Kabanata Apatnapu't Apat

Start from the beginning
                                    

"Where's Manang, Ate Lydia?" Tanong niya.

"Nasa kwarto niya ho, may lakad nga po sana siya kanina nakabihis na nva ho pero hindi na daw siya tutuloy" napakunot noo si Irene at agad nang pumunta sa Kwarto ng Manang Imee niya.

She knocked first before opening the door.

"Sabi mo wala kang pupuntahan, Eh sabi ni Ate Lydia may pupuntahan ka sana pero di ka na tumuloy. Dahil ba sa sinabi kong pupunta ako rito?" Reklamo niya pagkapasok ng kwarto ni Imee.

Nadatnan niya ito na nakaharap sa mga papel papel sa lamesa.

"Bumati ka muna kaya ng maayos sa akin Irene?" Wika ng Manang niya kaya naman lumapit siya rito para bumeso bago humiga sa kama ng Manang niya.

"Saan dapat lakad mo Manang?" Chill niyang tanong while looking at the ceiling.

"Nothing important, may kukunin sana ako sa Greenhills pero ipinakuha ko nalang dahil nga pupunta ka rito"

"Eh bakit hindi ka tumuloy?" Makulit na tanong niya.

"Hala ulit ulit tayo beh? Nakaunli? Diba nga sabi mo pupunta ka rito, edi di na ako tumuloy. Minsan lang tayo magkita kaya grab the opportunity" napailing si Irene habang natawa sa manang niya.

Ito ang panganay nila pero kung kumilos ay parang bunso. Mas sunod pa sa uso, at mas bagets pa gumalaw sakanilang magkakapatid.

"Bagets na bagets naman words mo Manang, kacellphone mo yan" biro niya.

"Lokaret" wika ni Imee.

Natahimik si Irene, nakatingin lang siya sa ceiling habang nakahiga sa kama. Maya maya ay naramdaman niyang tumabi ng higa sakanya si Imee.

"Kwento na" napatingin siya kay Imee

"Huh?" Lumingon siya kay Imee at nakatingin ito sakanya.

"I said magkwento ka na, I know you Irene. Simual bata magkasama na tayo kaya alam ko kung kailan may problema kang iniisip. Kaya magkwento ka na, andito lang ako para makinig" wika ni Imee. Napangiti si Irene.

"Nothing Manang, I just want to see you kaya tumawag ako" wika niya. Nagdadalawang isip pa kung magkkwento ba siya.

But her manang really knows her well.

"Sus as if naman maniwala ako. Magkwento ka na at baka masulosyunan natin yan. Remember, Imeesolusyon" biro pa nito kaya natawa silang dalawa.

Binalot sila ng katahimikan ng ilan minuto bago nagsalita si Irene.

"Sa tingin mo Manang tamang landas ba yung tinahak ko?"

"Bakit mo natanong?"

"You guys know that Since I was 5 years old, I really wanted to be a Doctor. Gustong gusto ko talaga yun Manang, pero bakit ganun? Naabot ko nga yun pero may part sa akin na sana hindi ko nalang tinupad ang pangarap na yun. Minsan naiisip ko na sana nanatiling pangarap nalang iyon"

Natahimik si Imee. She was very straightforward person, ilang beses niyang nakaaway si Irene about this issue. Hindi naman kasi siya sang-ayon kay Irene na umalis para tupadin ang pangarap. She loves her Sister very much, she wants to support her in all her dreams pero alam niyang mali ang desisyon nito dahil ang kapalit nun ay ang pag-iwan niya sa anak niya.

"You know my answer to that Irene. Ilang beses kitang inaway dahil diyan pero I realized na that is your ultimate dream, who are we to Stop you. Kaya lang, alam mong mali ka sa part na yan"

"Nung naging Doctor ako Manang masaya ako, pero hindi yung inexpect kong masayang masaya. I really want to go back, gustong gusto kong umuwi pero wala akong mukha na maihaharap sainyo lalo na kay Greggy at Eli. Hindi ako nagsisisi na tinupad ko ang pangarap ko, pero ang pinagsisisihan ko eh yung iniwan ko yung mga taong mahal ko para sa sariling interest" she started to cry.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now