanghuhulang boses.

"Oo, pre. Para kang obsess sa kaniya. Bukambibig mo siya. Kung naba-bother ka, e 'di lapitan mo siya. Gano'n lang kadali. I-close mo, para matahimik 'yang isip mo at makampante ka na. Kapag nakampante ka na, at nasigurado mo ng nakabawi ka na sa kaniya at nasigurado mo na ring okay na siya—e 'di mag-lie low ka na. May mga friends naman talaga siya. At least naramdaman na niyang nakabawi ka," iritableng sabi ni Titus at bumuntonghininga.

Napanguso ako. "Siguro nga tama kayo ni Magnus. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagwo-worry ako, pero wala naman akong magawa," sabi ko.

"Ayan nga 'yung problema, Caiden. Kumilos ka para matahimik 'yang isip mo. Kasi kapag inulit mo pa 'yang kwento mo mamaya 'pagdating nina Echo at Magnus, ite-tape ko na 'yang bibig mo. Hindi ka ganiyan, pre. Kung may gusto kang gawin, ginagawa mo. Kung naba-bother ka, inaasikaso mo agad. Kaya hindi kita maintindihan kung bakit ka ganiyan. Wala naman akong issue kung may pakelam ka kay Zern, at you feel sorry or ewan, pero kumilos ka na lang kaysa 'yung paulit-ulit ka sa nira-rant mo," sabi ni Titus.

Mahina akong natawa kaya tinaasan ako ng middle finger ni Titus.

"Fuck you, Caiden. Nakakabwisit 'yang nira-rant mo, paulit-ulit," sabi ni Titus at umiling-iling pa kaya mas lalo akong natawa.

"Sorry, pre. Hindi ko alam gagawin ko, e. Kilala ko rin naman sarili ko. Kumikilos agad ako kapag may something na hindi ako mapakali para ma-ease agad ako. Pero ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko alam kung anong gagawin ko. This feels new to me. Hindi ko alam kung talagang may care ako kay Zern or nagi-guilty lang talaga ako kaya gusto ko bumawi. At hindi ko rin alam kung gusto ko ba siyang maging kaibigan or gusto ko lang talagang ma-feel niyang pinagsisihan ko na 'yung ginawa ko sa kaniya at sana hindi 'yon mag-dig deeper sa kaniya," sabi ko at bumuntonghininga.

"Tama na, Caiden. Ang sagot lang talaga sa pinoproblema mo, lapitan mo siya. Ikaw bahala, pre. Problema mo 'yan. Nahihirapan na ako maghanap ng words para advice-an ka. Sagad na ako, pre. Wala ng lumalabas sa utak ko," sabi ni Titus at uminom ng kape niya.

Mahina akong natawa. "Oo na, Titus. Nabibwisit ka na, e. Baka magsuntukan pa tayo bigla dito," sabi ko.

"Talaga! Bubugbugin talaga kita para maalog 'yang utak mo, baka sakaling matauhan ka at alam mo na ang gagawin mo," sabi ni Titus kaya humalakhak ako.

Sakto namang may pumasok na customer kaya bumalik ako sa likod ng counter para kuhanin ang order nila. Since ako pa lang ang mag-isa rito, mamaya pa ata ang dating ng iba kong kasama kaya ako ang kumukuha ng order at ako rin ang gumagawa ng order nila.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon