Kabanata 9

29 6 0
                                    

Kabanata 9

Confuse

Natahimik ako dahil sa binulong ni Colton sa akin. Patuloy pa rin sa tawanan at biroan ang aking mga pinsan habang kumakain. Walang kaming klase ng hapon ngayong Biyernes dahil may sabado pa kaming klase.

Bumalik si Luke na may tissue sa kanyang kamay upang takpan ang kanyang sugat. Mabuti na lamang ay hindi pa ganoon ka tagal na nakalapat ang likod ng kanyang kamay sa pan. Ipinakita niya sa amin ang kanyang naging paso sa kanyang kamay.

"Mukhang hindi makakagamit ng gitara si Luke," ani ni Collton ng tingnan niya ang kamay ng kapatid.

"Kung ganun siya muna ang magiging lead singer natin habang hindi pa nakaka recover ang kanyang kamay," ani naman ni Levi.

"Besides, you have a lot of fans already." dugtong pa ni kuya.

"Thanks, bro. I'm glad we are on good terms." ani ni Luke kay kuya Levi.

"No problem, since we are already a team you're a part of our family now. Just don't forget what you promised me." saad ni Kuya Levi.

Naguluhan akong tumingin sa kanilang dalawa. Na parang may hindi ako alam. Bumaling ako kay Colton at ngumiti lang siya sa akin. Kinuha ko sa aking bag ang isang itim na panyo at sinensyasan na ibigay kay Luke ang panyo na yun para takpan ang kanyang sugat. Bumaling ako kay Luke ngunit hindi na siya tumingin pang muli sa aking gawi at nagpatuloy sa pagkain.

What did my brother do?

"Ang tagal niyo naman kuya Ross. Dahil dyan order kayo ng sa inyo. Tapos na kaming kumain," ani ni Shivani sa kanyang dalawang kapatid na kararating lamang.

Alas dos na ng sila ay makakarating sa restaurant na pinag kainan namin ngayon. Umupo sila sa dalawang upuan na pinadagdag namin sa harap ni ate Estelle at Shivani.

"Saan ba kayo galing?" tanong naman ni Ate Estelle.

"May good news si Ross para ating lahat," anunsyo ni Casmir. Kaya naman natigilan kaming lahat.

"I'm here to announce that Zion West is officially accepted as a band in our school and we will be having a gig at Martian Cafe near our school tomorrow," anunsyo ni Ross.

"Then we're invited to attend the Elevate this Saturday." dagdag pa niya na ikinasaya naming lahat.

Naghiyawan kaming lahat dahil sa magandang balita. Dahilan para tumingin sa amin ang mga tao. Marami na ring tao ngayon dahil mukhang lunch break na rin ng iba.

I'm glad that my cousins are now accepted as a band in our school.

"Dahil dyan, sagot ko na ang drinks natin," ani naman ni Casmir. Napalunok ako sa kanyang sinabi. Naghiyawan naman ang mga lalaki.

"Teka, anong drinks yan, aber?" nakapamewang na sabi ni ate Estelle.

"Baka gusto mong wala kang allowance this whole sem." dagdag pa ni Ate Estelle sa kanya.

Napangiwi si Casmir ng marinig iyon. Natawa kami sa kanyang reaksyon dahil mukhang may magsusumbong na naman kina Tito Trevor.

"C-coffee and milk tea kasi ate Estelle. Alam ko namang hindi ka mabiro." pagdadahilan ni Casmir.

"Sus, palusot ka pa ha. Naku ate Estelle alam mo na to," ani ni Daphne. Sinaman ng tingin ni Casmir si Daphne.

"Naku kuya, pag ikaw uminom ako mismo kukuha ng cards mo at pati susi ng kotse mo." utag naman ni Shivani na nagpatahimik sa kapatid.

Nagtatawanan kami dahil mukhang may namumuong world war 3 sa pagitan nila dalawa. Busog na ang ilan sa amin at maging ako dahil kanina ko pa nilantakan ang chicken. Pansin kong hindi na ako kinausap ni Zandrix at tahimik lamang sa aking tabi. Maging si Colton na lubos kong pinagtataka.

Behind The Scars (Serviano Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon