Nang makita kung sino ang nasa labas ng hotel room nila ay kaagad siyang nagtatakbo papunta sa kwarto ng amo niya.



Tatlong beses siyang kumatok sa pintuan ng kwarto nito bago iyon buksan. "Sir?"




"Yeah?" Tugon ng amo niya, hindi man lang ito nag abala na mag angat ng tingin sa kanya dahil abala ito sa mga dokumentong nasa table nito.




"Sir, nasa labas po si ma'am Monica,"




Napatigil si Theros sa ginagawa at nag angat ng tingin. "Come again?"




"Si ma'am Monica po nasa labas."





Malalim na napabuntong hininga si Theros, sumandal siya sa backrest ng swivel chair at napahilot ng sentido.




"Paalisin ko po ba?" Tanong ni Ricky nang makita niya ang reaksyon ng amo niya.




Umiling ang ulo ni Theros habang hinihilot pa rin ang sentido niya. "Let her in. I'll talk to her."



"Sigurado po kayo, sir?"



"Yeah."



"Sige po."




Hindi alam ni Theros kung paano nalaman ng babae na narito siya ngayon sa Cebu at kung saan siya namamalagi ngayon. Pero isa lang ang nasisiguro niya, ipinahanap siya nito.




Sa kabilang banda naman, tulad ng utos ng amo niya ay pinagbuksan nga ni Ricky ang babae at pinapasok ito sa loob.




"What took you so long to open the door, huh?" Mataray na tanong nito sa kanya.



Isinara ni Ricky ang pinto bago matapang na sinalubong ang tingin ng babaeng ito. Hindi nagsalita si Ricky at nakipag tagisan lang ng titig sa dalaga.




"Psh! Pathetic." Pang iinsulto nito sa kanya, pairap itong tinalikuran siya at naglakad papunta sa sofa at parang may ari ng bahay na umupo roon.



Lumapit si Ricky sa kinaroroonan ni Monica at kinuha ang laptop niya saka tahimik na nagtungo sa kusina.



"Why are you here?"



Sabay na napalingon ang dalawa nang marinig nila ang malamig at baritonong boses ni Theros. Nakapasok ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng pants habang naglalakad.



"Theros!" Monica exclaimed happily.



Tumayo pa ito at nagtatakbo patungo kay Theros. Akma itong yayakap sa kanya nang lumihis siya ng daan at naupo sa single sofa.



"You're not answering my question," said Theros coldly.



Umirap pa muna si Monica bago humarap ng nakangiti. Bumalik siya sa pagkaka upo. Pinagkrus ang mga hita at mga kamay.



"You already know the reason why I'm here, Vergara," she said.



Tumingin ang malalamig na mga mata ni Theros sa dalaga. "My answer is still no."




"Oh, come on, Theros!" Monica hissed. "We can be partners, not just in business, but maybe in life." Theros stayed silent, prompting Monica to continue. "Think about it, Theros! There are great benefits you can gain once you agree to my offer! And besides, your father has already agreed."




Theros furrowed his brow at her statement. "You talked to my father?"



Monica smirked and nodded. "Yeah, that was about two or three weeks ago, I think. I can't remember exactly. But my family and I have already talked to him."



Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now