“Hoy! Kanina pa kayo nagbubulungan dyan. Baka gusto nyo kaming isali!” sabi ko sa kanila.
“Hindi ka kasali!” sabay behlat ni Xyrille sa'kin. Edi hindi.
Kinuha ko nalang yung cellphone ko sa bulsa ko at saka nag facebook. May wifi naman pala dito eh. Ayos!
May facebook kaya si Callah? Pero sa tingin ko wala. Mukha naman kasing wala syang interes sa mga ganung bagay. Pansin ko lang ah. Huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano dyan!
Pasimple akong tumingin kay Callah na ngayon ay may dinudutdot din sa cellphone niya. Ano kayang ginagawa niya? Hindi ko naman magawang tignan kasi baka sabihin tsismoso ako.
Teka nga! Pakialam ko ba sa kanya? Bakit ba kanina pa ako Callah ng Callah dito?
“Ay oo nga no! New loveteam!” narinig kong sigaw ni Faith kaya napatingin ako sa kanya. Napansin ko namang siniko siya ni Jenica.
Darius and Callah loveteam ba? Yun ba yung kanina pa nila pinagbubulungan? Eh bakit hindi ako kasali?
Saglit... Darius + Callah = Darlah!
Ohmygod! Darlah eat your food na!
PWE! KADIRI! NAKAKASUKA!
Maya-maya pa ay sabay sabay silang naglabas ng mga cellphone nila at saka itinapat saming dalawa ni Callah.
T-teka, bakit samin ni Callah? Diba dapat kila Darius at Callah nakatapat yung mga camera nila?
Tanga lang Sho? Nasa gitna ka nila eh. So, napakalaki ko palang singit dito?
Maya-maya isa isa ng nagflash yung mga cellphone nila. Ang sakit sa mata kaya mabilis kong tinakpan yung mukha ko gamit ang mga kamay ko. Bwisit tong mga 'to.
Hindi ko na nakita kung anong naging reaksyon ni Callah sa ginawa nila.
Tinanggal ko na yung pagkakatakip ng mga kamay ko sa mukha ko nung maramdaman kong hindi na nila kami pinipicturan.
Nakita ko silang mga naka-ngiti ng nakakaloko at yung iba nagbubulungan.
“Bakit ka nagtakip ng mukha Captain?! Epal ka naman. Bakla ka ba?” sigaw ni Jerome sa'kin.
“Sa inyo ko kaya itapat yang flash ng mga camera nyo?” naiiritang sabi ko.
“Saka bakit ba kami yung pinicturan niyo? Diba dapat sila ni Darius?” dugtong ko pa.
“Mas bagay kayo eh!” sabi ni Faith.
“Hoy walang ganyan! May nasasaktan.” sabay nguso ni Kevin kay Darius.
“Buti pa si Callah hindi nagtakip ng mukha. Tumingin lang sa ibang direksyon.” sabi naman ni Miguel. Change topic agad?
Pero bakit hindi siya nagtakip ng mukha? Ayos lang ba sa kanyang picturan kami? Crush siguro ako nito, hmm.
“Whooo! Ligawan mo na yan Captain!” sigaw ni Miguel.
"Edi ligawan mo.”
“Aarte ka pa? Ganda na nyan!”
Hindi ko nalang pinansin yung mga sinasabi nila at nag facebook nalang ulit. Mukhang ganun nalang din ang ginawa ni Callah.
Napansin kong iba iba na ang pinag-uusapan nila kaya tinago ko na yung cellphone ko at naki-sali sa kanila.
Tawanan lang kami ng tawanan habang nag kukwentuhan. Buti hindi na nila kami inaano ni Callah.
Never kaming magiging bagay nyan ni Callah 'no. Tao kaya kami. Ano yun magic na bigla nalang kaming magiging bagay?
Key. Kornik.
“Vakit nga pala hindi ka nagsasalita Callah? Ayaw mo ba kami kausap?” tanong ni Darius.
Agad-agad naman akong napatingin kay Callah. Gusto ko rin kasing malaman kung bakit hindi palasalita tong si Callah eh.
