Kabanata 14

34 6 0
                                    

Kabanata 14

Conflict

Umiwas ako ng tingin at mas pinagtuunan ng pansin ang aking kinakain. Natahimik ang dalawang magjowa sa aming harapan dahil mukhang maging sila ay nabigla dahil nabitawan din ni Colton ang kanyang kubyertos. Napatitig na lamang ako sa labas ng bintana habang pinapakalma ang aking sarili. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha at ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

"T-twin, are you serious?" rinig kong nauutal na nagtanong si Colton sa kanyang kapatid. Kinakalma ko ang aking sarili dahil sa nalilito kong nararamdaman.

"I'm serious that I like her," a ni ni Luke. Halos kumawala sa aking dibidib ang aking puso sa bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang kanyang pagtitig sa akin.

"Anong balak mong gawin? Plano mo bang ipagtapat yan kay Ama?" narinig ko ang pag-iiba ng tono ni Colton.

Nagkaroon ng unting katahimikan. Hindi ko alam kung titingin ba ako o hindi pero nakita ko ang sarili kong tumingin sa kanila. Napansin ko seryoso silang nakatitig kay Luke na parang wala pa rin imik hanggang ngayon.

"Let's do double dates and exchange fiancees. Our dad won't know anything," nagkatinginan kami ni Colron sa kanyang sinabi. Napakagat ako ng iababang labi habang napaubo naman si Colton at nagkunwaring walang alam.

"Seryoso ka ba dyan twin?" tanong sa kanya ni Colton. Bumaling siya sa akin at nagtama ang aming mga mata.

Naramdaman ko ang lakas ng tibok ng aking puso ng magkatitigan kami. Ngumiti siya sa akin at nanatili ang titig sa akin,

"Oo, seryoso ako," nanuyo ang aking lalamunan ng marinig ang katagang iyon mula sa kanya. Para akong natutunaw sa kanyang mga titig,

"I won't regret what I said, in fact I was waiting for this day to come." seryosong sabi niya sa akin. Para akong mauubosan ako ng hininga sa kanyang pagtitig. Umiwas ako ng tingin.

"Akala ko ba hindi mo gusto ang mga Serviano?" seryosong tanong ni Charlotte sa kanya. Sinuko siya ni Colton. Dahilan para mawala ang kanyang ngiti at bumaling kay Charlotte. Napayuko ako sa aking narinig.

"I did say that but I take it back," seryosong sabi niya at napatingin siya sa kanyang kapatid at kay Charlotte.

"But I admit I hated her family name but I found myself liking her from a distance." rinig ko ang malakas na pagtambol ng aking puso.

Kasabay ng muli niyang pagtingin sa akin at ngumiti. Napakagat ako ng ibabang labi at umiwas ng tingin.

I cannot stop my heart from beating so fast. I felt butterflies on my stomach and I knew my cheeks turned bright red.

"Fine, let's agree with this," ani ni Colton kaya naman bumaling ako sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ngumisi siya sa akin at pasimpleng kumindat sa akin. Bumaling naman ako kay Charlotte na ngayon ay mapanlokong nakangiti sa akin.

"Sang-ayon din ako," ani naman ni Charlotte at lumapit sa aking para bumulong. "Ship ko kayo." dugtong pa niya. Narinig kong mahina siyang humagikhik at umupo ng maayos.

"Then it settled, I'll find a way to talk to her brothers and her cousins once everything is okay," malumanay na sabi ni Luke na lubos kong kinabigla. Muli akong bumaling sa kanya at nadatnan ko ang kanyang mga titig.

"You don't have to worry, I am a man of my word. I like you, Lex." seryosong sabi niya.

Nakatitig lamang siya sa akin at doon ko napansin ang bawat detalye ng kanyang mukha. Mula sa kanyang makapal na kilay hanggang sa kanyang mga mata na kulay kayumanggi habang naarawan, Ang kanyang ilong na medyo matangos at ang kanyang dimple na lumilitaw habang ngumngiti.

Behind The Scars (Serviano Series # 1)Where stories live. Discover now