"Oo nga pala, malapit na pala ang third wedding anniversary ninyo ni Ate Green, LC. May maitutulong po ba kami? Baka may gusto kayong iutos sa amin, willing na willing po kami."

Potek, bakit ka ba naiinis sa mga 'to, ano bang malay nila na may usapan kayo ng asawa mo kagabi? Wala silang kasalanan sa nangyari. It's all on you.

"Pasensya na, Gary, ha, medyo distracted lang. Salamat d'un sa tulong na inaalok mo pero kaya ko pa naman. Kapag kailangan ko na sigurong haranahin si misis ay hihingi na talaga ako ng tulong kasi hindi ako marunong kumanta."

My 1st Vice Lord Chancellor laughed. "LC, kayang-kaya namin 'yan. Sabihin mo lang kung saan at kailan at paghahandaan namin nang husto. Sige po, LC, at may klase pa po ako sa Math."

"Sige, ingat."

I felt restless not knowing where my wife was. I knew I needed to talk to someone to be reassured that she was okay but I did not know who to call.

Kapag 'yung pamilya n'ya ang tatawagan ko ay malalaman nila na nag-aaway kami at sigurado akong hindi rin tumawag si Green sa kanila or else one of her brothers would have already called me. Kung pamilya ko naman ang tatawagan ko, I doubt kung magsusumbong si Green sa Mommy ko but...shit...kailangan kong makausap si Mommy.

I dialed my mother's number.

"Hello, 'Mmy..."

"Redley!" I heard my mother's excited voice. "Bakit ka napatawag, Anak? Kumusta kayo ni Green? Kailan kayo ulit uuwi ng Laguna?"

"Baka po sa susunod na buwan pa po, 'Mmy, kasi medyo hectic po talaga ang schedule ko 'tsaka busy po kami sa school."

"Naku, itong mga batang 'to talaga. Malapit na akong magtampo sa inyo, ha. O, bakit ka nga pala napatawag?"

"'Mmy..."

"Ano?"

"Nag-aaway po ba kayo ni Daddy dati?" I asked.

There was a pause before my mother started laughing. "Anong klaseng tanong 'yan? Oo naman. May mag-asawa ba namang hindi nag-aaway? Nag-away ba kayo ni Green?"

"Kasalanan ko po, eh..."

"O, eh, 'di, mag-sorry ka. Ang gusto lang naman naming mga babae ay angkinin mo ang kasalanan mo at humingi ka ng tawad para d'un. Gan'un lang 'yun. Kahit gaano pa kahaba 'yung litanya namin, 'yun lang naman talaga ang ipinupunto. Hayaan mo 'yung asawa mong magsalita, talking is therapeutic for us women."

I sighed.

"O, bakit? Ano bang kasalanan mo? Don't tell me may iba kang babae at ako na mismo ang bubugbog sa'yo, Anak."

"Mommy naman, sa tingin n'yo po ba ay kaya ko po 'yung gawin sa asawa ko?"

"Kung hindi babae, madali lang 'yang ayusin. Ano bang ginawa mo?"

"May...may pangako lang po akong hindi ko po natupad..." I vaguely said.

"Malaking bagay sa aming mga babae 'yang mga pangako. Nearly all of us are romantic at heart kaya naman we hold on to words and promises like our lives depend on them. Mag-apologize ka na lang, Anak, at magpakumbaba ka."

"Kayang-kaya ko pong humingi ng tawad. Kayang-kaya ko nga pong lumuhod sa harap n'ya, eh. Ang problema, wala po akong hihingan ng tawad at wala rin po akong luluhuran kasi umalis po s'ya."

"What do you mean by umalis si Gianna? Nag-alsa-balutan ang asawa mo?"

"Hindi ko po alam. Basta po pagkagising ko ay wala na po s'ya sa tabi ko."

"Masyado mong nasaktan si Green, ibig sabihin. Because a woman would never leave her home unless you've wounded her deeply."

"Mommy, ano pong gagawin ko?"

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora