“Kuya Kill? Pinapatawag ka ni daddy.” tawag ni Silver sa kapatid niya sa silid nito na kaagad ay lumabas si Killian sa silid.

“Ano daw ba ang paguusapan?” tanong ni Killian sa kapatid niya habang tinatahak nila ang daan patungo sa opisina ng kanilang ama.

Hindi sumagot si Silver, dahilan para kabahan ang kapatid niya.

Nang makapasok sina Silver at Killian. Bumungad kay Killian ang kanyang ina at nakakatandang kapatid na hindi niya inaasahang naroon rin sa silid.

“Dad, may problema po ba?” tanong ni Killian sa ama niya.

“Ikaw may dapat ka ba lng sabihin sa amin, na hindi mo masabi-sabi Killian, anak?” hindi kaagad naka-imik si Killian dahil sa itinuran ng ama niya.

Meron, pero ayaw niyang aminin. Dahil segurado siyang pandidirian siya ng pamilya niya.

“. . . Wala po, dad. . .” sagot ni Killian na umiiling ang ulo nitong sagot.

Tumayo sa kinauupuan ang ina niya at niyakap siya.

“Kahit anong mangyari anak ka namin ni Damian, at kung saan ka masaya Kill, susuportahan ka namin. Anak ka namin, mahal ka namin, okay hmm?” anang ina niya na pinigilan ang sarili na umiyak.

Bakas naman sa mukha ni Killian, ang kaguluhan na hindi niya alam kung bakit ganito sinasabi ng ina niya.

“Bakit ganyan ka magsalita mom? Bakit ganyan kayo makatitig sa akin? May pupuntahan ba kayo? May hindi ba ako alam?” tanong ni Killian sa kanila. “May. . . Sakit ba si mommy?” mahinang natawa ang nakakatandang kapatid niya. Gusto sana nilang sabihin na alam na nila ang tungkol sa kanila ng Prinsepi pero umurong ang mga  dila nila para magsalita.

Pasimpling bumaling si Silver sa ama niya, bago niya nilapitan ang ama niya.

“Hintayin na lang natin na siya ang magsabi. Kapag pinangunahan natin si kuya, baka ano gawin niya.” mahinang sambit ni Silver sa kanyang ama na tanging sila lamang dalawa ang nakakarinig.

“Magpapasukat tayo ng damit na susuotin natin, para sa nalalapit na kaarawan ng second prince.” wika ni Gelal.

“Hindi ako sasama. Kayo na lang diyan magpasukat.” sagot naman ni Killian

“May iniiwasan ka ba don? Im sure magtatampo ang first prince kapag hindi niya nakita ang kaibigan niya.” sabad naman ng Duke.

“Kayo na ho magdahilan, mom. May utak naman seguro ang first prince para maintindihan niya .” wika ni Killian, dahilan para mapangiwi ang Duke at si Gelal sa sinabi niya.



Nakangalumbaba si Airleya habang hinihintay ang mga halimaw sa paglabas nito sa lungga. Mahigit isang buwan na ang nakakaraan nang simulan niya ang pangangaso sa mga halimaw na nagagawa nang makalabas sa lungga nito para maghasik ng gulo sa labas.

“Shh. Paparating na sila.” wika niya sa mga kasamahan niya habang nagtatago sila sa malaking halaman na hindi sila kita.

At makalipas ang ilang segundo kaagad nina Airleya inatake ang mga halimaw. Bawat wasiwas ni Airleya nang kanyang espada sa mga halimaw, ay hindi nakakaligtas.

AIRLEYAWhere stories live. Discover now