Chapter Thirty Two

Start from the beginning
                                    

"School po kayo ni Ate?"

"Opo, mag school kami ni Ate."

"Babalik ka pa po?"

Sinenyasan kong ibaba na si Rhys dahil nga buhat-buhat pa rin nya ito, dagdag pa na naka tayo pa sya pero sinenyasan nya lang din ako na okay lang at kumain na kami. Wala na kaming nagawa kaya nauna na kaming kumain ni Levi. Lagi ganon si Rhys tuwing umaga. Nanlalambing.

"Kuya Ross..."

"Hmm?"

"Love mo po ba Ate ko?"

Halos mabulunan ako sa naging tanong ni Rhys, agad naman naman akong inabutan ng tubig ni Levi. Agad akong tumayo at kinuha si Rhys sa braso ni Ross. Potatong Nanay! Hindi ko inaasahan yung ganong tanong!

"Kuya, love mo po Ate ko?" Muli na namang tanong ni Rhys pero this time, naka tingin na sya kay Ross, inaantay nito ang kanyang sagot. Nanlaki ang mata ko at halos gusto kong mag tago sa ilalim ng lamesa. Nakakahiya! Nakakahiya, sobra! Pero bakit ganon, may parte sa puso't isip ko na nag aantay ng sagot n'ya.

"A-ah, ano, Rhys, kain ka muna. B-baka ma-late kayo," I gave them an awkward smile. "I-ikaw din Ross, umupo ka na." Lumunok ako nang ilang beses, nakakainis, na tetense ako.

Ang tahimik tuloy nang hapag kainan dahil sa naging tanong na 'yon, hindi na ako nag tangkang mag salita at hindi rin naman sumagot si Ross sa tanong ni Rhys. Don't expect nga talaga.

Nawala ako sa mood dahil sa nangyare. Hindi ko alam pero bigla ko nalang na feel sa sarili ko na ayaw kong kausapin o kibuin si Ross pero hindi ko alam kung saan yung pinang gagalingan ko, siguro dahil na bad trip ako sakanya na hindi sya sumagot. Umasa pa naman ako, but still, sana man lang sinagot nya si Rhys kahit eme lang na sagot pero di ko rin naman sya masisisi dahil baka nga ayaw nya lang talaga sagutin.

Pero, argh! Naiinis talaga ako.

"Sa school na ako maliligo at mag bibihis," aniya. Hindi ko sya sinagot at tinuloy lang ang pag plantsa sa uniporme nila Rhys at Levi. Kita ko tuloy ang pag salubong ng kanyang kilay habang naka tingin saakin but then, he didn't give a word.

Nag presinta syang sya na ang mag bibihis at mag aasikaso kina Levi kaya pumasok na akong cr para naman maligo. Pag pasok ko, biglang kumirot ang dibdib ko, para akong maiiyak na ewan dahil lang sa naging silent answer ni Ross. Nakakainis talaga, umasa talaga ako.

Pilit kong inalis iyon sa isip ko. Naligo na ko at nag bihis ng uniporme, pag labas ko ng banyo, nakita kong tapos na rin ayusan ni Ross ang dalawa, minemedyasan nya nalang si Rhys.

"Salamat po!"

Tinanggal ko ang twalya sa buhok ko para masuklyan, humarap ako sa salamin para doon mag suklay.

"Let me," sinamaan ko nang tingin si Ross nang kunin n'ya ang suklay na hawak ko.

"Kaya ko sarili ko," Paalala ko sakanya. Tiningnan ko sya sa may salamin. Sa tuwing titingnan ko ang mga mata nya, para akong nalulunod.

"I know you can. But please, let me."

Parang nanhina ang mga binti ko at biglang lumayas ang pagiging strong independent woman sa katawan ko. Tuluyan ko nang sinuko ang suklay sa kanya at hinayaan na si Ross ang mag suklay ng buhok ko.

"Ganda, Ate ko 'no?" Tanong ni Levi na agad kong kinalingon. Grabe, di pa nga ko nakaka move on sa isa may dinagdag pa, double slay na yung rejection ko na 'to.

"She's very beautiful, Levi." Nag salubong ang mga tingin namin sa salamin. "Your Ate is effortless beautiful in every way." he added that makes me blush.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now