She covered her face with both her hands before she let out gut-wrenching sobs. "Putang-ina ka, Redley..."

"Green..." I tried pulling her into my embrace but she forcefully pushed me away.

"Shit ka..." she said weeping.

I knew that I had crossed the line.

"Kahit na siguro putol na 'yang ipinagmamalaki mong pagkalalaki mo, I will stay beside you dahil mahal kita and married to you or not you will always be my priority kasi mahal kita, punyeta ka..."

She used the hem of her shirt to wipe her tears off her face.

"At akala ko kasi mahal mo rin ako...kaya hinayaan ko 'yung sarili kong magpakatanga sa'yo..."

"Green, mahal na mahal kita. Look, I'm really sorry because I went overboard, hindi 'yun ang intensyon ko. I was trying to make you feel angry dahil...nasasaktan ako na parang wala kang reaksyon..."

"Ano bang reaksyon ang kailangan mo? Ang sirain ko ang buhay ko dahil paulit-ulit na hindi mo tinutupad ang mga pangako mo sa akin?"

"Green..."

"Baka tama ka. Baka mababaw ako kaya ako nasasaktan. Baka mababaw ako kasi ano ba naman 'yung hindi ka tumupad sa usapan natin nang paulit-ulit, 'di ba? Napakababaw na rason 'yun para ikasama ng loob ko..." Her voice broke and her tears fell faster.

"Kasalanan ko lahat. I'm sorry for saying that you are being shallow. Please, Green, I'm so sorry..."

"Lahat ng lumabas sa bibig mo ngayon, sabihin mo mang nasabi mo lang dahil gusto mo akong galitin ay totoong nararamdaman mo at iniisip mo, Redley. So, all along you thought that I am shallow..."

"That's not true."

She laughed softly. "Sorry, ha, kasi ang babaw ko. Kasi hindi ko maiwasang magtampo. At sorry kasi hindi ko maiwasang mag-alala. Sorry kasi ang immature ko, eh, hindi ako tulad mo na mature, responsible at ubod nang buting tao..."

"Gianna, that's not my point."

"Whatever your point is sana makita mo kung saan ako nakatayo, sana hindi lang puro punto mo ang iniisip mo. Alam mo bang bumalik ako ng Diliman dahil sobra akong nag-alala na baka may nangyari sa'yo? Na baka tinambangan ka ng ibang frat, sinaksak ka, tinubo sa ulo, binugbog..."

She laughed bitterly. "Ilang beses akong nagbihis at nagpalit ulit ng pambahay kasi iniisip kong kung sakaling may nangyari man ay ako ang una mong tatawagan at ayokong makaabala kung sakaling may ginagawa kang importante. I didn't want to unnecessarily disrupt whatever it was you were busy with."

She cried harder.

"Pero, naisip ko rin na baka nadisgrasya ka, nabangga 'yung kotse mo, o baka na-hold-up ka kaya hindi mo ako natawagan. Kasi ang paniwala ko there was no way you're going to go back on your promise and if something did happen, you will do everything you can to reach me because you know that I worry endlessly about you. And you knew that I was waiting."

I lowered my head in shame.

"Akala ko rin alam mo na isang tawag lang, Redley, isang tawag lang kahit walang paliwanag, lulunukin ko 'yung sama ko ng loob at pipiliin kong intindihin ka. Na kahit masaktan ako, magalit, o magtampo ay isang yakap lang, Redley, isang sorry lang ay patatawarin na kita."

She closed her eyes as if willing for her tears to stop falling.

"Kaya nagbihis ako, nagpunta akong Diliman at dumiretso ako sa tambayan ng frat n'yo at nakita kita," she said. "Sa maniwala ka man o sa hindi, my heart actually stopped beating when I saw you. I was just glad to see you. I was glad that you're in one piece, alive, and not bloodied like I had imagined. But that relief was short-lived because then came the realization that you were okay and you simply just forgot about me..."

"Green, hindi totoo 'yan. Please let me explain..."