“Hmm.. Guys. Wag nyo ng tanungi--”
”Hindi! Simula kasi nung nama--”
Biglang naputol yung sinasabi ni Jenica nang biglang padabog na tumayo si Callah at umalis.
“Uh-oh. Sabi ko kasi wag na eh. Lagot ka Jenica.”
Tumungo nalang si Jenica. Bakit? Bakit ba talaga siya ganun? Bakit ayaw niyang malaman namin o ng iba kung bakit?
Nagulat nalang kami nang biglang tumayo si Darius at saka tumakbo. Hahabulin niya si Callah?
**
Callah's POV
Nakakainis! Pinalampas ko na nga yung pagpicture nila samin ni Sho eh. Pero yung pag-uusapan na yung tungkol sa daddy ko? Ugh.
Pag-usapan na nila lahat, wag lang yun. Alam nila na ayaw kong pinag-uusapan yun. Alam ni Jenica! But why is she like that?
Private yun. PRIVATE! Hindi ba nila alam yun? Kaya ayoko ng taong madadaldal eh.
Pumasok na ako sa bahay nila Xyrille at saka naupo sa sofa. Ayoko ng bumalik dun. Kahit na gusto ko ng umuwi, hindi pwede. Masyado atang namiss ni Mommy at Tita ang isa't isa kaya ayoko silang guluhin.
“Callah!”
Napalingon ako sa nagsalita na kakapasok lang dito sa bahay.
Anong ginagawa ng lalaking yan dito? Ang feeling close nyan. Pati yung mga lalaking nandun na hindi ko kilala except sa mga boyfriend nila Faith.
Tinignan ko lang siya hanggang sa maka-upo siya sa tabi ko. Tumayo naman ako at umupo sa katabing sofa. Ayoko ngang katabi yan. Ni hindi ko nga kilala yan eh. Kilala ko lang siya sa mukha, kasi siya yung nanghingi ng sorry sa'kin dahil sa bola saka dahil ang feeling close niya kanina.
“Uhh. C-callah..” tawag niya kaya tumingin ako sa kanya.
“Bakit ka umalis kanina?” anong bang pakialam niya?
“May nasabi ba kaming mali kanina kaya ka umalis?” bakit ba ang tsismoso nito?
“Ahh.. Sorry kung ang dami kong tanong, ha?” oo nga, sa dami ng tanong mo, para ka nang pulis.
“Ako nga pala si Darius.” sabi niya at nilahad yung kamay niya pero tinignan ko lang yun.
“Ah, hehe. Sige, okay lang.”
Anong okay lang? Nag-sorry ba ako?
“Uhm. Callah. Naniniwala ka ba sa sinabi ko kanina na para kang anghel?”
Bakit? Babawiin nya ba? Go on.
“Totoo yun. Hindi ka lang parang anghel. Mukha kang anghel. Ang ganda mo lalo sa malapitan.”
So? Anong pinaglalaban niya?
“Callah. Nakikinig ka ba?” tanong niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Sa iba kasi ako nakatingin.
“Ang kulit ko ba? Sorry.”
“Okay lang. Sige alis na ako.” paalam ko saka tumayo na. Pupunta nalang ako sa taas, may kwarto naman ako dito.
“Callah, saglit.” pigil niya habang nakahawak sa braso ko.
Tinanggal ko naman yun at tinignan siya.
“Sorry.” sabi niya.
“Bakit pala?” tanong ko.
“Ah. Ano... Callah. I-i l-like y-you.” niloloko ba ako nito?
“Hindi kita niloloko. Promise. The first time I saw you, I felt something here in my chest. Na-love at first sight ata ako sayo Callah..”
What the hell is he talking about? Is he insane? Gusto niya ako? Kalokohan.
For the last time, tinignan ko siya. Saka umalis na at iniwan siya doon.
YOU ARE READING
The Extrovert and The Introvert
Non-FictionExtrovert at Introvert? Posible nga kaya?
Eight
Start from the beginning
