"Ako, bibili ako ng puwedeng kainin bago matulog," sabi ni Caiden sa kalmadong boses at hindi nagbago ang seryoso pero maaliwalas niyang mukha nang lingunin ko ulit siya.

"Ah. . ." sabi ko at tipid na ngumiti. "Sige, ingat. Pasok na ako," dagdag ko pa at binuksan na ang pinto.

Hindi ko na siya tiningnan ulit at pumasok na lang din agad sa room. Sinarado ko na rin agad ang pinto patalikod. Hindi ko alam kung nando'n pa siya o umalis na siya. Putangina. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagkalabog nito. Napalunok ulit ako at napaawang ang bibig dahil bigla akong hinihingal.

Napatakip ako sa bibig para i-process ulit 'yon nang mabuti. Tangina. . . Gagi, parang maiihi ako kanina sa sobrang gulat nang bumukas 'yung pinto niya. Shet talaga.

What is this, Zern? Ano yan, nagbago na agad 'yung tingin mo sa kaniya dahil lang sa ginawa niyang pag-approach sa 'yo kanina?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! 

He was calmer! He was casual. Hindi nakakunot ang noo niya, hindi siya nakangiwi, at hindi nakakairita ang tono ng boses niya. Kaya hindi ko alam ang mararamdaman ko! Putangina. Tapos nagulat pa ako dahil bigla na lang bumukas ang pinto niya habang pinoproseso ko pa nga ang nangyari kanina—nadagdagan pa ngayon.

"Putangina. . ." I whispered before sighing deeply.

Nang tingnan ko si Mishael, mahimbing na siyang natutulog. Ang lamp ko ang binuksan niyang ilaw, para siguro may ilaw 'pagkarating ko. Mabuti na lang tulog na si Mishael, mukha siguro akong tanga dito sa tapat ng pinto na hindi gumagalaw habang nakatulala sa kawalan.

Naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago nagpalit para makahiga na rin. Maaga rin pala akong papasok bukas sa Tafiti's. Tapos may klase pa ako ng ala-una. At dahil hinahanap na ako ng council, paniguradong may gagawin na. Uso pa naman 'yung meeting sa mga ganiyan. Puro meeting. Nakakadagdag sa iisipin lalo.

Napapikit ako at bumuntonghininga. Kailangan ko ng matulog! Pero nang napagdesisyunan ko naman nang matulog, 'saka ko naman biglang maalala si Caiden ulit. Putangina naman. Kinakabahan ako tuloy ako ulit. Paano kung makasalubong ko siya? Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Baka magmukha na naman akong nagmamadali. Kailangan bukas wala na 'tong iniisip ko, hindi ako puwede magmukhang kinakabahan sa harap niya, mas nakakahiya.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Kinabukasan, hindi naman ako nahirapan gumising at hindi ko na kinailangan i-snooze ang alarm ko. Nakatulog naman ako nang maayos kahit ang likot ng isip ko kagabi, kung ano-anong pumapasok sa isip ko kahit pilitin ko nang matulog.

Wala si Mishael nang magising ako, probably took off for exercise na naman. Gusto ko siyang gayahin sa tuwing naiisip kong nage-exercise siya, kaso nase-stress na ako agad dahil hindi ko kayang i-manage nang gano'n ang oras ko.

Alas-sais ako nag-alarm, pero bandang 6:30 na ako bumangon. In-organize ko muna ang isip ko, dahil baka matulala ako at mas lalo akong walang magawa. Alas-diez pa naman ang pasok ko sa Tafiti's, kaya hindi naman ako magagahol.

Naghilamos ako't toothbrush bago ko chineck ang phone ko. Napanguso ako nang nakita ko ang message ni Yumiko. In-add ko kasi siya, para hindi na siya lumabas sa message request ko if ever na magme-message siya dahil baka hindi ko na naman makita.

Yumiko:

Good morning, Zern! I'm Yumiko, I'm also friends with Caiden. Magkakaroon kasi ng meeting later ng 1 p.m. ang org. council natin. I-o-orient ko lang din kayo sa mga dapat gawin, at para magkaroon kayo ng proper introduction ng bagong mga officer. Pag-uusapan din natin 'yung acquaintance party ng org. natin! See you later :)

Ditto Dissonance (Boys' Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon