Chapter 15

2K 22 2
                                    

"You're mine now, Laura."

Paulit-ulit na umalingawngaw ang boses na 'yun sa utak ko.

"Laura.."

"You're mine now, Laura."

"Tama na.." sambit ko habang umiiyak.

"Laura! Laura! Are you okay?"

Bumalik ako sa ulirat ko at napatingin sa lalaking nasa ibabaw ko.

Oo nga pala, si Luke ang kasama ko.

Bakit ko ba patuloy na naririnig yung boses na 'yun? Para akong nababaliw.

"What's happening to you?" Nag-aalalang tanong ni Luke at umalis sa ibabaw ko tsaka ako niyakap.

"Luke.. sorry." Napapahiyang sabi ko. "Bigla ko lang kasing narinig yung boses nang lalaking naka-maskara.."

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Tumabi siya sa gilid ko at kinumutan niya ang mga sarili namin.

"Let's just cuddle and rest, okay?" Sabi pa niya at hinalikan ako sa noo ko. "I wish I could at least lessen your trauma."

Tahimik na yumakap ako sa kanya at idinantay ko ang paa ko sa mga hita niya. Damang dama ko pa rin ang paglapat ng mga balat namin sa isa't isa.

"The best thing about tonight's that were not fighting.."

Napatitig ako sa kanya nung bigla kumanta siya. Halos mapanganga ako dahil sa ganda ng boses niya.


"It couldn't be that we have been this way before.. I know you don't think that I am trying.. I know you're wearing thin down to the core.." huminto siya at hinaplos ang mga buhok ko.

Heto nanaman, sobrang bilis nanaman ng kabog ng puso ko dahil sa mga ginagawa niyang hindi ko inaasahan.

"But hold your breath.."

I'm actually holding my breath and it's because of him.

"Because tonight will be the night that I will fall for you..Over again
..Don't make me change my mind.. Or I won't live to see another day.. I swear its true.. Because a girl like you is impossible to find.. You're impossible to find."

(Song title: Fall for you by Secondhand Serenade)

Hindi maiwasan nang mga luha ko ang mangilid. To have someone sing such a romantic song for me feels like a dream. Sa buong buhay ko, lahat ng nangyayari ngayon ay hindi ko inaasahan at wala sa plano ko. Pero here's Luke, doing all these unexpected things I never thought I deserve.

"Let's sleep.." sabi pa niya sa akin at nakangiti akong tumango. "Good night, Lau."

'Lau..' Iba ang impact kapag siya ang nag-banggit.

"Goodnight, Luke."

Sobrang himbing nang tulog ko sa mga bisig niya kaya siguro hindi ako nanaginip ng masama.

Kinaumagahan, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at naramdaman ko ang mabigat na braso ni Luke na nakabalot sa katawan ko. Ang natutulog naman niyang mukha ang bumungad sa akin.

Hindi ko maiwasang halikan ang matangos niyang ilong. Dahan-dahan lang para hindi siya magising.

Nagulat ako nung gumapang yung isang kamay niya pababa at pinisil ang puwet ko. Iminulat niya ang mga mata niya at natawa pa siya sa ginawa niya kaya hinampas ko siya sa braso.

"Gising ka na pala eh." Napapahiyang sabi ko.

Naramdaman ko na may tumusok sa tiyan ko at muli siyang natawa dahil napa-atras ang katawan ko dahil sa gulat.

Awakened Pleasures (R-18)Where stories live. Discover now