"Pasensya ka na, ha, kasi ang babaw ko. Pasensya ka na kasi hindi mo nalaman kung gaano ako kababaw bago mo ako pinakasalan. Pasensya na because you were forced to marry me. Pasensya ka na kasi wala ako sa rason palagi at ang iniisip ko lang ay 'yung nararamdaman ko at hindi 'yung sitwasyon mo. Pasensya na, tanga ako, eh, puro puso walang utak—"

"Green, tama na, please..."

"Oo tama na. Tama ka, tama ka na naman, kasi tama ka naman palagi."

She laughed joylessly before she sighed. "Shit, I am so tired..."

"Green, I'm sorry—"

"I am tired of your sorries, too. I am fucking tired of everything. Pagod na pagod na ako dahil hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Pagod na pagod na akong sumama ang loob, magtampo, humingi ng kakarampot na oras sa 'yo. Napaisip tuloy ako kung ano kaya ang rason kung bakit mo ako pinakasalan? Nalungkot ka lang ba? Nangailangan ka lang ba ng kasama at ako ang nakita mo? 'Tapos ngayon na-realize mong hindi ka pa pala sawa sa buhay binata at nagsisisi ka kasi nakatali ka na sa akin?"

"Green, alam mong mahal kita—"

"Mahal? Bullshit. Kung totoong mahal mo ako, bakit ipinaparamdam mo sa akin na isa akong malaking hadlang sa buhay na gusto mo?"

"Gan'un ako kasama? Gan'un kasama ang pakikitungo ko sa'yo at pinag-iisipan mo ako nang gan'yan?" I tearfully asked. "Gan'un ko ginawang impiyerno 'yung buhay mo sa tabi ko at nasasabi mo 'yan?"

"Hindi ko alam at wala na akong pake. Pagod na akong mag-isip. I am tired of thinking of excuses for you. I already booked my flight to Cebu. Tatlong araw ako d'un. Pagbalik ko rito sa apartment sana hindi na kita madatnan."

"Tang-ina naman, Green. Humingi na nga ako ng sorry, 'di ba? Inaamin ko naman na kasalanan ko. Oo, gago ako. Oo wala akong silbing asawa, oo wala akong kuwentang tao. Pero, handa naman akong magbago, eh..."

I looked away from her because I didn't want her to see just how broken I felt. "Handa naman akong iwan lahat para sa'yo. Handa akong talikuran ang kahit sino o kahit ano para sa'yo, h'wag mo naman akong iwan..." I added my voice breaking.

"Mag-isip na muna tayo, Redley—"

"Tungkol saan? Tungkol sa atin? Alam ko na kung ano ang gusto ko, Green. Simula't sapul naman alam ko kung sino ang mahal ko. Nasasaktan ako kasi parang ang dating ay hindi klaro sa'yo 'yun."

She sighed before she turned away from me to open our closet.

"Mag-eempake ka pa rin? Iiwan mo pa rin ako?" I helplessly asked as I watched her tiptoe to reach for her trolley which was inside the overhead cabinet.

"I just need to sort my thoughts out."

"Can't you sort them out here? Kailangan pa bang umuwi ka ng Cebu?"

"Oo."

"Bakit?"

"I need time away from you," she declared with finality. "I need time away from this. Mahirap kasing mag-isip nang tama kapag nandito ka. Alam mo 'yung kailangan kitang patawarin kahit hindi ako kuntento kung paano natin niresolba ang mga bagay kasi hindi kita matiis? So, kahit masakit pa, kahit may tampo pa akong nararamdaman, wala akong choice kundi ang tanggapin ang sorry mo."

"Hindi mo ako kailangang patawarin agad-agad. Pwede mo akong pahirapan—"

"No. Mas gusto kong umuwi."

I kneeled down in front of her.

"Green, please...please hindi na mauulit. Please..."

"Get up."

"H'wag kang umuwi...h'wag mo naman akong iwan mag-isa rito..."

"You can always stay with your brods, tutal naman sila naman ang parati mong kasama. Ano ba naman 'yung samahan ka nila habang wala ako rito?"

"But I want my wife..." I pleaded.

"I want a break as your wife..." she replied. "I am tired of being your wife."

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now