"Maybe, one point lang kasi yung lamang e." Qim

 "Matindi talaga yung mga Seniors ngayon. Pusigidong manalo kasi last year na nila dito." Ivan

"Ah basta. May the best year lang yan. E ano kung matatalo natin sila? Ginawa natin lahat para manalo tayo tska lahat naman tayo gustong maging champion para sa Intrams." Cielo

"Oo nga oo nga. Gawin na lang natin ang lahat para manalo." sabi ko, tumango-tango na lang sila

Maya-maya pa dumating narin yung cake na inorder namin. Yup! Mag-c'celebrate kami ngayon para sa panalo ng team namin. Sila Ivan bukas pa yung labas kasi mga Freshmen at Sophomores muna ang mag-lalaro.

 ***

~Shayne's POV~

Nagsiuwian na kami pagkatapos naming mag-celebrate, nakakapanibago nga e 4:30 pala kadalasan 6 pm sila nag-yayaya umuwi. Siguro may date yung tatlo kaya nandito kami ni Cielo sa room. Sya kasi mismong nag-request na dun muna kaming lima kaso yung tatlo kailangan nang umuwi. Tinanong ko sila kung wala silang gagawing suprise sa akin tulad ng dati kaso sabi nila wala daw.

"Bess, wala talaga kayong gagawing suprise ah?" naninigurado lang, kasi ganitong ganito rin yung nangyari nung Monthsary namin ni Keith

"Wala nga sabi e." sabi ni Cielo habang naglalaro ng Zombie tsunami sa phone nya

"Kahit mamatay yung mga Boyfriends mo?" 

"Patayin mo na sila." 

 

"Uhmmm... E kung si Zander ang mamatay?" tinignan ko yung nilalaro nyang game. Ayy. Namatay? E ang galing nya dun sya lagi yung may high score pag naglalaro kaming lima.

"Oh, bakit ka namatay?" tanong ko habang nakadapa sa kama at sya naman nakaupo sa couch malapit sa dulo ng kama ko.

"Don't mention his name." tinutukoy ba ne'to si Zander

"Ha? Bess, Hanggang ngayon ba mahal mo parin sya?" hindi sya sumagot nag-iba sya ng game na lalaruin.

"Bess?"

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon